Chapter 11

7 1 0
                                    

Chapter 11
Apology

KENZIE HADEYA

          "STUDY THE LESSON we discussed today and be ready for a recorded recitation tomorrow. May you all answer correctly tomorrow, goodbye class." Our history teacher, Sir Ron smiled before leaving our room.

Reklamo at singhapan ang bumalot sa buong room pagkaalis niya. Napailing na lang ako sa mga reklamong naririnig ko mula sa mga kaklase ko.

Hindi naman ganun kahirap ang pinapaaral sa amin ni Sir Ron. Mga tao lang naman 'yon. Buti sana kung may mga dates na kasama, siguro kahit papaano sasang-ayon ako sa mga daing nila.

Kasabay ng pagtayo ko sa aking upuan ang pag-ring ng university bell. Lunch break na.

I walked towards the door and was about to leave when one of my classmates called my name.

"Kenzie." Anne called as she stood in front of me.

I turned to face her. "Bakit?"

"Close na kayo ni Jadrien?" Her eyes glistened in anticipation.

I squinted my eyes as I tilted my face to the side. Here we go again. They would only approach me because of Jadrien.

"No." Tipid kong sagot saka ako tuluyang lumabas ng room. 

"Hey, Kenzie! Grr, she's so rude." Narinig ko pang pasaring niya bago ako nakalayo sa room.

I scoffed as I shook my head. Ako pang rude ngayon, ha? Eh, alam ko na namang iniisip niyang close kami ni Jadrien at kakaibiganin niya ko to get Jadrien's attention. Lagi namang ganun.

Too bad I'm not close with that nuisance. Bakit ako pa 'yong nilalapitan nila. Dapat dumiretso na lang sila kay Jadrien. Baka isa sa kanila ang matipuhan niya para tuluyan na niya kong lubayan.

"Hey, what's with the long face, Hadeya?"

Natigilan ako sa paglalakad patungo sa cafeteria nang bigla na lang sumulpot mula sa kung saan si Jadrien. Nakasuot siya ng black cap at nakapamulsa habang sinusuri ang ekspresyon ng mukha ko.

Kunot noo ko siyang tinignan. "Bakit nandito ka?"

"Kasi dito rin ako nag-aaral at papunta rin ako sa cafeteria." Inosente niyang sagot pero hindi nakatakas sa paningin ko ang sinusupil niyang ngiti.

Marahas na lamang akong napabuntong hininga at muling naglakad, hindi pinapansin ang presensya niya.

Yes, he did something good a while ago when we're at the Reader's Sanctuary and when he returned my book, but I'm still skeptic of him. I can't let my guards down when he's around.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong cafeteria pagkarating ko. My forehead creased when I didn't see my cousins. That's odd, dapat nandito na si Yale at Yaser by now. Nasan na ang mga 'yon?

"Looking for your cousins?" Jadrien asked as he roamed his eyes around the cafeteria.

"Sino pa bang hahanapin ko?" Pabalang kong sagot at nagsimulang maghanap ng lamesang mauupuan.

I'll just reserve a table for us. Papunta na rin naman siguro ang mga 'yon.

Nilapag ko ang bag ko sa gitna ng lamesa at paalis na sana para bumili ng pagkain, nang hawakan ni Jadrien ang siko ko.

"Ano na naman, Jadrien?" Naiiritang sambit ko habang binabawi ko mula sa kanya ang siko ko.

"Just stay here. Ako na bibili ng pagkain para sa atin." He gave me a small smile.

Each Other's BridgesWhere stories live. Discover now