Chapter 46

29 32 9
                                    

C H R I S T E L L E

They say, if a flower is dying, just water it with love and affection so that it'll stand tall once again.

It's been a week since my darkest days happened. Gladly, I'm already taking a step forward little by little.

After mending things with my friends and family, the pain they've inflicted somehow vanished- as if the burden and heavy loads I've been carrying got lighter.

Their efforts to fix things up were wholesome. Ramdam kong mahalaga ako sa kanila ano pa man ang mangyari.

It feels like I was a withering flower who survived after getting pampered daily.

"Liit! Breakfast is ready na!" I heard Are Tine called me from downstairs kaya tinatamad akong bumangon sa higaan ko't nagligpit ng kuwarto bago bumaba.

It's weekend kaya wala kaming pasok ngayon. Umuwi na rin pala ako rito sa bahay pagkatapos kong i-kuwento kay Allyza nung nasa karaoke booth kami yung tungkol sa pag-uusap namin ni mama. Noong una pa nga, ayaw niya akong paalisin eh kasi mawawalan na raw siya ng kasama sa bahay niya pero she's very happy na at least daw, hindi ako nagtanim ng galit sa pamilya ko't pinakinggan ko sila mama.

Well, listening to everyone is the best thing to do, perhaps?

Bumaba na ako para kumain, nakangiti naman akong sinalubong nina mama at ate habang si kuya ay nakatitig lang sa diyaryo niya, as usual.

"I cooked your favorite pancakes!" Magiliw na bungad sa akin ni Ate Tine habang pinagmamalaki yung luto niyang almusal, natawa naman sina mama dahil doon.

"Sunog oh," puna ko rito dahilan para ipagtanggol niya agad sarili niya na kesyo design lang daw iyon tapos kasalanan daw ng kawali. Ewan ko sa kaniya.

I sat down quietly in front of the meal habang tinititigan pa rin ni ate yung luto niyang pancakes. Nagulat siya nang kumuha ako ng dalawa mula rito at kinain, narinig ko pa ngang mahinang natawa si kuya dahil sa ginawa ko.

Ate Tine made effort to cook pancakes, walang rason para hindi ko kainin iyon kahit na sunog pa.

My relationship with my family is not the same anymore, however, I'm trying to open up myself towards them again. The wound is still fresh and they understand that. At least, there's an improvement on what we are trying to build.

Hindi na rin inopen up dito sa bahay yung pinag-usapan namin ni mama noong nakaraan- actually, hindi na napag-usapan ulit yung tungkol sa 'gulo' dito eh dahilan para hindi ko rin naramdamang ampon ako kahit na alam ko na yung totoo.

"Anak, nga pala. Your adviser messaged me yesterday, ngayon ko lang naalala. Tutuloy ka pa raw ba sa New York University? Inaantay niya kasi response mo regarding doon."

My eyes widened upon hearing what mama said. Nabitawan ko pa nga yung hawak kong tinidor dahil sa pagkabigla. Shoot.

Nakalimutan ko yung tungkol doon sa dami ng mga iniisip ko! Nasaan na ba yung papel na binigay ni ma'am noon?!

"Ma, yung papel-"

"Nasa akin, liit. Noong wala ka kasi dito sa bahay, nakita ko 'yun sa labas ng kuwarto mo pakalat-kalat kaya tinago ko," pagsingit ni ate nang mapansing nagpapanic na ako. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. Akala ko nawala ko na iyon, sayang din kung nagkataon.

"We shouldn't waste chances like that, Christelle," si kuya naman ngayon ang sumingit sa usapan. Akala niya ata magba-backout ako kasi hindi ko pa sinasagot yung tanong ni mama tapos ang tagal na mula noong binigay ni ma'am sa akin iyon.

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon