Chapter 7

4K 178 10
                                    


Johansen Latrel

Inabot kami ng four hours bago makarating dito sa Norte. Dahil express way ang dinaanan namin mabilis ang naging byahe. Kararating namin dito sa rented house na titirhan namin ng tatlong araw.

"Girls! Good evening sa lahat! Bago tayo matulog. Gusto ko lang sabihin na masaya ako na nabuo ulit tayong lahat ngayon at i-welcome natin si Samantha katulad ng pagtanggap natin kay Anne, Mira Jane at Wendy sa grupo natin. Parami tayo ng parami sa grupo. So enjoy lang tayo, okay?"si Jill.

"Yes!" sagot namin.

Sumunod namang nagsalita si Frances.

"Five rooms ang available dito sa bahay. So sasabihin ko na kung sino ang magkakasama sa room para walang away away. Room one kina Jill and Anne, Room 2 kina Jean and Mira, Room three Ako, si Ellaine and Wendy, Room four Jo and Atasha, Room five Yana and Samantha. So ayan ha, wala nang magrereklamo!"

Ano bang kalokohan 'to? Talagang irereto nila si Sam kay Yana?

Naiwan ako rito na nakatayo kasi si Sam hinila na ni Yana. Tumingin sa akin si Sam pero hinayaan ko na lang.

Type ba ni Yana si Sam?

Napailing na ako. Umupo muna ako rito sa sala ng mga kalahating oras, nang makaramdam ako ng antok saka ako pumasok dito sa room. Nakahiga na si Atasha, tulog agad siya. Humiga na rin ako pero hindi ako makatulog. Ang tagal kong nakatulala habang nakatitig sa kisame.

Bumangon ako at naisip kong ilipat si Atasha. Binuksan ko muna ang pintuan ko at binuhat siya. Paglabas ko ng pintuan hindi ko akalain na makikita ako ni Jill.

Gising pa pala siya.

"Jill, buksan mo yong pintuan nila Yana. Bilisan mo."

"Anong kalokohan 'to, Jo?"

"Ayokong katabi 'to. Buksan mo maigi dali!"

Inalalayan niya ang pintuan para hindi magsara, saka ko ibinaba si Atasha dito sa kama nila Yana, dinahan-dahan ko lang para hindi sila magising.

"Okay na ba, Jo?"

"Wait, bubuhatin ko si Samantha. Yong pintuan paki-alalayan ulit."

Grabe ang bigat pala ni Sam. Si Atasha mas maliit sa kanya kaya madaling buhatin. Itong si Sam mas matangkad, ka-height siguro niya si Anne. Ang bigat!

"Jill, yong pintuan ko. Please, buksan mo."

Sumunod naman siya at nong nakapasok na ko ng kwarto ibinaba ko agad si Sam dito sa kama. Grabe pinagpawisan ako.

"Ang effort mong bata."

Hinihingal ako kaya hindi agad ako nakasagot sa kanya. "Thanks Jill. Sige na iwanan mo na ako gawa muna kayo ng baby ni Anne."

"Sus! Baka sabayan mo lang kami."

"Sira, tingnan mong tulog na hindi nga nagising nong binuhat ko."

"Pwede mo namang gisingin, Jo."

Natawa ako. "Biro lang, kalma wala akong gagawing hindi maganda sa kanya."

"In fairness, maganda siya at mukhang mabait pa. Bagay kayo."

"Sige na, baka hinahanap kana ng misis mo, gabi na, oh. Sige ka baka magsungit na naman yon."

Natatawa siyang lumabas ng kwarto ko. Sinara ko na itong pintuan. Kumuha ako ng tissue para tuyuin ang pawis ko sa noo.

Humiga na rin ako dito sa tabi ni Sam, natulog na rin ako.

Kinabukasan halos sabay lang kaming nagising. Nasasabik na naman akong halikan siya.

Purple Heart [Under Editing] (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon