Chapter 10

384 19 0
                                    

ILANG araw na rin ang lumipas at Valentine's na. Maaga pa talaga akong binulabog ni Amy at talagang pumunta pa talaga rito sa bahay.

"Crane! Bilis na!" rinig kong sigaw niya mula sa labas ng banyo.

Agad ko nang tinapos ang pagligo at naka-robang lumabas ng banyo.

"Oh, eto. Suutin mo." aniya saka inilapag ang damit sa kama ko.

Lumapit ako sa kanya at tinignan ang damit at hindi naiwasang mapangiwi  nang makita iyon. White spaghetti top, black high-waist shorts at white blazer.

"Sige na, isuot mo na. Ang mahal ng bili ko dyan." aniya pa saka pilit akong tinulak sa walk in closet.

"Ang iksi namn kase nito. Kita ang tiyan at hita ko rito." reklamo ko pero hindi talaga siya nagpapatalo.

"Ayaw mo naman sigurong makabugan ni Karina ano? Tsaka hindi mo pa nasusuot ang ibang damit na binili ko sayo. Akala mo hindi ko nahalata." pagkukuda niya nang makapasok ako.

Napipilitang isinuot ko ang binigay niya at lumabas ng closet pagkatapos. Saglit niya akong pinasadahan ng tingin saka ngingiti-ngiting hinila sa harap ng full body sized mirror.

"Oh diba? Bagay sayo." aniya habang nakangiti sa lakuran ko.

Tinignan ko ang repleksyon ko.

"Maganda nga. Kaso para namang kinulang sa tela." aniko na ikinasama na naman ng tingin niya.

Malalim akong napabuntong-hininga nang hilahin na naman niya ako sa vanity table saka pinaupo roon at inayusan. Nang makuntento ay saka lang kami bumaba ng kusina.

"Tita, goodmorning!" sigaw niya nang makarating sa kusina.

"Amysel! Goodmorning, iha." sabi ni mommy saka sila nagbeso.

Napalabi ako nang tumingin sa akin si mommy at pinasadahan din ako ng tingin bago ngumiti.

"My daughter is so gorgeous." nakangiting aniya.

Napangiti ako sa sinabi niya saka humalik din sa pisngi niya.

"Go on. Eat your breakfast now, baka malate kayo." aniya kaya naupo na kami at sinaluhan siya sa pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay kumuha pa ako juice at nilagay sa tumbler ko para baunin sa byahe.

"Bye mom!"

"Bye tita!"

"Bye ladies! Take care!" sigaw ni mom mula sa taas kaya lumabas na rin kami.

Kotse ni Amy ang gamit namin at siya na rin ang magda-drive kaya sa shotgun seat ako naupo habang ang pagkain para sa stall nila mamaya ay nasa backseat. Nang makarating sa campus ay pinarada ni Amy ang sasakyan sa parking lot saka kami bumaba at umikot pa sa backseat para kunin ang mga pagkaing nasa apat na kahon.

Nang pumasok kami sa campus ay may mga lalaki pang nag-offer para tulungan kami at palagi lang umaayaw si Amy na parang hindi nabibigatan. Pero nang makitang palapit sila Adler at Matthew ay parang doon na siya napagod.

"Oh, ano 'yan?" tanong ni Matthew na nakatingin sa hawak namin.

"Foods, para sa stall namin." sagot ni Amy.

"Akin na." maikling sabi ni Matthew kay Amy at agad namang binigay nito sa kanya ang dalawang box.

Hindi ko napigilan panliitan sila ng mata nang hindi nakatakas sa paningin ko ang pasimpleng pag-abot ni Matthew ng panyo kay Amy nang makitang pawisan ito. Tinignan ko ng makahulugan si Adler para sana iparating ang nakita pero iba ang naisip niya.

Seducing Mr. SSG President (Seductive Series 1)Where stories live. Discover now