8th

234 12 2
                                    

Chapter 8

Halos umagahin na kami pareho dahil sa limang lesson plan na kailangan namin ipasa. Kailangan pa na handwritten ito kaya mas lalo ata kaming malalagutan ng hininga. Ang dami na naming sayang na yellow paper dahil bawal daw erasure.

Ni hindi na ako dalawin ng antok dahil sa pressure at cramming dahil puro pa kami reporting. May isang report na magkakasama kami nina Carsen at Kir. Sa weekend na namin iyon gagawin dahil hindi pa naman kami ang reporter.

Inuna ko na ang mga individual reports habang lesson planning na ata ang pahinga ko. Namali ata ako ng desisyon. Malay ko ba na ganito kahirap ito. Araling Panlipunan na nga pinili kung major malalagutan na ako ng hininga pano pa kaya kung iba.

"Gutom na ako."

Natatawa ako dahil hindi ko marinig iyong mga salitang iyon sa kaniya kapag umaga pero kapag madaling araw talagang nagrereklamo siya.

"Labas tayo. Malapit na mag-4 may bukas ng lomihan yan."

Tumango siya kaya inayos ko muna ang mga papel sa ibabaw dahil baka kung saan pa mapadpad. Iniwan namin na makalat ag k'warto. Kumuha ako ng black hoodie zipper cotton jacket habang siya naman ay nakasuot na ng black sweater. Kumuha pa siya ng cap kaya hindi nakaharang sa mukha niya ang buhok niya samantalang hinayaan ko na nakababa ang bangs ko sabay saklob ng hoodie sa ulo ko.

Ako ang pinagdrive niya dahil hindi niya raw alam kung saan. Makalipas ang halos kalahating oras ay nakarating na kami. May iilang tao na rin kaya dumiretso na kami sa tindera.

We ordered special kinalas, siopao asado, turon and bottle water. Mamaya pang hapon pasok namin kaya tulog kami nito pag-uwi sigurado.

Kinunan ko ito ng litrato habang nag-uumpisa ng sangkapan ni Kir ang kinalas niya. Napailing na lang ako dahil nahagip na ang kamay niya sa picture. Kaagad ko inilagay iyon sa Facebook story ko bago ako nagsimulang lagyan ng mga pampalasa ang akin.

Inuna ko na ang siopao dahil sa gutom habang si Kir naman ay ang turon. Slow eater si Kir kaya pinipilit kong huwag magmadali dahil baka mapressure pa siya.

Nang maubos ko na ang akin madami pa ring sabaw ang kaniya. Inubos ko na lang ang siopao na kinakain ko habang siya ay kumakain pa rin at humihigop ng sabaw. Nang mapansin ko na tinigilan na niya alam ko na.

"I can't finish it," he said while eating his siopao.

Kinuha ko na ang mangkok sa kaniya saka ko na ito inubos habang siya pinipilit pa ubusin ang siopao. Dahil may turon pa kinuha ko na ito saka isinabay na sa pagkain.

"Mukha kang may dragon sa tiyan," sabi niya pa.

Nang matapos kami ay hindi muna kami umalis para magpahinga.

"May kape kaya dito?" tanong niya. Nagkibitbalikat ako. "Want mo?"

"Sure. If meron."

Ngumiti ako nang tumayo siya para magtanong. Nagbutingting muna ako sa phone ko at nakita ko ang react at reply nila sa story lalo na si Jelay. Since nakasara ang read receipts ko hindi naman nila makikita na nakaseen na ako sa message nila.

Napaangat ako ng tingin pagbalik niya. Nasa styrofoam cups ang kape kaya hinihipan niya ang daliri niya pakalapag niya.

"May baso ata."

Hate U to Love UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon