Chapter 2

29.5K 809 285
                                    

Johansen Latrel

It's been four years after ng graduation namin sa college. At masarap balik-balikan ang mga nakaraan. Tandang tanda ko pa kung paano kami nagsimula ni Jack, my first love. Ang babaeng lubos kong minahal.

Kumatok ako dito sa office ni Dad, nasa second floor ito ng bahay.

"Come in." Busy siya sa mga binabasa niyang documents.

"Dad, can I talk to you?"

"Of course, anak."

Tandang-tanda ko pa nong ipinakilala ko si Jack sa kanila ni Mommy, hinimatay si Mom nong malaman niyang lesbian ang paborito niyang anak at si Dad? Umiyak siya nang matindi. Hindi niya matanggap na ang bunso niyang babae ay isang lesbian. Pero habang lumilipas ang panahon unti-unti na rin nila akong natanggap, even si Jack tinanggap nila.

"Johansen, tatayo ka na lang ba diyan? Tell me kung anong sadya mo."

"Si Mom at Ikaw....is it true na nagfile na kayo ng annulment?"

Tahimik ito habang patuloy siya sa ginagawa niya.

"Dad?"

"I'm sorry anak pero hindi na talaga nagwo-work pa ang samahan namin ng Mom mo."

Napakagat ako sa lower lip ko dahil nagsisimulang uminit ang paligid ng mga mata ko.

Napapailing ako. Hindi ako handa sa narinig ko kay Dad. Mahal na mahal ko si Mom, favorite din ako non, eh. Kahit maraming takot sa kanya dahil mukha siyang strikta mahal na mahal ko siya.

Bumalik ako ng kwarto ko at umupo dito sa gilid ng bed ko. Hinahayaan ko lang na tumulo ang mga luha ko. Sa kabila ng ngiti na ipinapakita ko sa mga kaibigan ko, nakatago ang lungkot sa puso ko. Buti pa si Jill at si Jean, masaya sa kani-kanilang love life at may maayos na pamilya. Habang ako eto pretending na everything is okay.

Isang taon na rin nong iwanan ako ni Jack at hanggang ngayon nililihim ko pa rin sa mga kaibigan ko ang tungkol dito dahil naiinggit ako na masaya sila habang ako, eto hirap na hirap tanggapin na ipinagpalit ako sa iba. At hanggang ngayon umaasa pa ako na balikan ako ni Jack.

Buti pa si Jean kahit four years na walang communication kay Mira, sa bandang huli sila pa rin.

Si Jill kahit ilang beses silang mag away ng matindi ni Anne, nagkakabalikan pa rin sila at ngayon happily married na.

Me? Napailing na lang ako.

Binuksan ko ang FB ko at inistalk ang account ni Jack. Mula nong makipaghiwalay siya in-unfriend na rin niya ako. Kitang kita ko na masaya siya habang kayakap ang lalakeng ipinalit niya sa akin. Isang taon na pero stalker pa rin ako sa mga events sa buhay niya. Naghihintay ako na baka isang araw balikan niya ako.

Si Jean nga nakapag hintay ng four years. Baka kaya ko rin, pero ang sakit umasa. Normal ang buhay ko noon pero nagbago ang lahat nong iniwan ako ni Jack.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa kotse ko at nagdrive papunta sa bar ni Yana. After a few minutes, nakarating ako rito sa The Classy and Brews Lounge.

"Hey, may problema ba?" tanong ni Yana pagkatapos niya akong abutan ng isang bote ng alak.

Umiling ako. "Gusto ko lang mag unwind."

"Ow, sana totoo yang sinabi mo. Litsen Jo, malalaki na tayo, hindi na tayo bata. Kung ano ang hindi mo masabi kay Jill at Jean andito kaming lima, kaibigan mo rin kami."

Tumaas ang isang gilid ng labi ko. Alam na alam ni Yana na may pinagdaraanan ako.

"Hoy! Andito ka pala, Jo?!" Isang mainit na labi ang dumampi sa pisngi ko. Si Ellaine lang naman ang humalik sa akin.

Purple Heart [Under Editing] (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon