Chapter 47

34 32 9
                                    

C H R I S T E L L E

"F*ck."

Hindi ako makagalaw ngayon sa kinatatayuan ko habang  nakatitig sa lalaking nasa harap ko ngayon. Nang tignan niya yung sahig ay dahan-dahan din akong napatingin doon.

"Hala!" I exclaimed when I saw my phone lying down on the floor with its broken case. Chineck ko agad yung screen at likod niya, buti nalang at hindi iyon nabasag.

"Why are you here at the men's comfort room? Are you spying on some men—"

My eyes widened after hearing what he said kaya agad ko siyang binato ng sira kong phone case para matahimik siya. Bakas ang gulat sa mukha niya pagkatapos ilagan yung phone case na binato ko— actually pati ako nagulat sa ginawa ko.

Bakit ba nandito si Brylle?! Hindi ba't may game sila ngayon?!

"M-mali ka ng iniisip!" Depensa ko pa sa sarili pagkatapos niya akong taasan ng kilay.

Gosh! Of all people, bakit siya nanaman yung nakasama kong malockan dito? Wala naman siya dito sa loob kanina ah?

Umiling sa akin si Brylle bago dire-diretsong naglakad patungong pintuan. Bigla siyang nataranta nung hindi niya mapihit yung door knob.

"What did you do?" Kalmado pero bakas ko pa rin yung taranta sa boses niya.

"Wala," maikling sagot ko sa kaniya. Pinihit niya pa ulit pero ayaw talagang bumukas.

"The game will start in a few minutes, paano ako makakalabas dito?" Aniya pero hindi nalang ako umimik. Napansin kong iba na yung suot niyang uniform, dark blue na ito na may tatak ng school namin sa manggas tapos may tatak naman ng Ivy International sa baba ng laylayan. Kaya ba siya nandito kasi nagpalit siya ng damit?

"I know that I'm handsome but would you please stop staring? It's creeping me out," napakurap ako bigla nang bigla siyang magsalita. Pilit niya pa ring binubuksan yung pinto, kulang nalang kalampagin niya na ito.

Weird, wala bang nakakapansin sa door knob at ingay namin dito sa labas?

"Where's your phone?" Tanong bigla sa akin ni Brylle nang hindi man lang lumilingon sa kinatatayuan ko.

"Huh? Bakit?" I asked, confused.

"Tatawag ako—"

Hindi na natuloy yung sinasabi niya nang bigla itong bumukas at iniluwa doon sina Hannah, Sam, Brent at Allyza. May kasama pa silang dalawang lalaki na sa tingin ko ay isa sa mga namamahala ng maintenance dito sa CR na ‘to.

Napatingin naman sa akin si Brylle dahil doon, I let out an awkward laugh as I faced him.

"Hehe, I already asked for help kanina," nahihiya kong sambit sa kaniya.

"Then you could've just told me instead of watching me almost break the door knob," aniya bago lumabas pero hinawakan siya ni Sam sa braso kaya hindi rin siya nakaalis agad.

"Oh my gosh," Allyza said. Bakas pa rin ang gulat sa mga mukha nila’t palipat-lipat pa rin ng tingin sa amin ni Brylle. Naiilang na ako sa mga tingin nila.

Kumapit ako sa braso ni Hannah pagkalabas ko ng CR. Tinawanan niya pa ako kaya hinampas ko naman siya. Sigurado akong mang-aasar nanaman ito mamaya.

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon