Chapter 1

327 83 87
                                    

C H R I S T E L L E

It's Monday. Not again.

Napabuntong hininga nalang ako. Nakayukong tinahak ko ang hallway papunta sa classroom. I can say that today will be a fresh start for another hell week.

"Asan na ba ang janitor? Bakit may basurang pakalat-kalat dito? "

"Ugh! Air pollution! I need an air freshener PLEASE! "

"Naku! Natapos na ba ang bagyo? Akala ko ba nalinisan na lahat lahat? Eh bakit may basurang pakalat-kalat pa? "

"Tanga pre! Wala namang bagyo eh"

"Tanga mo rin! Makisakay ka nalang! Tsaka ang pangit nya kaya."

Dinig kong bulungan ng mga schoolmates ko. Napailing nalang ako dahil sa mga asal nila. Akala mo hindi mga senior high students, ang iisip bata. Mga judgemental!

I felt bad to the victims of bullying. They don't deserve it.

Dumaan muna ako sa locker ko para ilagay yung mga librong hindi ko gagamitin sa first period namin. Maaga pa din naman kaya sa tingin ko, hindi ako mahuhuli sa klase.

Akmang bubuksan ko na ang locker ko pero sa kasamaang palad, kakambal ko talaga si kamalasan. Kaasar!

"O-ouch! " Daing ko nang mahulog bigla yung pansara ng locker ko at nauntog sa paa ko. Badtrip!

Narinig kong nagtawanan yung mga tao sa likod ko kaya kinuha nagmamadali ko nalang itong kinuha at pilit na ibinabalik sa locker ko.

"A-Aray! Bwisit!" Hindi ko napigilang mapasigaw muli dahilan para mas lumakas pa ang tawanan sa paligid.

Naipit kasi yung kamay ko kainis, ang malas!

Iniwan ko nalang na sira yung locker ko at kinuha yung mga gamit sa loob. Puro libro lang naman laman nun eh. Magtitiis nalang akong magbitbit kaysa manakawan ng gamit. Maganda-

"WAAAAAH!"

"HAHAHAHA!"

Ang sama talaga ng kapalaran sa akin. Isang sigaw nga ulit ng MALAAAAS! Sino ba kasi yung naglagay ng bag niya sa gitna ng daan? Parang tanga naman oh.

"Sabi ko sayo pre madudulas yan eh," bulong ng kung sino sa paligid. Pinakalma ko nalang muna yung sarili ko bago maglakad muli patungo sa paroroonan.

Habang tinatahak ang daan patungong classroom, nakasalubong ko yung mga asungot ng buhay ko.

Bakit asungot? Simple lang. Sila lang naman kasi ang dahilan kung bakit lumipat ng school yung pinsan kong si Hannah. She was a nerd during our 7th grade and these bullies targeted her. Nawalan tuloy ako ng kaibigan dito sa school magmula nang lumipat siya.

Hindi ko nalang sana sila tatapunan ng tingin nang bigla akong matapilok sa harap nila. Juicecolored! Ilang katangahan pa po ba ang ipaparanas mo sa akin ngayong araw?

"Stupid," ani bigla ni Brylle na nasa harap ko at nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa akin.

Napuno nanaman ng tawanan yung buong hallway nang dahil doon. Aba yawa talaga oh! Ang aga-aga, naging instant clown ako bigla.

Masama kong tinignan si Brylle. Nakita naman niya yun pero hindi niya ako pinansin. Napaiwas nalang ako ng tingin at naglakad na muli.

Bwisit ka, isip bata tsk! Madulas ka sana.

"What the hell? Did you just pushed me!?"

Napalingon ako bigla sa pwesto nila Brylle nang bigla siyang nambulyaw. Mukhang nagdilang-anghel ako ah? Laugh trip!

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon