Chapter 14

357 18 0
                                    

Nang makarating sa parking ay mabilis niya akong hinigit papasok sa front seat. Umikot siya patungo sa driver's seat at nang makapasok ay may kinuha siyang wet wipes sa dashboard ng kotse.

"Hey." mahinang aniya saka hinawakan ang pisngi ko.

Napabuntong-hininga siya nang mapagtantong ayaw kong humarap sa kanya. Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at hinawakan ang bewang ko, bahagya akong inangat at pinaupo sa hita niya.

"Let me go." halos pabulong na aniko.

Remembering what happened earlier makes me feel so dirty. It feels like his tongue is still on my skin. Halos ramdam ko pa rin ang paghawak at marahas na paghalik niya sa akin. Pati na rin ang malagkit niyang laway na nakadikit sa balat ko. Napapikit ako sa inis at naramdaman na lang ang kamay ni Adler na nagpupunas ng basa kong pisngi.

"Calm down." aniya na mahinang hinahaplos ang likod ko.

Nakatitig lang ako sa kanya habang marahan niyang pinupunasan ang lipstick na nagkalat sa labi ko. Napansin ko ang pagtiim ng bagang niya at parang malalim ang iniisip kaya malaya ko siyang napagmasdan. Muling pumasok sa isip ko ang nangyari kanina kaya wala sa sarili kong hinablot ang wipes na nasa dashboard at marahas na ipinunas sa labi ko.

"Crane!" suway ni Adler sa akin saka pilit inagaw sa akin ang hawak na wipes.

"Ayoko nito, Adler!" sigaw ko.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko para patigilin ako. Humihingal akong tumigil at inayos niya ang buhok na nagkalat sa mukha ko. Pagkatapos ay pinagpatuloy ang pagpupunas sa labi ko at sinunod ang leeg ko.

"You should be gentle with your skin." aniya.

"Nakakadiri. Alisin mo 'to." mahinang sabi ko.

Malalim siyang huminga at pinagpatuloy ang pagpupunas ng leeg ko. Nang matapos ay nagsalita siya.

"Hey." pagtawag niya sa akin na ikinalingon ko.

"You sure you want me to ease your feeling?" tanong niya na agad kong ikinatango.

Matagal niya akong tinitigan at walang ano-ano ay hinawakan niya ang pisngi ko saka ako hinalikan. Kusang gumalaw ang kamay ko at yumakap sa leeg niya at tumugon sa halik. Saglit na humiwalay ang mga labi namin para lang huminga saka ulit bumalik sa paghahalikan. Pinulupot niya ang braso sa bewang ko at mas pinalalim pa ang halikan namin. Iniwan niya ang labi ko at bumaba siya sa leeg ko.

"Hmm." mahinang halinghing ko nang makaramdam ng kiliti roon.

Hindi ko maintindihan pero hindi ko maiwasang ikumpara ang hawak niya sa hawak ni Alex. Wala akong maramdaman kay Alex maliban sa pandidiri. Pero ang mga halik ni Adler ay parang nanghihipnotismo. Tila winawala ako sa sarili dahil sa kakaibang sensasyon. Bumalik siya sa labi ko at nang lumayo siya ay bahagya ko pang hinabol ang labi nito na ikinangiti niya.

"A-Adler." mahinang daing ko nang maramdaman ang pagkagat at pagsipsip nito sa leeg ko.

Patuloy lang ang pagsipsip niya roon na para bang nililinis ang balat ko. Ramdam ko rin ang dila niya pero wala akong masagap na pandidiri roon. His lips is making me tremble in pleasure. Pleasure that he's sending all over my body.

"Ohh." mabilis akong napatakip nang bibig nang marinig ang sarili ungol at halos hindi makilala ang sariling boses.

"It's ok. Moan for me." he said and focused on my earlobe.

"Something's poking on me." wala sa sariling sabi ko.

Narinig ko ang pagmumura niya at saka parang hirap na hirap na humiwalay sa akin.

Seducing Mr. SSG President (Seductive Series 1)Where stories live. Discover now