Chapter 5

5.1K 187 67
                                    

Johansen Latrel

Nandito ako sa sasakyan ko nong makita kong umiilaw ang screen ng phone ko. Tumatawag ang kaibigan ko. "Yes, Jill?"

"We're here at Yana's bar. I mean, lahat kami, kaya pumunta ka rito."

Napangiti ako. "Okay, darating ako."

Natunugan ko agad kung bakit magkakasama ang mga kaibigan ko-----mukhang naisuplong na ako ni Jean. Agad akong nagmaneho. Ilang saglit lang nandito na ako sa tapat ng bar ni Yana.

"Kung hindi ata sa akin hindi magkakaroon ng reunion, ah." bungad ko sa kanila. Totoo nga, kasama ni Jill ang asawa niya at ang mga kaibigan namin.

"Syempre love ka namin, eh." si Atasha na una nang humalik sa pisngi ko, sumunod si Frances at Ellaine.

"Ginulat niyo naman ako. Huwag kayong mag-alala hindi ako magdadrama ngayon." sabi ko.

Natatawang yumakap si Jill sa akin at dinampian ako ng madiin na halik sa pisngi ko. "Naglilihim ka na sa amin."

"Anne, himala, tingnan mo may time ang asawa mo na gumala." pag-iiba ko ng usapan at hinalikan ko rin si Anne sa pisngi.

"Oo, nagulat nga ako. Dahil 'pag ako ang nagrequest ng time niya, kailangan ko pang magpaschedule sa secretary niya."

"Hindi yan totoo, babe." agad na kumontra si Jill kay Anne. Natatawa tuloy kami ni Anne.

Pagkatapos kong kausapin ang mag-asawa, lumapit naman sa akin si Wendy. "Wendy, sayang hindi ka nakapunta sa kasal nitong dalawa."

"Wala ako sa mood. Isa pa, ayokong makasaksi ng mga kakornihan." Halata namang nagbibiro lang siya, humalik na rin siya sa pisngi ko.

"Mira, balita ko masarap ka raw gumawa ng cupcakes. Lagi kasing pinagmamalaki ni Jean sa amin."

"Naku huwag kang maniwala sa impaktong yan. Pinagtyatyagaan lang niya ang mga ginagawa ko. Kung alam mo lang, lagi pa rin niyang nilalait yong luto ko."

Tatawa-tawa si Jean. Ako na mismo ang humalik sa pisngi ni Mira.

"Sino nagsabing pinagtyatyagaan ko? Tumataba na nga ako dahil puro ako kain ng matamis."si Jean.

"Pansin ko nga."sagot ko at nadagukan tuloy ako nito. Ayaw naman pala niyang masabihang tumaba.

Nagkantahan, nagtawanan, naglaitan at kung anu-ano pa ang ginawa naming magkakaibigan.

"Jo, halika muna mag usap tayong dalawa."si Jill.

Sumunod naman ako sa kanya. ".....kailan pa nangyari?"

"Isang taon na. Ang totoo, bago kami naghiwalay ay may iba na siya, pinagsabay niya kami. Pero pinilit kong hindi bumitaw kasi akala ko pipiliin niya ako, pero sa bandang huli ako yong nagmukhang kabit. Nagpakatanga ako, Jill."

"Walang magagawa mahal mo, eh."

"Nasasaktan pa rin ako sa totoo lang pero kakayanin ko." Hindi ko na naman mapigil yong luha ko kaya nagpahid ako. Hindi na ako nahihiya kahit makita ako ni Jill. Ito ang iniiwasan ko noon. Ayaw kong makita nila na nagmumukha akong kawawa kaya nilihim ko ang lahat.

"Makakaya mo rin yan. Kung may iba na si Jack, mag move on ka na. Siguro kung nalaman ko ito ng mas maaga. Ganito pa rin naman ang sasabihin ko sayo, kalimutan mo na siya. Kung mahal mo siya hayaan mo siyang sumaya.

Tumango ako. "Oo, Jill.

"Balang araw tatawanan mo na lang kapag naalala mong iniiyakan mo siya."

Napangiti ako. "Sana nga."

Purple Heart [Under Editing] (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon