Chapter 4

486 17 0
                                    


SABAY kaming pumunta ni Adler sa cafeteria para maglunch. Nang makapasok kami ay parang may dumaang anghel dahil biglang tumahimik lahat habang nakatuon ang tingin sa aming dalawa.

"Hindi naman ako mukang aswang na kakagising lang diba?" pabulong kong tanong sa kanya habang papalapit sa table kung nasaan si Amy.

"I guess not, but—" tumigil siya sa pagsasalita kaya humarap ako sa kanya saka naman niya kinuha ang buhok na nakaharang sa muka ko saka isinabit sa tenga ko.

"Hello? Hindi pa ba kayo gutom? Upo na." nang-aasar na sabi ni Amy na nakangisi.

Umayos lang ako ng tayo saka hinila ang isang upuan bago naupo roon habang si Adler ay nag-order na muna. Nang makabalik ito ay nagtaka kami ni Amy nang makitang marami ang inorder nito.

"Mauubos mo yan?" nakatangang tanong ko.

Kinunutan niya lang ako ng noo. Kinuha niya ang iba roon at nilagay sa tabi niya saka tinulak sa akin ang karamihan sa binili niya.

"A-ano 'to?" nagtatakang tanong ko.

"Eat." maikling aniya kaya nagkatinginan kami ni Amy.

Bununtong hininga ako bago nag-umpisang kumain nang dumating din ang mga kaibigan ni Adler. Nang makita ito sa table namin ay nanunudyo nila itong tinignan. Sinuklian lang sila ng masamang tingin ni Adler pero nagpatuloy lang ang mga ito sa paglapit sa table namin. Nanliit ang mga mata ko nang makita ang kakaibang tingin ni Matthew kay Amy.

"Why are you here?" bagot na tanong ni Adler sa kanila.

"Why are you here too?" pang-aasar ni Lance na Vice President ng SSG at isa rin sa mga kaibigan niya.

Saglit kaming nagkatinginan ni Adler nang lumingon ito sa akin pero agad ring ibinalik ang tingin sa kaibigan saka ito muling sinamaan ng tingin. Nagtawanan lang ang dalawa saka umorder na rin at nagsimulang kumain. Halos kami ang pinakamaingay sa loob ng cafeteria dahil sa mga kaibigan ni Adler. Hindi rin nagtagal ay natapos rin kami sa pagkain at nauna na sila kaya muling naiwan kaming dalawa ni Adler. We're excuse for the whole day because of the pageant. Ngayong hapon din daw ang bunutan kung sino ang magiging partner namin.

Sabay kaming pumunta ni Adler sa gym at agad sumama ang tingin ko nang makita na naman sila Alex.

"Hanggang dito ba naman." inis na bulong ko na narinig ni Adler.

"Act like they're nothing. Focus on me." aniya na ikinalingon ko.

Napatanga ako sa kanya nang biglang marinig ang pagtawag sa amin ni Ms. Reena.

"Alright, everyone! Listen up! Today is the start of your practice. But first of all, girls come here in front. Kayo ang bubunot kung sino ang magiging escort niyo." aniya kaya unti-unti kaming pumunta sa harap.

Isa-isa silang bumunot at nagpahuli ako para hindi siksikan. Isa-isang kinuha ni Ms. Reena ang papel na hawak namin at tinawag ang magiging partner namin para sa contest.

"Dalilah Fuentes. You're with Aldrin Marquez." ani Ms. Reena kaya tumabi sila sa isa't-isa.

"Karina Garcia." pagtawag ni Ms. Reena sa kanya.

Abot hanggang tenga ang ngiti ni Karina at parang inaasahan pa na si Adler ang matatawag dahil dadalawa na lang silang natitira ni Alex.

"You're with Rafael Adler Gimenez." asik ni Ms. Reena na ikinabagsak ng balikat ko at mas ikinalapad ng ngiti ni Karina.

"Crane, you're with Alexis Lopez." dagdag niya pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan.

Umasim lang ang mukha ko nang makitang sobrang lapit ni Karina kay Adler at halos idilit na ang dibdib nito sa kanya. Inirapan ko naman si Alex na siyang lumipat sa tabi ko. Inis lang akong tumalikod at pupunta sana sa bleachers nang magsalita ulit si Ms. Reena.

Seducing Mr. SSG President (Seductive Series 1)Where stories live. Discover now