Chapter 08: First, My Curiosity. Now, My Attention

5.4K 542 291
                                    

A/N: Now, the Madonna of Theater enters the stage! Part Two, or Jamie's version, is based on Chapters 16 and 18 of Project LOKI's Wattpad version.

Remember that this is Volume 1 Jamie. If you know what I mean.

 If you know what I mean

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

JAMIE

NOT EVERYONE could easily pique my curiosity. Mas kasi ang standards ko. But when someone did, I'd give him—or her!—my full and undivided attention. Super suwerte ng taong makakukuha sa interes ko. Parang nanalo siya ng lotto jackpot!

Nasa backstage ako ng auditorium kasama ang iba pang member ng repertory theater. We had started rehearsing for the play na ipalalabas sa susunod na dalawang buwan. Ayaw kong magtunog mayabang, pero lead role ang nakuha ko. Would you say na masuwerte ako? No! I wouldn't call it luck dahil pinaghirapan ko 'to. Sa lahat ng nag-audition—at sa lahat ng estudyante sa Clark High—ako ang pinakamagaling kaya nakuha ko ang taste ng repertory theater adviser. Facts lang.

Bata ako nang ma-discover kong may talent ako sa pag-arte. Kapag may gusto akong ipabili pero ayaw ni mama, iiyak ako para i-guilt trip siya. Kapag mas pinapaburan ni Papa si Kuya, magdadrama ako para kampihan niya. Hindi ako sumali sa acting workshops. Ni hindi rin ako pumila sa mga audition o nag-apply sa commercials. Hinasa ko ang talent ko sa pamamagitan ng pagsali sa theater ngayong high school na ako. I might take Theater Arts in college, pero ilang years pa bago 'yon kaya e-enjoy-in ko muna ang buhay-teatro ko sa ngayon.

Nakaupo ako sa harap ng salamin habang nag-i-scroll sa aking phone. Hinihintay pa kasi namin ang iba pang cast members kaya may free time pa ako. Mabuti na lang, meron akong na-discover na newfound pastime. I'd been checking this blog every now and then, hoping na may bagong entry akong mababasa. Na-enjoy ko ang mga story na naka-post dito. They kept me at the edge of my seat! Luckily, may update ang blogger kaya may pampalipas oras ako habang naghihintay.

"This is the nth time I saw you checking that blog. Are you now a big fan of the QED Club?"

Lumingon ako sa likuran at nakitang sumisilip sa phone ko ang lalaking may curtain haircut. Nakasuot siya ng horn-rimmed eyeglasses kaya madaling pagkamalan na isa siyang genius. Yeah, I knew that stereo-typing, but he's truly a genius! Bata pa ang itsura niya at medyo kinapos siya sa height. Noon sigurong nagpamudmod ng katangkaran ang Diyos, tulog siya kaya hindi siya pinalad na tumangkad. Hindi rin siguro niya trip na uminom ng height growth supplements.

"Stein!" tawag ko sa kanya sabay tago sa phone ko. "Ikaw, ha? Lagi kang sumisilip sa mga binabasa ko. Curious ka ba kung sino'ng ka-chat ko?"

"Huwag mo kasing masyadong i-expose ang phone screen mo," sagot niya sabay hawak sa bridge ng dumudulas niyang salamin. "Kahit sino, makikita kung ano'ng binabasa mo at maku-curious diyan. You have to be careful and discreet. Always."

"Masyado ko kasing ine-enjoy 'to kaya hindi ko namamalayan minsan na may nakikibasa na rin pala." Muli kong tiningnan ang aking phone. "At saka dapat, ang ibang tao na mismo ang rumespeto sa privacy ko. My screen's not meant for them so they shouldn't peek at it."

Origins of the QED ClubWhere stories live. Discover now