Chapter 11

634 9 16
                                    

"SAAN ka pupunta?" galit na tanong ni Genaro at nang mahagip ang braso ni Thalia ay hinawakan nang mahigpit. "Do you think I will let you get away with it? Come here, you little witch!"
    "Aray! Bitiwan mo nga ako!" aniya na pilit kumakawala sa pagkaka hawak ng lalaki. Nang buksan ng asawa ang refrigerator at kunin ang natitirang karton ng chocolate milk ay parang nahuhulaan na niya kung ano ang binabalak nito.
    "Let me go, Genaro!" aniya nang makitang binubuksan na nito ang karton. "Ano ba? Bitiwan mo ako!"
    "Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo," anang lalaki sabay buhos ng chocolate milk sa kanya.
    Iniiwas ni Thalia ang ulo kaya sa dibdib niya pumatak ang tsokolate, tumagos hanggang sa suot niyang negligee at ramdam na ramdam niya ang pag-agos ng malagkit na likido sa kanyang balat.
    "Look what you've done!" sigaw niya at animo diring-diring sinulyapan ang dibdib. "I feel sticky!"
    Nasisiyahang pinagmasdan ni Genaro ang asawa ngunit pinanatili nitong pormal ang anyo. Lutang na lutang ang kulay ng tsokolate sa malaporselanang kutis ni Thalia. Ibinaba pa nito ang paningin at napalunok nang makitang bumakat sa nabasang damit ang mga nipples niya.
    Hindi napigil ang sarili nang abutin ang braso ng asawa at hilahin nito. Bakas ang pagtataka sa mga mata ni Thalia nang hapitin siya nito sa baywang at simulang lasahan ang tsokolateng dumikit sa balat niya.
    "Genaro, stop it..." ani Thalia nang maramdamang naglikot ang dila ni Genaro sa kanyang dibdib. Tinangka niyang itulak ang lalak ngunit ang sensasyong nilikha ng ginawa nito'y pumigil sa anumang pagtutol na ibinubulong ng isipan niya. "W-what are you doing?"
    "Cleaning up the mess," anang lalaki habang patuloy ang paghagod ng dila sa kanyang balat, na para bang isa siyang ice cream na katakam-takam.
    "Oh, Genaro..." bulong niya sabay pikit at kasunod noo'y awtomatikong humagod ang kanyang mga kamay sa ulo ng asawa. Ramdam pa niya ang panlalagkit ng buhok nito dahil sa tsokolateng ibinuhos niya kanina.
    Nang sabayan nito ng haplos ang kanyang dibdib ay may kung anong sasabog sa sentro ng kanyang pagka babae na una niyang naramdaman noong una siyang angkinin ni Genaro. The sensation was so great she could hardly breathe. At nang igiya siya ng lalaki paupo sa ibabaw ng lababo ay naging sunud-sunuran na lamang siya sa bawat gustuhin nito.
    Genaro was about to kiss her again nang ikulong niya sa mga palad ang mukha nito.
    Kaakibat ang matamis na ngiti ay pinakiusapan niya ang asawa na ibalik si Manang Meding. Sukat doo'y biglang nag tiim ang mga bagang ng lalaki at galit na pinalis ang mga kamay niyang nakasapo sa magkabilang pisngi nito.
    "Damn! You almost got me. I thought you're enjoying it, iyon pala, pinagbibigyan mo ang gusto ko para lamang pumayag akong bumalik si Manang Meding?"
    "It's not wha you think -" tanggi niya na totoong wala sa loob ang lansihin ito.
    "No way! You can't fool me now," ani Genaro at pagkatapos ay tila napasong binawi ang mga kamay mula sa pagkakahawak sa kanya. "Yes, I was dying to touch you and be inside you but that won't make me change my mind, Thalia."
    "I'm not trying to fool you. And I don't have any intention of using my body to get what I want from you," reklamo niya nang makitang nang-uuyam ang ngiting nakapagkit sa mga labe nito. Ang mahikang naramdaman kani-kanina lamang ay tuluyan nang naglaho. At galit ay nagbalik sa dibdib niya.
    "Oh, convince me! Kung noon sa papa mo ay nakukuha mo ang lahat ng gustuhin mo, puwes, hindi na ngayon. Hangga't hindi ka matututo sa buhay, hindi babalik si Manang Meding sa bahay na ito."
    Pagkatapos niyo ay mabilis na siyang tinalikuran ng lalaki. Naiwang nagngingitngit si Thalia. Cursing his name habang sinisisi ang ama sa ginawang pagmamanipula sa buhay niya.
    "You can't do this to me, Genaro! At hindi ko susundin ang gusto mo kahit ano pa ang mangyari, Di you hear me?" sigaw niya at hinabol ito upang matiyak na maririnig ang kanyang sinasabi. "Who needs Manang Meding anyway? I can hire my own maid. And I can buy my own groceries. Kung inaakala mong magugutom ako kapag hindi mo pinakain, nagakakamali ka!"
    "Do as you wish, Thalia. I won't give a damn," nakakaloko pang sabi ni Genaro nang lingunin siya.
    "You're a brute!" sigaw niya, nagmamadaling pumanhik sa hagdan at nilampasan ito.
    Tuluy-tuloy siya sa kuwarto para kunin ang pitaka ngunit sa pagkadismaya niya ay wala iyon sa shoulder bag niya. Marahil ay tumilapon kaninang ihagis niya ito.
    Hiananap niya and pitaka sa nagkalat na mga gamit ngunit hindi niya ito makita. Nang mapagod sa paghahanap ay nanlulumong napaupo na lamang siya sa paanan nd kama.
    Sigurado ngang may bukas pang convenience store na mabibilhan niya ng pagkain sa mga oras na iyon, ngunit paano siya bibili gayong nawawala ang pitakang kinalalagyan ng kanyang cash maging ng ATM at credit card niya?
    "Oh, damn!" bulalas niya at inihagis ang nahagilap na vase dahilan upang tuluyan itong mabasag.
    "Tsk, tsk..." palatak ni Genaro nang sumungaw sa pinto at maabutan siya sa helpless na kalagayan. "Que pena!" anito pa na ang ibig sabihin ay, "What a pity!"
    "I understand that!" sikmat ni Thalia at tumayo upang muling harapin ito. Ang pagiging arogante ng lalaki ay nagbibigay sa kanya ng lakas upang labanan ito. "At para sabihin ko sa iyo, I don't need your pity!"
    "I won't let you humiliate yourself further. Iiwan na kita. Good night, dear wife. Sweet dreams."
     Kumaway pa si Genaro bago ipinid ang pinto.
     "Ingrato!" walang magawang sigaw na lamang ni Thalia.
    Muli siyang napahagulgol ng iyak sa magkahalong galit at desperasyon. Wala sa loob na naihaplos niya ang kamay sa impis pang puson. Kung siya lamang ay kaya niyang tiisin ang gutom, ang inaalala niya'y ang bata sa kanyang sinapupunan.
    Nang hindi na matiis ang pagkalam ng sikmura ay dahan-dahan siyang lumabas ng kuwarto. Nakapinid ang pinto sa kuwartong inokupa ni Genaro at wala nang naglalagos na liwanag sa siwang niyon kaya inakala niyang nagpapahinga na ang lalaki.
    Muli siyang nanaog at nagtungo sa kusina.   Binuksan niya ang cabinet at kinuha ang isang lata ng sardinas. Sa ngayon ay mapagtitiyagaan na niya iyon.
    Binuksan niya ang sardinas sa pamamagitan ng abrelata at isinalin sa tasa. Nagtaka pa siya nang maging mabango sa pang-amoy niya ang aroma nito,at nang tikman ay naibigan niya ang lasa.
    She liked it so much na sa isang kisap-mata ay nagawa niyang ubusin ang sardinas sa tasa. Nang hindi nasiyahan ay nagbukas ng isa pa at nagawa ring ubusin iyon.
    Halos hindi pa siya makapaniwalang nagawa niyang kumain ng sarnas straight from the can habang pinagmamasdan ang dalawang latang nasa ibabaw ng mesa.
    "Talaga nga palang ang tao, kapag nagugutom, kahit ano ay kakainin," natatawang sabi ni Genaro na bumungad mula sa pintuan.
    Matalim ang sulyap na ipinukol ni Thalia sa lalaki. "Talaga bang hindi mo ako tatantanan?" aniya.
    Bagkus na sagutin ang tanong niya'y iba ang sinabi ni Genaro. "I see you learn fast. Two can of sardines in one sitting? Surprisingly too much for a beginner."
    Ramdam ni Thalia ang pamumula ng mga pisngi sa implikasyon ng tinuran nito. "What is it to you, anyway?" Naggalit-galitan siya upang pagtakpan ang pagkapahiya. "Kahit pa kainin ko pati lata, wala kang pakialam!"
    "Really?" amused na tanong ni Genaro.
    "Ikaw na rin ang may sabing wala na tayong dapat pag-usapan kaya puwede ba, iwanan mo na ako?"
    Naiiling na pinagmasdan lamang siya ng lalaki. At sa ginagawa naman nito'y lalo lamang nagngitngitang kalooban niya.
    Sa ngayon ay ayaw akong paniwalaan ng papa, pero titiyakin kong bukas ay makakarating muli sa kanya ang pang-aaping ginagawa mo sa akin!" parang batang pananakot niya kay Genaro.
    Ngunit hindi man lang natinag ang lalaki. Bagkusay ngumiti pa ito.
    "So, nag sumbong kana pala sa papa. Lalo mo lang akong pinaniniwalang hanggang ngayon ay isip-bata ka parin. Dapat ka ngang turuan ng leksiyon."
    "You won't get away with this, Genaro! At huwag kang masyadong confident na palagi na lang ikaw ang paniniwalaan ng papa."
    "I'm scared," nakakalokong sabi ng lalaki. "At sa palagay mo ba'y darating dito ang iyong papa para iligtas ka sa ginagawa kong pang- aapi sa iyo?" I'm sorry to tell you, Miss High and Mighty, pero nang pakasalan kita'y ibinigay na niya sa akin ang lahat ng karapatan para ipanuto ka."
    "What exactly do you mean by that?" kunot-
noong usisa ni Thalia.
    "Let's put it this way. Sawang sawa na sa iyo ang papa mo kaya ipinakasal ka niya sa akin.
    Maybe he was thinking na magbabago lamang ang ugali mo kapag may asawa ka na. I don't want to disappoint him, kaya kailangan mo nang madisiplina."
    "I'm not a toy na puwede ninyong paikutin sa mga palad ninyo!"
    "Why don't you tell your father about it? After all, siya ang may pakana ng lahat ng ito, hindi ba?"
    "Oh, bastard!" Galit na hinampas niya ito sa dibdib bago mabilis na tinalikuran. Narinig pa niya ang paghalakhak ni Genaro na lalo lamang nagpatindi sa galit na nararamdaman niya.
    Nang nasa itaas na ay nagpasya siyang matulog na lamang sa guest room upang huwag makita ang mga kalat sa master's bedroom na siya rin naman ang may kagagawan. Ngunit laking pagkadismaya niya nang mapag-alamang naka-lock ang bawat pinto ng kuwarto maliban sa ginagamit ni Genaro.
    "Tsk, tsk... looks like a chain of bad luck."
Pag lingon niya'y nakita pa niya ang lalaki na nakangiting nilalaro sa daliri ang mga susi.
    "Look, it's past midnight and I'm tired. I cannot spend a night in that room kaya puwede bang buksan mo ang isa sa ega guest rooms?" aniya ibig nang sumuko sa kagustuhang makapagpahinga na at matapos ang pakikipagtalo sa lalaki.
    "Request denied," anito.
    "Oh, please! Kung ikaw ay maaaring matulog sa guest room, ganoon din ako."
    "Nakalimutan mo na yata ang sinabi ko, Thalia.
     Kung gusto mong matulog sa isang maaliwalas na kuwarto, linisin mo ang kalat mo. Good night."
    Pagkasabi niyon ay dere-deretso na ang lalaki sa kuwarto ng inookupa nito.
    "Wait-!" ani Thalia. Ngunit hindi na niya naituloy ang sasabihin nang puminid na ang pinto sa harapan niya.

"OH, MY HEAD!" daing ni Thalia nang magising kinabukasan. Isinandal niya ang sarili sa unan at iginala ang paningin sa loob kuwarto, hindi makapaniwalang nakatulog din pala siya nang mahimbing sa kabila ng mga kalat.
    Nang maalala ang namagitang komprontasyon sa kanila ni Genaro nang nagdaang gabi ay napabuntong-hininga siya.
Pasado alas-otso na ayon sa suot niyang relo at kung pumasok ng opisina si Genaro ay tiyak na wala na ito.
     Sapo ang ulong dahan-dahan siyang bumaba ng kama at nagtungo sa banyo. Naghilamos siya at binasa ang ulo upang maski papaano'y mabawasan nang kaunti ang pananakit niyon.
    Pansamantala'y kailangan na muna niyang tiisin ang sakit ng ulo 'pagka't hindi siya maaaring uminom ng aspirin at makakasama iyon sa batang dinadala niya.
    Sa gitna ng mga kalat ay hinanap niya ang kanyang pitaka pati na ang susi ng kotse. Ngunit halos baligtarin na niya ang buong kuwarto' y hindi niya pa rin makita ang hinahanap.
    Nang magsawa sa paghahanap ay bumaba na lamang siya. Tahimik ang buong kabahayan at bukod doo'y wala na ang sasakyan ni Genaro sa garahe. Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis sa kaalamang basta na lamang umalis ang lalaki nang hindi man lamang inalam kung ano na ang kalagayan niya.
    She had an splitting headache at bukod Don ay kumakalam na naman ang sikmura niya. Tatawagin niya sana si Manang Meding nang maalalang kagabi pa nga pala wala ang matanda. Nanlulumong nag tungo siya sa kusina at bakasakaling nag luto ng pagkain si Genaro. Ngunit kung paano niya iniwan sa mesa ang pinagkainan at ang walang lamang lata ng sardinas ay ganoon pa rin niyang inabutan.
    Napilitan siyang mag almusal ng sardinas kahit tumututol ang isip niyang muling tumikim ng de-lata. Pagkatapos ay muli siyang pumanhik sa kuwarto at nagsepilyo. Hindi siya tumigil hangga't hindi nawawala ang amoy ng sardinas sa bibig niya.
    Kahit masama ang loob ay ipinasya na rin niyang iligpit ang mga kalat. Kahit pa nga hindi hindi niya malaman kung paano ibabalik ang lahat sa dati. Makalipas ang mahigit isang oras ay natapos din siya. May ngiting inilatag niya ang pagal na katawan sa kama.
    Habang iniisip, saka niya na-realize na hindi naman pala masamang siya ang maglinis ng kalat niya. Bukod sa pinawisan ay wala namang masamang nangyari at nakapagpagaan pa iyon sa bigat na dinadala niya. Ang ipinagtataka lang niya'y hindi pa rin niya makita ang pitaka at susi ng kotse.
    Sa susunod n isang oras ay nilibang niya ang sarili sa panonood ng telebisyon ngunit kalaunan ay nagsawa rin siya. Tinawagan niya ang kaibigang si Aleta upang may makausap ngunit wala sa bahay ang dalaga at hindi naman niya macontact ang cellphone. Inisip niya kung tatawagan ang ama ngunit sa huli'y ibinaba na lamang niya ang telepono. May pakiramdam siyang hindi pa rin siya paniniwalaan ng ama kahit ano ang kanyang sabihin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GENAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon