2nd

318 15 0
                                    

Chapter 2

Kir Brixston:

Sorry na! Gagi nakatulog ako eh!

Bryce:

Hindi kita kilala.

Umabot ako ng 10pm hindi man lang siya nagreply. Tulugan ba naman ako. Ang pangit-pangit ng ugali.

Kir Brixston:

Nakatulog nga. Inantok ako sa ininom kahapon. 

Bryce:

Weak.

Kir Brixston:

Yeah.

Napabangon ako dahil sa nabasa ko. Hindi niya ako binara. 

Kir Brixston:

Free ka?

Mas nawala lalo ako sa ulirat sa nabasa ko. Bakit? Nag-isip-isip pa ako bago nagtype na kaagad ko naman binura. Since naka-off naman ang read receipt ko kaya hindi niya makikita if naseen ko na nag message niya. 

Kir Brixston:

Care to reply. Alam ko na naseen mo na. Stop being a baby, Bryce. Hindi bagay sa'yo.

Kahit sa chat ang formal. Kung hindi siya ang kausap ko tiyak hindi kompleto mga words ko. Pogi typings muna tayo at baka mabash ako ng maarteng ito. Pero dahil nakakagulat matry nga.

Bryce:

Bkt b kc? Ba2wi ka? 

Kir Brixston:

Yeah. 

And please ayusin mo ang typings mo. Baka next time hindi na kita replyan.

Napabangon ako.

Kir Brixston:

Sunduin kita sa kanto around 10am. Dalhin mo laptop mo. 

Pagtingin ko sa wallclock ay nakita kong malapit na mag-9am. Dali-dali akong tumayo saka ko sinaksak sa charger phone ko. Paglabas ko nakita ko si Bea na naglilinis.

"Aalis ka na naman, kuya?" tanong niya dahil may nakasabit ng t'walya sa leeg ko.

"Yeah. Group project."

Nilampasan ko na siya saka dumiretso sa cr. Dali-dali lahat ng kilos ko sa kaartehan ng lalaking iyon. 

"Ma, feeling ko may jowa si kuya!" Natigil ako sa pagbuhos ng tubig sa sigaw ng bunso namin. 

"Sinong kuya?" tanong ko.

"Alangan naman si kuya Brylle?" pamimilosopo niya. 

Siguro magkapatid si Kir at Bea. Magkaugaling-ugali sila medyo mas maingay lang si Bea. 

"Pag nakabuntis iyan papalayasin ko yan dito!" sigaw ni mama.

Hate U to Love UWhere stories live. Discover now