Chapter 35

72 36 13
                                    

C H R I S T E L L E

"Ampon ako," I confessed hoping that they'll understand  and accept me for who I am.


Minutes passed yet they are still silent. No one literally dared to talk and shock is evident in their eyes.

Kinakabahan tuloy ako sa sasabihin nila. Huhusgahan ba nila ako? Tama ba si Ynna na dapat mag-ingat ako lagi sa mga taong pagkakatiwalaan ko? Mali bang ipinaalam ko sa kanila 'to?

Sabay-sabay kaming napalingon kay Hannah nang bigla nitong binasag yung katahimikan.

"Joke time ba 'to?" Aniya't parang naluluha na. Umiling naman ako.

"Sana nga joke time nalang eh," tugon ko sa kaniya kasabay ng pagkawala ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Masama loob ko kila mama. Ni hindi ko nga alam kung dapat ko pa siyang tawaging mama eh."

Hindi ko namamalayang nag-o-open up na ako sa kanila. They're my friends, my second family. Kahit ano pa sabihin ni Ynna, mas may tiwala ako sa kanila kaysa sa kaniya.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ng pinsan ko, sinundan naman ito nina Allyza. Sila Sam, Brent, at Brylle naman, nanonood lang sa amin.

"Gagang 'to. Of course, you should still address tita as your 'mama'. We're still family; by blood or not. Kung handa ka na, kausapin mo sila tita tungkol dito. I'll accompany you if you insist," kalmadong saad ni Hannah habang hinaplos yung buhok ko. Tumango naman ako sa kaniya.

"Tara, let's talk about something else na," aya ko sa kanila para hindi na maging gloomy yung atmosphere.

I flashed a smile to tell them that I'm okay. Ayokong madamay sila sa nararamdaman ko, sapat na yung aware sila.

Ilang minuto pa yung lumipas bago tumunog yung bell. We bid our farewell to Brylle bago bumalik sa building namin. Excused sa klase si Brylle kasi may practice sila para sa volleyball tournament sa ibang school next week.

Sina Allyza at Brent nalang kasama ko ngayon habang naglalakad sa corridor. Nasa ibang strand at section din kasi sila Hannah eh.

Hindi na muling na-open up yung tungkol sa pagiging ampon ko, pati na rin yung sa panliligaw ni Denver. They avoided topics that might trigger my emotions. Naiintindihan kasi nila na I'm vulnerable and sensitive nowadays due to my current situation.

I felt bad about doubting my friends just because of what Ynna said. Hindi ako makapaniwalang nagpadala ako sa sinabi niya.

"Wala pa si sir?" Tanong ni Brent sa kaklaseng nakasalubong namin. Naglalakad kasi siya sa opposite direction.

"Oo, absent ata," sagot nito kay Brent dahilan para lumapad ang ngiti nito't nagpasalamat.

"Huwag na sana siya pumasok," magiliw na turan nito sa sarili bago kami akbayan nang sabay ni Allyza't hinatak papuntang room. Binilisan ko tuloy yung paglalakad ko para lang makasabay sa kaniya.

Agad na sumalubong sa akin yung tingin ni Ynna pagtapak ko palang sa pinto ng classroom. I felt uneasy the moment she smirked at me.

Ano ba talaga pakay niya sa akin?

~*~

"Christelle! May meeting kami ngayon, una muna kami ah?" Napatingin ako bigla kay Allyza nang bigla itong lumapit sa akin pagkatapos tumunog ng bell.

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon