Chapter 5

114 5 4
                                    

FRUSTRATING para kay Thalia ang unang araw ng pagtatrabaho sa minahan. Wala na siyang ginawang tama para kay Genaro. Lahat ng ipa-type nito sa kanya ay humahantong sa basurahan. Hindi rin siya binigyan ng kahihiyan ng lalaki nang maging sa harap nina Edna at Rebbeca ay sigawan siya nito.
Tiniis niyang lahat iyon, isinumpa sa sarili na may araw din sa kanya ang lalaki. Ang mahalaga ay mahulog ito sa bitag niya. Kapag nangyari iyon, magagawa na niya kay Genaro ang lahat ng gusto niya.
Paglabas ng opisina ay dumeretso siya sa downtown at nilibot ang mga souvenir shops. Bumili siya ng limang cardigan at ilang souvenir T-shirts at accessories. Naengganyo rin siyang bumili ng batik na wrap-around skirt at pajama at isang complete set ng Ifugao costume.
Nawili siya sa pamimili kaya hindi niya namalayan ang oras. Nagulat pa siya ng makitang pasado alas-siyete na sa kanyang relo. Ipinasya niyang kumain na muna sa nadaanang restaurant. Ngunit pagpasok pa lamang niya ay sumama na ang kanyang panlasa nang makitang naroon kumakain so Genaro, kasama ang sekretaryang si Rebbeca.
"Do you want a table, Ma'am? This way please," anang waiter na nakangiting sumalubong sa kanya.
"No," nakataas ang kilay na sabi ng dalaga. "I suddenly lost my appetite," dagdag niya ta pagkasabi'y mabilis na lumabas ng restaurant bago pa siya mapansin ng dalawa.
Tuluyan na siyang nawalan ng gana kaya dumaan na lamang siya sa drive-thru ng isang kilalang fast-food outlet at um-order ng cheeseburger. Habang pauwi ay nagkukutkot ang kalooban niya. Hindi magkasamang kakain sa labas sina Genaro at Rebbeca kung walang relasyon ang mga ito.
Pagdating sa bahay-panuluyan ay agad siyang tumuloy sa kanyang kuwarto. Sa pagmamadali ay hindi na niya napansin si Aurora na naroon pa sa opisina nito. Nagtatakang hinabol na lamang siya ng tingin ng babae.

