Chapter 8

206 5 3
                                    

"MARRY your daughter?" gulat na tanong ni Genaro nang marinig ang sinabi ni Don Sebastian.
"Yes, tama ang narinig mo, hijo. Dahil sa ginawa mong pang hihiya sa kanya ay gusto kong pakasalan mo si Thalia."
"Pero, Don Sebastian..." Naihilamos ni Genaro ang kamay sa mukha. Parang sa sakit ang kanyang ulo sa nais mangyari ng matanda. "Computer age na tayo ngayon. Hindi ko mo hinalikan mo ang isang babae ay pakakasalan mo na," naiiling na dagdag ng binata.
"Tumututol kang pakasalan ang aking anak?" tila hindi makapaniwalang tanong ng matanda. "Si Thalia ay hindi basta-bastang babae. Siya ang ka isa-isa kong tagapagmana, at hindi makabubuti para sa kanya ang pagkakaroon ng mga tao ng masamang impresyon sa kanyang miralidad," dagdag pa. Gayunma'y wala sa tono nito ang pamimilit.
"Well, I---"
"Inilagay mo sa kahihiyan ang aking anak kaya dapat lang sigurong gumawa ako ng aksyon, hindi ba?"
Nagpawala ng isang malalim na buntong-hininga si Genaro bago marahang tumango. "All right, I will marry your daughter," pagkatapos ay sinabi.
"Good," pinipigil ang ngiting sabi ni Don Sebastian. "Then you're coming with me to Manila. Para mapag-usapan natin ang inyong pagpapakasal."
Hindi na tumutol pa si Genaro at naging sunod-sunuran na lamang sa lahat ng gustuhin nito. Habang sakay ng helicopter pabalik sa Maynila ay nabubuo sa isip niya ang planong siya lamang ang nakakaalam.

"PAPA, what is he doing here?" galit na tanong ni Thalia nang makitang kasama ni Don Sebastian si Genaro. Magkasunod na pumasok sa sala ang dalawang lalaki. Kapwa pormal.
"Magpapahinga na muna ako, hija. Si Genaro na lamang ang magpapaliwanang sa iyo ng lahat."
"Pa, what is this? Ibinebenta nyo ba ako sa lalaking 'yan?" nalilitong tanong ng dalaga. Pinukol ng matalim na sulyap si Genaro, at nang lapitan siya nito' t hawakan sa kamay ay agad siyang pumiksi.
Ngunit hindi man lang natinag ang lalaki. Hinawakan siya nito nang mahigpit sa braso at hinila patungo sa lanai.
"Bitawan mo ako, ano ba?" gigil na sigaw niya rito. Napaaray nang sapilitan siyang paupuin nito sa monobloc chair. "You have no right to do this! Ano ba ang ipinakain mo sa papa at pinabayaan niyang gawin mo sa akin ito, ha?"
Tumaas ang sulok ng labi ni Genaro, curved in an arrogant smile. "I will soon have the right to spank you, Thalia, and teach you a lesson," may kumpiyansang hayag nito.
"And what could be the reason, Mr. Sacrament?" taas ang kilay na tanong niya.
"You will soon be my wife," sila nagmamalaking sabi ni Genaro at nang-iinis pa yata nang ilapit ang mukha sa dalaga.
Hindi man literal, pakiramdam ni Thalia ay bigla siyang bumagsak mula sa kinauupuan.
Maang na napatitig siya sa lalaki, binasa ang katotohanan sa mga mata nito. Ngunit mukhang hindi nagbibiro si Genaro.
"N-niloloko mo ba ako? Iniinis?" sunod-sunod na tanong niya. Tumayo at sinugod ang lalaki.
"Hindi pa ba sapat na pinahiya mo ako sa harap ng maraming tao, ha? Hanggang dito ba naman ay gusto mo pa rin ang ipailalim sa kapangyarihan mo?"
"Hey, hey, talking about power... wala ka nang magagawa kundi sumunod sa lahat ng kagustuhan ko oras na maging mag-asawa na tayo."
"Iyon ay kung papayag ako sa mga kalokohang iniimbento mo, Genaro Sacramento!" singhal niya. Kulang na lang ay literal na mag-apoy sa galit ang mga mata.
"No, Sir! Hindi mo ako mapapaikot sa mga palad mo!"
"Your father asked me to marry you, so here I am. Hindi ba't ako ang dapat na mag-isip na gusto mo akong paikutin sa mga palad mo?"
"At bakit ako ipakakasal ng papa sa iyo?" nanlalaki ang mga matang bulalas ng dalaga. Surely, hindi gagawa ng isang mabigat na hakbang ang kanyang papa nang hindi man lamang siya kinokonsulta. Least of all, ang isang bagay na may kinalaman sa kinabukasan niya.
"Why don't you ask yourself, brat?" ani Genaro na biglang naging seryoso. Tumiim ang mga matang nakatitig sa mukha ng dalaga.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay ibig kabahan ni Thalia sa nakitang ekspresyon ni Genaro. He looked as though he wanted to wring his neck.
Wala sa loob na nasalat niya ang leeg at napalunok. Ngumiti si Genaro na para bang nabasa ang iniisip niya.
Umunat ito mula sa pagkakayuko at ipinamulsa ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. Nanatiling nakatitig sa kanya
"I've already said yes to your father, Thalia,"
mayamaya'y sabi nito. So, you see, hindi mo na matatakasan ang kapalarang itinakda sa iyo ng iyong papa."
"Never ako magpapakasal sayo, Genaro! Never! At kung mapilit ka, bakit hindi kayo ng papa ang magpakasal?" sigaw niya at pagkatapos ay tinalikuran ito. Mabilis ang mga hakbang na pumanhik siya sa taas, deretso sa kuwarto ng ama.
Nakatayo sa may bintana si Don Sebastian nang marahas na bumukas ang pinto at pumasok ang dalagang nagpupuyos sa inis.
"Papa, you can't do this to me!" naluluhang sabi ni Thalia, puno ng hinampo ang tono. "Hindi ninyo ako maaaring ipakasal sa lalaking 'yon!"
"You asked me to punish him and I did," mahinahong sabi ng don.
"No, you didn't! You only asked him to marry me, And you call that punishment?" nanggigipuspos na sabi ni Thalia. Parang batang nagdabog sa harap ng ama.
"Sinabi mong maaari kong gawin ang kahit na ano makaganti ka lamang kay Genaro. If you marry him, he'll be stuck with you forever. At hindi ba iyon ang pinakamagandang parusa?"
"No! Hindi ako magpapakasal sa kanya!"
"I already gave him my word, Thalia. At pumayag si Genaro na pakasalan ka para maisalba sa kahihiyang idinulot niya sa iyo."
Hindi makapaniwalang napamaang ang dalaga sa matanda. "I can't believe you're saying that. You're giving me away, na parang namimigay ka lang ng tuta sa kapitbahay?" nanlulumong sabi.
"Hija, look at it this way. Kapag wala na ako, ikaw na ang magmamana ng lahat ng ating mga negosyo at ari-ariang dugo at pawis ang pinuhunan ko upang mapanatiling malago. Kung ang mapapangasawa mo'y isang magaling na lalaking katulad ni Genaro, mamamatay akong panatag ang kalooban."
" Hindi ka mamamatay! You're still at your prime, at bago mangyari ang kinatatakutan ninyo, surely alam ko na ang pasikut-sikot sa negosyo."
Nagkibit ng mga balikat si Don Sebastian bago marahang umiling." I very much doubt it, hija. Ni wala kang ginagawa para matuto kung paanong magpalakad ng negosyo. Wala kang ginagawa kundi mag-shopping, magliwaliw sa Ibang bansa at magpuyat sa kapupunta sa mga disco houses and clubs. Kaya napagpasyahan kong mas mabuti pang magpakasal ka na lamang kay Genaro."
Namalisbis ang luha sa pisngi ni Thalia. Masamang-masama ang loob sa marahas na hakbang na ginawa ng ama.
"Marriage is not to be based on power and money. Ano ang halaga ng kasal kung hindi pag-ibig ang nagbibigkis sa mag-asawa?"
"Hindi mahirap mahalin si Genaro. At sa tingin ko nama'y malaki ang pagkakagusto niya sa iyo. Kung hindi ay hindi siya papayag na pakasalan ka nang ganoon-ganoon lang."
"I refuse to believe that. O kung totoo man, hindi sapat na dahilan iyon."
"Hija, nang magpakasal kami ng mama mo ay hindi namin mahal ang isa't-isa. Sumunod lamang kami sa kagustuhan ng aming mga magulang. But as the years went by, nang ipinanganak ka niya ay doon namin naramdamang mahal na mahal namin ang isa't-isa."
"You were friends, kaya hindi kayo nahirapang mahalin ang isa't isa. But this... Genaro, kaaway ang tingin ko sa kanya. I hate him, Papa. At kapag pinilit n'yo akong magpakasal sa kanya, tiyak na impiyerno ang kasasapitan ko."
"Hija, you always exaggerated things. Genaro is very handsome man, at kung ikokompara lang naman sa mga lalaking dinala mo na rito ay dalawang kamay kong tatanggaping manugang si Genaro."
"He's arrogant brute! Why, can't you see that?
Ano ba ang ipinakain sa inyo ng lalaking 'yon?"
"Now, child, that's enough. Huwag na tayong magtalo at hindi na magbabago pa ang isip ko."
"I will never allow you to run my life, Papa. Tawagin na ninyo akong suwail, pero hinding- hindi ako susunod sa kagustuhan n' yo!"
"Don't be stubborn, Thalia. Oras na hindi mo sundin ang kagustuhan ko ay aalisan kita ng mana."
"Do it then, Papa! Hindi ako natatakot sa inyo!" Pagkasabi niyon ay mabilis nang tinalikuran ng dalaga ang ama.
"Oh!" ani Don Sebastian na sapo ang dibdib.
"H-hija..."
Nilingon ni Thalia ang ama nang marinig ang tawag nito at gayon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makitang tila kandilang nauupos sa kinatatayuan ang matanda sapo ang dibdib.
"Papa! sigaw niya. Nang bumagsak ito sa sahig ay napatili siya.

