Chapter 10

205 5 4
                                    

"ANO'NG ibig sabihin nito?" galit na tanong ni Genaro nang buksan ang pinto at makitang nagkalat ang mga gamit sa loob ng kuwarto.
Nag-angat ng ulo si Thalia na noon ay nagmumukmok sa isang sulok. Sa palibot niya ay ang nagkalat na kumot at unan.
Nilapitan ni Genaro ang asawa. Hinila sa isang kamay at pinilit tumayo. Agad nitong nalanghap ang amoy ng alak sa hininga ni Thalia. Saka pa lamang napansin ang kopita at bote ng alak na nakalapag sa isang tabi.
"Let me go, you bastard!" singhal ni Thalia sa asawa at mabuway na piniksi ang brasong hawak nito.
"Who told you to get drunk, huh? Look at you. You're a mess!" nanggigigil na sabi ni Genaro.
"Shut up! Wala kang karapatan magalit, ha? At ano ang karapatan mong sumbatan ako? Hindi ba ako ang dapat manumbat? Niloko mo ako! Kayo ng babae mo!"
"Mali ang iniisip mo tungkol sa aming dalawa ni Rebecca. Wala akong relasyon sa kanya, at hindi kita niloloko."
"Liar! Huwag mo akong gawing tanga, Genaro!" Binayo niya ang dibdib nito upang kahit papaano, sa pamamagitan man lamang niyon, ay maibalik niya sa lalaki ang hapding nararamdaman niya.
"Stop it, Thalia! Stop it!" Hinuli ni Genaro ang kanyang mga kamay. "At pwede ba, pakinggan mo muna ako?"
"No! I won't listen to you!"
"You won't listen to me?" tanong nito na may pagbabanta sa tono. "Fine! Hindi kita pipilitin kung ayaw mong maniwala sa akin. But you clean your own mess! Huwag mong asahan si Manang Meding na mag ligpit ng mga kalat mo!"
Pagkasabi niyon ay marahas na binitiwan ni Genaro ang kanyang kamay at mabilis na lumabas ng kuwarto. Nag pupuyos na ibinato ni Thalia ang base ng night lamp sa pinto.
"Hindiikaw ang magdidikta sa akin ng mga dapat kong gawin, you bastard! Kahit kailan hindi mo ako mapapasunod sa gusto mo!"
Nang mapagod ay saka pa lamang tumigil sa pagwawala si Thalia at nanlulumong naupo sa gilid ng kama. Ayaw niyang umiyak ngunit hindi niya mapigil ang pagbalong ng luha mula sa mga mata. Wala sa loob na hinaplos niya ang impis tang puson. Sa kala lamang tila naalala ang ipinagdadalantao. Sa tindi ng galit sa asawa ay naisip niyang huwag ipagtapat dito ang kanyang kalagayan bilang ganti.
Masama ang loob na inilatag niya ang pagal na katawan sa kama. Ilang sandali pa't nakatulog siya sa posisyong animo sanggol na nasa sinpupunan ng isang ina.
Madilim na sa labas ng siya ay nagising. Pasado alas-sais ayon sa suot niyang relo. Bumaba siya mula sa kama na sapo ang sumasakit na ulo, deretso sa banyo para maghilamos.
Mugto ang mga mata ng babaeng nakita niya sa salamin. Halatang ilang oras na umiyak. Muli niyang naramdaman ang paninikip ng dibdib kaya mabilis siyang umalis sa harap ng salamin at tinuyo ng tuwalya ang mukha.
Napabuntong-hininga siya nang mapagtuunan ng pansin ang kalat na siya ang may kagagawan. Binuksan niya ang pinto at lumabas ng kuwarto upang tawagin ang katulong. Ngunit nananakit na ang kanyang lalamunan sa kasisigaw ay hindi man lamang nakita ni anino ni Manang Meding.
"Didn't I tell you to clean your own mess?" tanong ni Genaro sa mababang tono.
Bigla ang ginawang paglingon ni Thalia. Nagulat pa siya nang makitang nsa likuran na niya ito. Hindi niya alam kung paanong nakalapit ang lalaki nang hindi niya namamalayan.
Matalim ang sulyap na ipinukol niya kay Genaro na noo'y suot ang sleeping attire nitong boxer shorts at sando. Maaaninag ang ilaw sa kuwarto mula sa nakabukas na pinto sa dulo ng pasilyo kaya ntiyak niyang doon ito nanggaling.
"Nassan si Manang Meding?" galit na tanong niya.
"Pinaalis ko na si Manang Meding. Mula ngayon ikaw na ang gagawa ng lahat ng gawain dito sa bahay."
"Pabalikin mo si Manang Meding ngayon din! Hindi mo ako katulong para ako ang gumawa ng mga gawaing bahay, do you hear me?" nanlalaki ang mga matang singhal niya sa asawa. Lumaki siyang ni hindi alam kung paano magluto at maglinis ng bahay pagka't may binabayaran ang kanyang papa para gumawa ng mga iyon. Sa palagay ba ng lalaking ito ay hahawak siya ng walis at kaldero? No, Sir! sigaw ng isip niya.
"It's time to teach you a lesson, Thalia. Hindi haba panahon ay gusto mo laging masusunod. Ngayong mag-asawa na tayo, kailangan mo nang kumilos dito sa bahay. You are now a homemaker. Dapat mo nang matutunan kung paanong magsilbi sa iyong asawa."
"Gusto mo pala ng tagasilbi, bakit hindi ang Rebecca na iyon ang pinakasalan mo? Anyway, mukha siyang katulong. Sigurado, kung siya ang napangasawa mo, hindi mo na kailangan si Manang Meding!"
Inilang-hakbang ni Genaro ang pagitan nila at marahas na hinawakan ang kanyang braso.
"Bawas-bawasan mo ang pagiging matapobre, Thalia! Hindi lahat ng bagay ay mabibili ng pera mo!"
Tinangkang pumiksi ni Thalia ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa kanyang braso.
"Bitiwan mo ako, nasasaktan ako!" sigaw niya.
"Hindi ko kailangan ang salapi ng papa mo, Thalia," ani Genaro sa mapanganib na tono. "Hindi man ako kasingyaman ninyo ay hindi naman ako pulubi!"
"Kung gano'n, bakit mo ako pinakasalan, Genaro?"
"Ako ang dapat magtanong sa iyo niyan, hindi ba? You have all the reasons to disagree. Pero naging sunud-sunuran ka sa papa mo."
"You know damn well kung bakit ako napilitang magpakasal sa iyo, Genaro. Ayokong mamatay ang papa nang dahil sa akin!"
"I don't believe you," anang lalaki na nakataas ang sulok ng labi, sa tono ay mahihimigan ang panunukso.
"Hindi kita pinipilit na maniwala. Now, will you please let go of my arm? You're hurting me!"
Binitiwan lamang ni Genaro ang braso ng asawa nang makitang halos nangingitim na iyon. Naiwan ang bakas ng mga daliri nito na kitang-kitang nakamarka sa maputi at makinis na balat ni Thalia.
"Hindi babalik si Manang Meding hangga' t hindi ka natututo sa buhay, naiintindihan mo?" anitong bilang pananakot ay hinawakan sa balikat ang asawa at inuga. "You should learn how to be humble, at bawasan mo rin ang pagiging impulsive mo. Alam mo bang sa ginawa mo kay Rebecca ay inilagay mo ako at ang sarili mo sa kahihiyan?"
Sa narinig ay muling sumiklab ang apoy sa dibdib ni Thalia. Lumalabas na kinakampihan ni Genaro ang sekretarya at hindi niya matatanggap iyon.
"Bakit ako mahihiya sa babae mo? Hindi ba dapat, kayo ang mahiya sa akin?" aniyang tuluyan nng pinangibabawan ng nararamdamang panibugho ang katuwiran.
"Hindi ko siya babae."
"You really want me to believe that?" nang-iinsultong tanong niya sa lalaki.
"No," kaswal na sagot nito. "Hindi ko na sasayangin ang oras ko sa isang taong walang pinaniniwalaan kundi ang kanyang sarili."
"Sinasabi mo bang makasarili ako?"
Bagkus na sumagot ay tinalikuran lamang siya ni Genaro. Sadyang nang-iinis. Nagngingitngit na nagbalik sa kuwarto si Thalia at pabagsak na isinara ang pinto sa likuran niya.
Lalong nag-init ang kanyang ulo nang muling makita ang mga kalat sa loob ng kuwarto. Nagdadabog na nagbalik siya sa kama at doon nagmukmok. Sumusumpa sa sariling kahit ano ang mangyari ay hinding hindi-hindi niya liligpitin ang kalat dahil gawain iyon ng kawaksi.

GENAROWhere stories live. Discover now