PAGPASOK na pagpasok sa kuwarto ay pabagsak na isinara ni Thalia ang pinto sa likuran niya. Inihagis ang mga pinamili sa sofa at nahiga sa kama.
Pagod ang pakiramdam niya dala ng maghapong pakikipagtalo kay Genaro. At kanina, kung kailan naaaliw na niya ang sarili, ay saka naman sinira ng dalawang iyon ang mood niya.
You're jealous , aren't you ? buska ka niya sa sarili. Ngunit agad din niyang nilabanan ang nararamdaman. Hindi siya nagagalit sa dahilang nagseselos siya kay Rebbeca.
Nagagalit siya dahil mas pinapansin pa ni Genaro ang babaeng iyon na bukod sa napaka simpleng manamit ay hindi naman nakakahigit ang kagandahan sa kanya.
Talagang naiinis ako sa lalaking iyon! Anang isip niya. Kung gayon titiyakin kong siya ang matatalo!
Huminga siya ng malalim at bumilang hanggang sampu. Maski papaano'y pinaluwag niyo ang pagsisikip ng dibdib niya. Nang humupa ang inis na nararamdaman ay bumangon siya at nagbihis. Isinuot Ang wrap-around skirt at cardigan.
Kinuha niya ang cheeseburger na magsisilbi hapunan. Wala na siyang balak lumabas ngunit wala ng stock ng kape sa kanyang kuwarto kaya napilitan siyang magtungo sa dining hall.
Wala na si Aurora sa opisina niya at tiyak na nagpapahinga na. Tahimik na din ang paligid na pinapagalaw ng malamlam na liwanag na nagmumula sa mga sindidong ilaw sa dingding.
"Magandang gabi po," bati ng dalagitang naabutan niyang nagma-mop ng sahig sa dinning hall. "May kailangan po ba sila?"
"Gusto ko sana ng kape," aniya.
"Sandali lang po at ipagtitimpla ko kayo."
Saglit na nawala ang dalagita. Nang magbalik ito ay may dala nang isang suwelo ng umuusok na kape.
"Thank you," aniya, humila ng isang upuan sa harap ng hapag at naupo. Ipinasyang doon na inumin ang kape habang ang dalagita nama'y ipinagpatuloy ang ginagawa kanina.
"Bakit hindi ka tumuloy sa restaurant nang makita mo kami ni Rebbeca?"
Muntik nang mapaso ng iniinom na kape si Thalia nang biglang bumungad sa dining hall si Genaro. Nang lingunin niya ang lalaki'y nakita niyang matiim ang pagkakatitig nito sa kanya. Agad niyang napansin na tanggal na ang kurbata nito at ang suot na long-sleeved shirt ay nakatupi hanggang siko, bukas ang apat na butones na nagpatambad sa matipunong dibdib nito.
Pati ba naman iyon ay kailangan mo pang pakialaman? Surely, I have all the right to choose kung saang restaurant ko gustong kumain. And contrary to what you are thinking, hindi kayo ni Rebbeca ang dahilan ng pagba-backout ko.
"Liar! kung ganoon ay ano?"
Inilang hakbang ni Genaro ang pagitan nila. Ngayon ay nakatayo ito sa kanyang tabi, towering over her. Pakiramdam niya ay bigla siyang naging unano sa taas ng lalaki.
"I simply don't like to eat a heavy dinner, that's why. Napag-isip-isip kong tama na sa akin ang cheeseburger at magiging madali kung sa fast-food ko na lang bibilhin iyon.
"Really? Try to convince me."
"I won't, dahil wala naman akong dapat pagtakpan. Kung ikasisiya mo ang pag-aakalang kayo ng uliran mong sekretarya ang dahilan ng hindi ko pagpasok sa restaurant, bahala ka."
"Bat hindi mo amining, nagseselos ka?" Tanong nito na hinawakan siya sa braso. Walang pakialam kahit tinitingnan na sila nang may pagtataka ng dalagitang kawaksi.
"Let go of my arm, Genaro," aniya sa matigas na tinig.
"Oh, hindi totoo 'yan! Hindi totoong ayaw mong hawakan kita. You like to be touched and praised at kaya ka nagagalit ay dahil inaaakala mong mas pinapansin ko pa ang isang simpleng babae katulad ni Rebbeca kaysa sa iyo."
"You arrogant brute! tumayo siya at binawi ang braso mula sa pagkakahawak nito. Nang nagtagumpay ay agad siyang lumabas ng dinning hall sa pagnanais na makalayo sa lalaki.
Ngunit agad din itong nakasunod sa kanya.
"Hindi mo pa rin ba matanggap na may isang lalaking bumale-wala sa kagandahan mo?" nakakalokong sabi ni Genaro.
"Get lost, Genaro! Hindi lahat ng babae ay maghahangad na makapiling ka sa kama. Isa ako sa mga iyon, kaya puwede ba, lubayan mo na ako?"
"Such hypocricy! kung sabagay, ano ba ang aasahan ko sa isang tulad mo na lumaki sa karangyaan at nasanay na nakukuha ang lahat ng gusto?"
"Look who's talking," nakangising sabi niya at binalingan ito. "Kung ipokrita ako, ano ang tawag mo sa among nililigawan ang kanyang sekretarya? O baka naman, nobya mo na siya?"
"Ah! Sinasabi ko na nga ba't nagseselos ka kay Rebbeca." Makahulugang ngiti ang sumilay sa mga labi nito bago nagpatuloy. "But there's no need to be alarmed, Thalia. Hindi ko nililigawan si Rebbeca at lalong hindi ko siya nobya."
"Kahit na sino'ng lalaki ay hindi agad-agad na aamin," nakataas ang kilay na sabi niya.
"You really sound like a jealous wife. Now my dear kitten, patutunayan ko sa iyo na wala kaming relasyon ni Rebbeca.
Lumapit sa kanya si Genaro. Malapit na malapit. At bago pa niya maunawaan ang balak gawin ng lalaki ay hapit na siya neto sa baywang at bago pa makapag protesta ay siniil na siya nito ng mapagparusang halik ang mga labi niya.
Halos ubusin na nito ang lahat ng hangin sa kanyang katawan bago siya binitawan. Ngunit nanatiling nakayakap ang mga braso nito sa kanyang baywang.
"Now, admit it, Thalia. You want me. At iyon ang dahilan kaya naririto ka," bulong no Genaro at naglandas ang mga kamay nito pababa sa kanyang balakang. Then he pressed his body against her. Pushing her to the wall.
Nanuyo ang lalamunan ni Thalia ng maramdaman ang matigas na bagay na bumundol sa kanyang puson. He was aroused. At kung noon at ito ang nais niyang maramdaman ng lalaki, ngayon ay parang gusto niyang lumayo at magtago mula sa pag-atake nito.
"Let me go...." Hindi niya napigilan ang pag-i-stammer. At naiinis siya sa sarili sa pagpapakita ng kahinaan.
"Pagsisisihan mo ang pagpunta mo sa teritoryo ko, Thalia. Pagsisisihan mo ang pangugulong ginawa mo sa buhay ko."
"I'm not doing anything. At lalong wala akong ginagawa para guluhin ang buhay mo."
"Sa pagpunta mo palang dito ay may ginawa ka na. That's why I hate you."
Bago pa makapag-react ang dalaga ay muli nanamang siniil ng halik ni Genaro ang mga labi niya. Sa pagkakataong ito ay wala na ang galit na kaakibat niyon. Ang parusang halik ay naging masuyo, naghahanap ng katugunan.
At huli na nang mamalayan ni Thalia na tinutugon niya ang halik ni Genaro. Tangay na siya ng kanyang damdaming nang maramdaman ang pagkalas ng mga braso nito sa baywang niya. Kasunod noo'y binitiwa siya nito na para bang napaso sa apoy.
"Genaro-" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang putulin ng lalaki ang pagsasalita niya.
"Go in before I lose my mind completely, Thalia! And don't ever open that damn door even if I beg you!" Walang salitang binuksan ng dalaga ang pinto ng kuwarto at mabilis na ipininid sa likuran niya.
Tama so Genaro. Hindi niya dapat buksan ang pintong iyon kahit magmakaawa pa ito.

GENAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon