14th

219 14 2
                                    

Chapter 14

Kir was not aware of what Carsen told me that day. I'm also confused on what I've seen. Hindi ko alam na ganoon pala si Carsen. Siguro naman titigil na siya after that 2 months.

Nakatapos ako ng isang final demo after ng midterm namin dahil nauna ako sa pagbunutan namin. Kir helped me with my lesson plan and for the tokens while Carsen helped with my instructional materials.

May isa pa before final examination and lahat reporting na lang din naman. Okay naman na ako sa bago kong trabaho. Paminsan-minsan crew minsan nagdedeliver ako ng order kapag malapit lang din naman.

"Kir?" Pagtawag ko dahil ipapakita ko ang isa ko pang lesson plan. "Where are you?"

"Room!"

Dali-dali akong pumunta sa k'warto at nakita ko siyang nakahiga.

"Can you check my lesson plan?" he asked.

Nanlaki ang mga mata ko. "Ako?" tanong ko.

"Proof read."

Dahan-dahan akong lumapit saka ko inilapag sa side table ang laptop ko saka ko kinuha ang kaniya. Nanatili lang siyang nakapikit kaya naupo ako sa lapag. Nakasandal ang likod ko sa may higaan niya kaya nasa may likuran ko siya.

Maganda siya magsulat at lahat ng assessment niya ay talagang connected sa objectives niya. Napangiti ako dahil well written parati ang lesson plan niya maliban sa iilang typos. Inayos ko na ang iba dahil iyon lang naman ang magiging ambag ko sa lesson plan niya.

"Kumusta kayo ni Carsen?" he suddenly asked.

"Okay lang."

Sinasakyan ko na lang lahat ng trip niya sa buhay. Gusto ko na matapos ang sem na ito para matapos na rin ang lahat.

"Really?" Tumango ako kahit hindi ko alam kung nakatingin siya. "Mahirap pakisamahan si Carsen. Kahit ako nahihirapan. Masyado siyang focus sa sarili niya, to the point na nakakalimutan niya ang nararamdaman ng ibang tao."

"Kahit ikaw?" tanong ko.

"Hmm.."

I sighed as I confirmed it.

Naiintindihan ko na kung bakit hindi siya galit sa pinsan pero ang laki na ng tampo niya dito. Hindi ko naman siya masisisi dahil sa sitwasyon ko ngayon. Nagiguilty lang ako na baka masaktan ko ang pinsan niya pero alam ko na mangyayari at mangyayari iyon dahil wala talaga akong special na maramdaman para sa kaniya. Sadyang ipinipilit niya lang ngayon ang gusto niya.

Parati kami halos sabay umuwi. Minsan naman ay nagkikita na lang kami para kumain sa labas, ice cream, nagawa ko pang magsimba dahil isinasama niya ako. Minsan kapag walang pasok pumupunta siya sa cafe para tumambay at doon na nag-aaral.

"Girlfriend mo na ba iyan, Bryce?" tanong ng katrabaho ko habang inaayos niya order ni Carsen. "Parating nandito. Kung hindi iyan nag-oorder, ban na iyan dito."

"Hindi ko girlfriend."

"Eh ano?" takang tanong niya sa akin sabay abot sa akin ng tray na naglalaman ng order ni Carsen.

"Getting to know."

Pagkakuha ko ay inihatid ko na ito sa mesa ni Carsen. Nagtext din ako kay Kir na may strawberry shake ngayon dahil limited lang iyon sa cafe. Tiniyak ko na rin na makakakuha siya kahit anong oras dahil nagpareserve na ako para sa kaniya.

"Oh." Pagkalapag ko ay kaagad siyang nag-angat ng tingin sabay niya. "Commute ka lang?"

"Yeah! Sabi ko may gagawing project."

Hate U to Love UWhere stories live. Discover now