Chapter 5

8 1 0
                                    

Chapter 5
Pigtail, no more

KENZIE HADEYA

          I WAS TYING my hair into a nice pigtail when my cousins barged inside my walk-in closet. Isa isang nagpasukan sila Kendall, Kaitlyn, Keira at Kayleigh na may kinakain pang protein bar. Malamang na kuha niya iyon mula sa mini fridge ko sa kwarto.

Lahat sila ay nakaayos na para sa University Week. Halos lahat samin ay sa dance competition sumali maliban kay Kayleigh. She participated in softball. She's the sporty cousin like Yale.

Naglapitan sa'kin ang tatlo samantalang pasalampak na umupo sa sahig si Kayleigh. Natawa na lang ako sa ginawa niya at tinuon ko muli ang aking atensyon sa pagtatali ng aking buhok.

"You do know that Jadrien will untie that later, right?" Kendall raised her brow at me.

I instantly rolled my eyes upon hearing that nuisance's name. "Subukan niya lang. I'm required to tie my hair for the performance."

"When will that feud between the both of you ever stop?" Keira asked kidding as she and Kait roamed at my clothes like they were window shopping.

"When he stops poking fun at me I guess." I shrugged.

Wala naman akong pakealam sa kanya, eh. Siya lang talaga 'tong nagsimula and I won't give up without putting up a good fight. We weren't raised that way. Our grandparents always told us to fight for what is right and fighting for myself is considered right.

"Are the guys with you?" I asked as I begun to put powder on my face.

"Si Yusef at Yannick lang." Kait answered still window shopping at my wardrobe.

I slightly giggled. "Annoyed at Yale again huh?" Pabiro ko pang tinaas ang isa kong kilay.

"Sinabi mo pa." Kendall sighed in frustration as she rolled her eyes.

Hindi ko alam kung sino 'yong malas sa kanilang tatlo. Kung si Yale ba dahil kapatid niya sila Kait at Dall or sila Kait at Dall dahil kapatid nila ang nakakairitang si Yale. Yale tends to be annoying at times but when your sad he can definitely cheer you up. Ganun nga talaga, you can't have it all.

"Hey! Stop being pissed at Yale. It's like you're pissed at me as well." Kayleigh grunted.

Kait slightly giggled. "Don't worry, Leigh. You're much more tolerable unlike Kuya."

Kayleigh happily nodded as she stood up to throw the empty plastic of protein bar. "Oo nga pala, kulang sa aruga si Yale." She joked.

Sabay sabay din kaming natawang apat. This is one of the good qualities Kayleigh has. She's literally the female crackhead of the Molina cousins. Siya lang 'yong kayang magpatawa samin na para bang walang bukas. Lagi ring barado ang mga lalaki sa kanya kaya minsan nag-iingat sila sa tuwing kasama nila si Kayleigh.

          BUMABA NA KAMING lima ng matapos na ko sa pag-aayos. Naabutan naming nanonood ng basketball game sina Kuya York, Yusef at Yannick sa sala.

They really enjoy watching basketball games. I wonder why they don't actually play it. Well, si Yale naglalaro na siya pero 'yong iba pa naming mga lalaking pinsan hindi pa.

"Let's go!" Nakangiting anyaya ni Keira sa kanila.

Halos sabay sabay naman silang tumingin sa gawi namin. Tumayo na agad sila Yusef at Yannick samantalang in-off muna ni Kuya ang TV bago siya tumayo.

Napaling ang atensyon ko kay Yannick ng nilapitan niya agad si Kait para abutan ito ng tubig. Magiliw naman itong tinanggap ni Kait dahil kanina pa siya nagrereklamo sa taas na nauuhaw na siya. Na ubos na kasi ni Kayleigh ang tubig na laman ng mini fridge ko kaya naghihimutok siya sa taas.

Each Other's BridgesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt