12th

249 13 3
                                    

A/N

Sorry now lang. Katatapos ko lang magfinal demo huhu.

Chapter 12

Nauna umuwi si Kir na hindi naman na bago. Hinihintay ko lang si Carsen dahil may dinaanan siya habang bitbit ko ang bag niya. May iilang bumati sa akin na kilala ko dahil sa organization sa school at iilang mga kakilala lang.

Makikipagkita sa akin ang dalawa kong kapatid kaya sasabay ako kay Carsen. Ilang minuto lang ay dumating naman na kaagad siya. Kinuha niya ang payong sa bag niya at iniabot sa akin saka niya kinuha ang bag niya sa akin na kasalukuyang nakasakbit sa balikat ko. Hanggang saturday ba naman may klase kami sinong hindi maiinis?

"Saan kayo magkikita?" tanong niya habang nagsisimula na kaming maglakad papunta sa paradahan ng tricycle sa labas ng school namin.

"Mall na lang daw. Nandoon na sila eh."

"Sama ako. Kakain kayo? Gutom na ako eh."

Tumango naman ako. Pinasakay ko na siya sa loob bago ko inabot ang payong sa kaniya saka ako sumakay sa may motor dahil wala ng ibang mauupuan pa. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa mall. Kaagad na kumaway si Bea sa akin habang nakasakbit ang shoulder bag niya sa balikat ni Brylle. Nakabusangot tuloy ang kapatid kong lalaki sa pinaggagawa ng bunso namin.

"Kuya!" Nang makalapit si Bea ay tinignan niya mula ulo hanggang paa si Carsen. "Hi po."

"Ang cute niyo naman." Ngumiti lang si Bea saka isinakbit sa siko ko ang kamay niya. "Sweet naman ng kapatid mo para bitbitin bag mo," dagdag niya pa kay Bea.

"Wala siyang choice eh," sagot ni Bea. "Kuya, bakit wala po si kuya Kir? He promised pa naman na bibilhan niya kami ng ice cream ni kuya Brylle. Tawagan mo."

"Baka nagpapahinga na eh. Nauna siyang umuwi eh."

"At least sabihan mo siya. That's rude, kuya. Akin na phone mo. I'll call him. Para kompleto tayo tsaka nandito naman si ate Carsen sure na baka sumunod siya."

Inilabas ko na lang ang cellphone ko saka siya hinayaan na magbutingting doon. Pumunta kami sa isang food court. Pinaghanap na namin sila ng mauupuan saka naman kami nag-order ng pagkain. Nag-order kami ng dalawang box ng pizza. Nag-order na rin ako ng tatlong milktea para sa dalawang kapatid ko at kay Carsen at dalawang fruit tea.

"Susunod daw ba?" tanong ni Carsen habang nagbabayad ako.

"Baka sumunod. Hindi naman iyon humihindi sa mga kapatid ko kasi minsan lang iyan magrequest sa kaniya."

"So close na pala si Kir sa family mo?" tanong niya bago ko kinuha ang resibo at nagpasalamat sa crew.

"Malakas na iyon kay mama. Kuhang-kuha niya si mama eh."

"Okay lang sayo?" Tinignan ko siya na tila hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin. "I mean yong closeness niya sa family mo."

"Of course. Wala namang masama tsaka hindi naman ako seloso. Nagpapalakas na kasi future husband ko sa mother-in-law niya."

Natawa ako sa sinabi ko. Nauna na akong maupo sa tabi ni Brylle habang naupo naman siya sa katabi ko.

"Pasunod na si kuya Kir, kuya. Matitiis ka na noon kami hindi." Pinagtaasan ko na lang ng kilay ko si Bea.

May duty pa ako kaya hindi ako pwede magtagal. Bukas day-off ko kaya kailangan ko pumasok ngayon at kukuha na rin ako ng sweldo ko.

Ilang minuto lang ay dumating na si Kir. Nakashorts lang siya at nakaputing t-shirt at kaaalis niya pa lang ng sunglasses at isinabit sa may dibdib niya. Sakto naman na tinawag na ang number namin kaya tumayo na ako saka ko siya inakbayan para samahan ako.

Hate U to Love UWhere stories live. Discover now