ILANG araw na namalagi sa ospital si Don Sebastian. Atake sa puso ang dahilan, at sabi ng doktor ay hindi maaaring dulutan ng sama ng loob ang matanda.
Aping-api ang pakiramdam ni Thalia nang sa wakas ay pumayag sa gustong mangyari ng ama. Kung hindi lamang nakita kung gaano ang naging epekto kay Don Sebastian ng atake ay iisipin niyang gawa-gawa lamang iyon ng matanda upang mapapayag siya.
Isang simpleng kasalan lamang ang hiniling ni Thalia. At bagaman en grandeng kasal ang gusto ni Don Sebastian para sa unica hija ay wala na itong nagawa kundi ang sumang-ayon. After all, it was a give and take situation. Pinagbigyan ng dalaga ang kahilingan ng ama na nagpakasal siya kay Genaro, kaya dapat lamang na pagbigyan din siya nito.
Pawang malalapit na kaibigan at kamag-anak lamang ang kanilang inimbita. Maid-of-honor ni Thalia ang matalik na kaibigang si Aleta. Bestman naman ni Genaro ang pinsang si Lloyd.
Sa hardin ng Rodriguez mansion ginanap ang kasalan, doon na rin ang reception. At pagkatapos, sakay ng helicopter n lumipad patungong Boracay ang mga bagong kasal.
Nang mag alok ng round-trip ticket to Europe ang mag asawang Alex at Cielito Jimenez na tumayong ninong at ninang bilang regalo ngunit ipinagpaliban na muna ni Genaro ang pagbibiyahe nang mapansing hindi interesado si Thalia. Upang huwag magdamdam ay sinabi na lamang nito sa mag- asawang Jimenez na ang alok ay ilalaan na lamang nila para sa kanilang second honeymoon.

"THIS IS paradise," bulong ni Genaro kay Thalia nang mapagmasdan ang napakagandang dalampasigan. Ilang beses nang nakarating doon ang lalaki ngunit hanggang ngayon ay hindi man lang nabawasan ni katiting ang paghanga nito sa lugar.
"It used to be. But now, after marrying you, hindi ko na alam kung ano ang kahulugan ng salitang "paraiso'," may patutsadang sabi ni Thalia. Ipiniksi niya ang mga braso at humakbang palayo nang tangkain ng asawang yakapin siya.
"You are mine now, Thalia. That's the truth na hindi mo na matatakasan pa."
"You know that I don't wanna be your wife, but still, ipinilit mo sa papa na ituloy ang ating kasal," masama parin ang loob na sabi.
Oo nga't noong una'y nais niyang makaganti kay Genaro, pero nais lamang niyang paglaruan ito matapos maintriga sa pagkatao ng lalaki. Kahit sa hinagap ay hindi niya inaasahang sa huli'y siya ang babagsak sa mga kamay nito.
"Well... Irealized that I'm not getting any younger. Kaya nang matanggap ko ang alok ng papa mo ay napag-isip isip kong hindi na masama kung ikaw ang aking mapapangasawa."
"I know the truth. Agad kang pumayag sa papa na pakasalan ako dahil pabor sa iyo, hindi ba? Imagine, marrying the sole heir of Don Sebastian Rodriguez! Wow, that would give you all the power and money na hindi mo na kailangang paghirapan!
Naningkit ang mga mata ni Genaro sa narinig. Hinawakan siy nito nang mahigpit sa braso at halos pilipitin iyon,
"You better watch your tounge, wife!" anito sa nagngangalit na ngipin. "Hindi kita pinakasalan nang dahil sa mamanahin mo!"
"Then what could be the reason, Genaro?" napapagod na sabi ni Thalia. Ilang araw na siyang emotionally exhausted ngunit hindi siya susuko sa lalaki.
"I have my reasons," ani Genaro at binitiwan ang braso ng asawa. "Pero malayung-malayo iyon sa iniisip mo."
Pagkasabi niyon ay mabilis na tinalikuran ng lalaki si Thalia.
    "Admit it or not, Genaro, hindi parin magbabago ang pagtingin ko sa iyo. You're a gold digger! Opportunista!" nanggagalaiting sigaw ni Thalia. Nang mawala na sa paningin ang lalaki ay nanlulumong naupo siya sa buhanginan, yakap ang mga tuhod. Hindi niya mapigil ang pagbalong ng luha sa mga mata habang pinagmamasdan ang paglaganap ng karimlan.

GENAROWhere stories live. Discover now