Chapter 6

4.5K 183 8
                                    


Samantha Torres

On the way home, nagmamaneho si Johansen habang nakaupo ako dito sa passenger seat. Umalis kami sa event nang hindi nagpapaalam kay Sir Gerardo.

Tahimik ang byahe kaya naisipan kong magtanong sa kanya just to break the silence. "Can I ask a question?"

"Sure, what is it?" tugon niya nang hindi inaalis ang tingin sa daan.

Hindi kasi mawala sa isip ko yong katanungan na ito. Lalo na nong nakita ko siyang lasing na lasing at sinisigaw ang isang pangalan. "Nagkakagusto ka ba sa babae?"

Sumulyap siya sa akin, agad din niyang ibinalik ang tingin sa daan.  "Yes, my longest relationship with a woman lasted five years." Seryoso ang kanyang tinig, pati na rin ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Wow. Ang tagal non." komento ko. Isipin mo may nakapagtyaga sa taong 'to ng ganon katagal?

"Why, Sam? Are you afraid na baka magkagusto ako sayo?"

"No. Alam kong hindi mo ako gusto, at ginagawa mo lang akong laruan." sagot ko.

"It's good that you know."halos pabulong ang kanyang tugon, pero direktang tinamaan ng kirot ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.

Nakagat ko ang labi ko. Although expected ko na yon, dahil binayaran niya ako para maging alipin niya, pero masakit pa ring isipin na kailangan kong lunukin lahat ng matatalim niyang salita.

Tahimik ako hanggang sa paguwi namin ng bahay nila. Nang maabutan kami ng daddy niya dito sa bahay, pareho kaming nasermonan dahil bigla kaming umalis sa event. Pero inako lahat ni Johansen ang kasalanan.

Madaling araw na.

Nasa kama na siya, nakadapa. Katatapos ko lang maligo at magtuyo ng buhok. Wala kaming imikan.

Humiga na rin ako. Alam kong hindi agad ako makakatulog kapag katabi ko ang taong ito. Ilang saglit lang naramdaman kong gumalaw ang kama, napatingin ako sa kanya, palapit siya sa akin.

Hindi ako makagalaw, lalo na nong tangka niya akong halikan. Wala akong karapatan na tumanggi kaya hinayaan ko siyang halikan ako, pero hindi ako tumugon. Kahit anong panunukso niya sa mga labi ko ayokong gumanti sa halik niya. Hindi katulad nong unang beses kaming naghalikan bawat pagkilos ng mga labi niya ay ginagantihan ko.

Ngayon? Ayoko, wala ako sa mood.

"Sam, bakit ayaw mong gumanti?"

Umiling ako. "Hindi ko alam."

Hinalikan niya ulit ako pero hindi siya nagtagumpay, hindi niya ako napasunod sa gusto niyang mangyari. Sa bandang huli, nilubayan niya ako at humiga sa tabi ko, pero tumalikod siya sa akin.

Sumunod na umaga at gabi ganon pa rin ang ginawa ko. Hindi ako gumaganti sa mga halik niya. Pero minsan gusto ko nang bumigay lalo na napakahirap iwasan ang mga panunukso niya sa mga labi ko. Isa pa, nahuhumaling ako sa hininga niya, sobrang nakakaakit.

Ngayong gabing ito, kasama ko siya. Hindi siya nagtangkang halikan ako kaya nakatulog ako ng maaga sa tabi niya.

Paggising ko 5AM na, nakita ko siyang lumabas ng banyo. Maaga pa kaya pumikit ulit ako.

"Samantha....."

Ilang minuto palang akong nakakaidlip nong gisingin niya ako. "Bakit?"

"Harap ka sa akin."

May balak na naman 'to. Tumihaya ako, pumaibabaw siya sa akin. Nagsimula siyang halikan ang mga labi ko. Mapusok, mainit, napapikit ako pero wala akong balak na gumanti sa mga halik niya. Pero ganon na lang ang pagkabigla ko nong bumaba siya, at pinaghahalikan ang leeg ko.

Purple Heart [Under Editing] (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon