19th

202 14 7
                                    

Chapter 19

I was lucky I had finished my demo before the day we went on Carsen's house. Magkakasama kami nina mama at Kir na pumunta. Hindi naman ako tahimik na tao pero tila naputulan ako ng dila noong nasa bahay na kami nina Carsen. Dagdag mo pa na nandoon na rin ang parents ni Kir. Mas lalong dinadaga ang dibdib ko.

Pero maliban sa dinadaga ang dibdib ko may iba na rin akong nararamdaman. Tila nawalan ako ng gana simula noong magkaharap kami nina mama at Kir at malaman ko ang dahilan niya.

Tila paulit-ulit na nag-eecho ang dahilan kung bakit niya gustong sabihin kung bakit niya ako nililigawan at kailangan ko itatak iyon sa isip ko.

Hindi ko alam kung anong meron sa akin. Umasa ba ako? Bakit nag-iba ang pagkakaunawa ko sa sinabi niya?

Bakit parang may kirot?

Am I really not straight? Pwede ba iyon? Nagjojoke lang naman ako? Anong nangyari?

Mga matatanda na muna ang siyang nag-usap-usap. Ipinaliwanag nila kay mama ang sitwasyon ni Carsen na siyang tahimik at nananatiling nakayuko sa pagitan ng mga magulang. Hindi ko siya maintindihan sa pinaggagagawa niya.

Bakit kailangan na may dinadamay siya sa problemang siya naman ata ang may gawa?

"Now explain, Kir." Nanlamig ako sa maatoridad na boses ng nanay ni Kir. "I guess you need to explain everything to us. And you know what everything means right?"

Ako ang mas kinakabahan para kay Kir. Hindi biro ang gusto niyang isakripisyo para sa akin. Bakit ganoon na lang niya ako kayang pagtakpan? Kahit alam ko sa sarili kong wala naman akong kasalanan.

Pinag-isipan ko na iyong mabuti at maraming bagay ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko kaya.

"P-pwede po bang ako muna?" Nauutal kong tanong dahilan para lahat sila lumingon sa akin.

Hawak-hawak ni mama ang kamay ko. Bahagya niya itong pinipisil para na rin siguro pakalmahin ako. Alam ko na ramdam na ramdam na niya ang panlalamig ng kamay ko. Alam na kahit siya ay nag-aalala. Sino ba namang hindi sa ganitong sitwasyon? Kung ako ito hindi ko naman tatakasan pero ang akuin ang hindi naman akin sa taong hindi ko mahal? Hindi ko kaya.

"Me and Carsen were friends. We're close and I only see her as a friend and a little sister. Hindi sumagi sa isip ko noon na magkakagusto siya sa akin when in fact na mas itinutulak ko ang sarili ko kay Kir. Wa-"

"And that's were I fall." Pagsabat ni Kir dahilan para lingonin ko siya sa kabilang tabi ko at sumenyas na tumigil. "Nahulog ako."

"When Carsen confessed she wants me to know her before this semester ends. Ayoko man pero ipinipilit niya at wala akong magawa. She's so serious and didn't acknowledge my opinion or my answer."

Sasabihin ko ang totoo. Maniwala man sila o hindi pero wala na akong magagawa. Hindi ko kayang isugal ni Kir ang kasarian niya, ang imahe niya, ang pagsasama nila ng parents niya, ang lahat-lahat para sa akin.

Sino ba naman ako? Ni hindi ko nga alam kung kaibigan turing sa akin dahil mas pikon na pikon siya sa akin. Walang araw na hindi niya ako nasusungitan. Walang araw na hindi nasisira ang araw niya dahil sa akin.

"Totoo na parati kami magkasama kasi iyon ang gusto niya. Kahit sa trabaho ko tumatambay siya at sinasabing may project kami. Lahat iyon alam ni Kir dahil paminsan-minsan ay bumibili siya at kinakausap si Carsen pero anong magagawa namin kung ayaw niya magpaawat? Sabi niya gusto niya ako pero hindi iyon ang nararamdaman ko. Una pa lang sinabi ko na wala talaga."

"Tell them, Carsen. Sabihin mo ang totoo hindi iyong nandadamay ka ng tao." Mahinahong sambit ni Kir at nagmamakaawa akong tumingin.

Nagmamakaawa na sana tapusin niya na ang lahat ng ito.

Gusto ko na magpahinga.

"Huwag ka ng gumawa ng k'wento. Nakakapagod kang pagtakpan parati."

Kahit buong pamilya nila ay nagulat sa narinig mula kay Kir. Siguro dahil hindi nila inaasahan.

When I saw how Carsen smirked I knew it did not end the way I imagined it.

"Why? Bakit ako titigil? Para sa inyong dalawa? All my life bakit ako ang mag-aadjust parati? Stop being a brat, Kir. Hindi ka bakla! Huwag kang magbakla-baklaan para lang maagaw mo siya!"

Nagulat kaming lahat sa pagtayo ni Kir dahilan para magulat kami ni mama.

"Brat? Me? Look who's talking! Shut up bago ko pa makalimutan lahat ng pinagsamahan natin. Hindi na kita kilala Carsen!"

"Manahimik kayo! Kung hindi ang lalaking iyan ang ama sino? Para kayong mga bata! Hindi laruan ang pinag-uusapan natin dito para magmukhang dogshow ang usapan na ito!" Pagsasaway ng papa ni Kir. "Carsen, I saw you! Who's that guy?"

"What are talking about, tito? Pinagkakaisahan ako ng anak niyo at ni Bryce dahil magkaibigan sila at galit sa akin si Kir. "

"I saw you that day, hija. You're with a guy. Akala ko namamalikmata ako pero ngayong buntis ka at nakita kitang lumabas sa isang motel with a guy. I remember his hair is blonde at medyo mas malaki sa lalaking ito. Are you really saying the truth?" he asked.

"Tell everything the truth her Carsen and stop braging my son's gender here! Stop braging my son on this! That's your problem! Let's go, Kir. Uuwi na tayo!"

"Mom, no! I like-"

Hindi ko na pinatapos na makapagsalita pa si Kir dahil sumabat na ako.

"These past few weeks I am with Kir. Noong umuwi siya I am with my other friends. Nasabi ko na po lahat ng katotohanan. Huwag niyo na kaming idamay ng mama ko. Parang awa niyo na." Nilingon ko si Kir at hindi man makapaniwala sa narinig ay nginitian niya ako.

"Thank you for your concern pero hindi ko kaya, Kir. Kahit icheck niyo pa mga IG at facebook account ng nasa notes na ito makikita niyo kung sino mga nakakasama ko sa loob ng isang buwan. Nandiyan na rin po ang account ko. Ayaw ko po ng gulo. Kung ayaw niyo pong maniwala kahit ipa-DNA ang bata hinding-hindi magiging akin iyan. Pasensiya na po pero may mga kapatid pa akong nag-aantay kay mama."

Nauna na akong lumabas. Hindi ko na kayang magtagal sa loob. Parang mauubusan na ako ng hangin sa katawan. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko matanggap.

"Bryce!"

Halos nagpapanic attack na ako bago pa man ako tuluyang makalabas sa gate ng bahay. Nahihirapan huminga at halos nanginginig na ang mga paa ko.

"Wait!"

Kahit alam kung si Kir iyon ayaw ko lumingon. Nanghihina pa naman ako pagdating sa kaniya.

"Talk to me." Naramdaman ko ang paghawak sa papulsohan ko nang sandaling naabutan niya ako. "Why did you do that? May plano tayo."

"Plano mo lang," malamig kong sambit. "Bumalik ka na sa loob. Hindi ko kailangan ng tulong mo. Hindi naman totoo ang lahat kaya pumasok ka na doon at tulungan mo magbago pinsan mo."

Nang maramdaman ko ang pagluwag ng pagkakahawak niya sa kamay ko alam kung sumobra ako doon.

Huwag ngayon, Kir. Naguguluhan ako. Pagod na ako. Nakakapagod na lahat.

"Salamat pero masyado ka ng maraming naitulong. Tama na. Huwag mo dungisan iyang imahe mo para sa akin. See you next semester."

Tinalikuran ko na siya dahil ayaw ko ng magsalita. Kasabay ng pagtalikod ko ay ang biglang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ako iyakin pero pagdating sa kaniya kahit hindi ko naiintindihan lahat nagkukusa ang mga luha kong magbagsakan.

"Paano pagsinabi ko na totoong gusto kitang ligawan?" Natigilan ako sa paglalakad. "Paano pagsinabi kong totoong nahuhulog ako? Lalayo ka pa rin ba?" Sunod-sunod niyang tanong.

Natatakot na akong gustuhin. Ako pa ang naghahabol sa huli kahit hindi naman ako ang unang nahulog.

"I'm straight," I answered while I remained in my posture.

Mas pipiliin ko na lang lumayo at kalimutan ang mga bumabagabag sa akin kaysa harapin tapos sa huli ako lang din naman pala ang maghahabol.

A/N

Sorry at nagkasakit ako hindi me nakapag-update ng matagal. Enjoy reading!

Hate U to Love UWhere stories live. Discover now