1st

411 15 0
                                    

Chapter 1

Sabog na sabog na ako dahil sa dami ng pinagagawa sa amin. Naniniwala na akong nakakamatay ang 3rd year. Parang wala ng oras para magpahinga. Midterm pa lang sabog na ako. Gusto ko na lang maging lesson plan dahil parating nakaplano lahat.

"Kir, pacheck nga ng lesson plan ko."

Kahit parati kami nag-aaway at nagbabarahan ay tinutulungan niya ako. Magkasama sila ni Carsen nang sumunod ako dahil papunta silang canteen. Tapos naman na ang klase namin pero ni isa sa amin ayaw pang umuwi ni Carsen. 

Maliban sa maarte naming kasama. Alam kong uwing-uwi na ito kanina pa.

Kinuha niya ang laptop sa harapan ko saka siya na ang may kung ano-anong kinalikot doon. Hinayaan ko na lang din siya dahil mas may tiwala pa ako sa kaniya kaysa sa gawa ko.

"Bryce, kuha ka."

Dahil nagugutom ako ay kumuha ako sa snacks na binili ni Carsen. Busy pa rin si Kir kaya tumabi sa akin si Carsen. Seryoso si Kir sa ginagawa habang kami ni Carsen stress na walang magawa.

"Kir, ako rin ah. Check mo lesson plan ko. Feeling ko kasi may mali eh."

"Hindi ako teacher," sabi niya.

Natawa ako dahil wala naman siyang sinabi sa akin kanina. 

"Hindi naman kasi ako sure if tama eh," nakasimangot niyang sambit.

"Basta! Icheck mo pa rin, Kir. Mas may tiwala ako sa'yo."

Natawa ako kay Carsen. Well totoo naman eh. Kahit ako mas may tiwala sa gawa ni Kir kaysa sa gawa naming dalawa ni Carsen. May demo teaching kami at kailangan na namin makapasa ng lesson plan para makapagsimula na kami sa instructional materials namin para sa finals.

Parating ganito kami. Away, tapos bati pero may barahan pa rin. Hindi nawawala. Pinagpapasensiyahan na nga lang ata ako nitong si Kir.

"Kir, pupunta ka ba?" tanong ni Carsen habang nakatuon lang sa laptop ko ang tingin niya.

Lumipat ako ng upuan at tumabi sa kaniya. Nakita ko na inayos niya ang objectives ko kaya napangiti ako.

"Naks! Galing!" sabi ko.

"Manahimik ka," sabi niya saka ipinagpatuloya ng ginagawa. "Sabi ko kay mama ayoko sumama. Tinatamad ako eh."

"Naks! Close na pala kayo sa parents na isa't-isa?" Namamanghang sabi ko. Tinignan nila ako ng masama. "Bakit ba?"

"Ayos ka lang ba, Bryce? Ilang buwan na tayong nagkakasama wala ka pa ring alam?"

"Na ano?"

Hindi ko man sila masyadong nakakasama sa mga gimik, gala o kung ano pa man pero sa ganitong bagay sila talaga ang nakakasama ko. Matalino kasi sila tapos talagang may maaasahan ako sa mga ganitong bagay.

"Pinagseselosan mo ba ako?" tanong ni Carsen dahilan para magulohan ako.

"Pinagseselosan? Saan naman?"

Naalala ko na parati ko nga palang kinukulit si Kir. Minsan kapag magkakasama kami ng kaklase ko na pinagyayabang ko na kunwari jowa ko siya. Siguro dahil sa nauuso na ang mga BL genre pati mga kaklase kong babae delulu at pangiti-ngiti sa tuwing nag-aasaran kami. Ako lang pala ang nang-aasar.

Hate U to Love UWhere stories live. Discover now