Chapter 12

389 16 1
                                    

AFTER the school event kanina ay pinauwi na muna ang mga students para raw makapaghanda na. 8 pm ang start ng ball kaya binilisan na namin ang pagkilos.

"Come on, ladies. Ubusin niyo na 'yan at nang maayusan na kayo." sabi ni mommy mula sa taas.

Mabilis naming tinapos ni Amy ang pagkain saka umakyat na rin. Nasa kwarto ko ang gown naming dalawa at dito na rin daw siya mag-aayos para sabay daw kaming pupunta sa ball mamaya. Pagpasok sa kwarto ay nauna nang maligo si Amy kaya naghintay na muna ako at sandali pang tinignan ang gown para mamaya. It's a royal blue gown, totally backless, with ribbon at the back and with long slit on the left side that shows my thighs.

Nang makitang lumabas na si Amy galing sa banyo ay nagmadali na akong pumasok at naligo. Pagkatapos no'n ay lumabas ako habang nakasuot ng undies na pinatungan ng roba. Inuna nilang tinuyo ang buhok ko saka pinusod iyon saglit at mukha ko naman ang kinulayan nila. Natural make-up lang ang nilagay nila sa akin at nilugay lang din ang buhok ko saka kinulot ang dulo. Nauna nilang natapos ayusan si Amy at nang isuot nito ang sariling gown ay napangiti ako dahil ang ganda niya. Matapos nila akong ayusan ay sinuot ko na rin ang gown ko. 

"My gorgeous babies." sabi ni mommy at lumapit sa amin saka kami niyakap.

"Alright, sa baba muna ako. Do what you need to do here. Take your time." dagdag pa ni mommy saka bumaba at isinama na rin ang mga make-up artist.

"Someone's gonna fall in love." pakantang sabi ni Amy na ikinatawa ko.

"Someone's gonna fall in love more." pagbibiro ko rin sa kanya.

Saglit pa kaming nanatili sa kwarto at kumuha ng mga litrato bago bumaba. Nasa sala na kami nang marinig namin ang makina ng sasakyan at maya-maya lang ay tumunog ang doorbell. Binuksan 'yon ni ate Lorie at mula roon ay pumasok sila Matthew at Adler. Nagpaalam lang kami kay mommy at sumigaw lang ito mula sa kusina.

"Take care! Enjoy the night!" aniya kaya umalis na kami.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Adler sa backseat at roon pinaupo dahil mahaba ang gown ko. Umikot pa ito patungo sa driver's seat.

"Shall we go now, my beautiful lady?" nakangiting tanong niya kaya nahawa at napangiti rin ako.

"Yes, my prince." nakangiting sagot ko at sabay pa kaming nagtawanan.

Habang nasa byahe ay nagkukwentuhan pa kami at hindi ko naiwasang pasadahan ng tingin ang suot niya. Kulay asul din iyon pero mas dark at medyo hapit din sa katawan niya. Sigurado rin akong kapag hinubad niya ang suit niya at kapag ang puting polo na lang ang natira ay kitang-kita ang hulma ng katawan niya.

"Stop staring at me, lady. I can't focus on driving." aniya na isinawalang bahala ko lang.

"Bakit? Hindi pwede? Ikaw nga kanina pa rin tumitingin sa akin e." aniko na ikinatawa niya.

"You always really have alibis." napapailing na aniya.

"Syempre naman, ako lang 'to." asik ko na ikinatawa namin.

Nang makarating sa campus ay nauna ulit siyang bumaba at pinagbuksan pa ako ng pinto saka inilahad ang kamay. Inabot ko naman iyon at inalalayan niya akong bumaba saka pa lang niya ikinawit ang kamay ko sa braso niya. Habang naglalakad ay nakasunod lang sa amin sila Matthew at Amy na hindi pinapansin ang bulungan sa paligid.

"So it's true. Sila na pala talaga ni Matthew." anang isang tinig na kasama sa nagbubulungan.

"Ay, obvious ba?"

"Oh, come on. Let's be honest, hindi sila bagay."

"Ang sabihin, naiinggit ka lang."

"Will you shut up!?"

Seducing Mr. SSG President (Seductive Series 1)Where stories live. Discover now