Chapter 13

82 52 12
                                    


C H R I S T E L L E

Simula noong naging magkakaibigan kami nina Allyza, Hannah, pati na rin ng mag-kambal, palagi na kaming magkasamang kumain, gumala, at minsan, pati na rin pag-uwi sa kaniya-kaniyang mga bahay.

"Punta tayo sa park malapit sa school after class, may bagong bukas daw na ice cream shop," Pag-anyaya ni Misty na siya namang sinang-ayunan namin.

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papuntang cafeteria para mag-lunch. Busy magdaldalan yung apat samantalang ako ay tahimik lamang na nakikinig sa kanila. Minsan ay nakikitawa na rin.

"Hey," agad akong napahinto nang makasalubong namin si Annie kasama yung kapatid niya. 

"Yes?" Si Allyza ang sumagot sa kanila kahit na halata namang ako yung tinatawag nila.

Nang makita ng magkapatid na kasama namin sina Misty at Allyza na kapwa kasali sa Student Council, napairap nalang yung dalawa bago umalis. Takot siguro ma-detention.

"Atras tapang nila oh," natatawang pang-aasar ni Misty. Narinig iyon ni Annie kaya napalingon siya sa amin. Tinaasan naman siya ng kilay ni Misty kaya tumingin nalang siya sa akin.

"Gaining friends and make them as your shield? Huh! So petty," bulong sa akin ni Annie bago tuluyang umalis. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad kasama yung mga bago kong kaibigan.

Hindi naman kasi totoo 'yung sinabi niya. Bakit ako maaapektuhan?

Nang makarating na kami sa cafeteria ay bumungad sa amin ang isang magulong senaryo. May kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan ang mga estudyante rito.

Nang mapadpad ang paningin ko kina Brent, nakita kong magkakasama silang magbabarkada, pati na rin ng iba pang mga varsity players dito sa campus.

"Christelle! Anong ginagawa mo riyan?" Agad akong napatingin kina Allyza na nakahanap na pala ng mapwepwestuhan. Ngumiti nalang ako sa kanila bago sila saluhan.

"Ako na oorder, list niyo nalang dito yung bibilhin. Sasamahan ako ni Misty," pag-presinta ni Fritzy. Aalma pa sana yung kakambal niya pero sinamaan niya lamang ito ng tingin kaya walang nagawa si Misty kundi sundin yung kakambal niya.

"Ano sayo?" Tanong sa akin ni Hannah nang makitang hindi ko pa sinusulat yung ipapabili ko. Hindi ko rin kasi alam kung anong menu ngayon eh, bihira lang naman akong mapadpad dito sa cafeteria.

"Kung ano sayo," iyon na lang sinagot ko dahilan para isulat ni Hannah kung ano yung order namin.

Nang makaalis na yung magkambal, sumunod bigla si Allyza. May nakalimutan daw kasi siyang ipa-order. Kami nalang ni Hannah naiwan dito sa table namin.

"Nakikipag-kaibigan ka na ah?" Puna ni Hannah sa akin. Bahagya naman akong natawa dahil doon. Madalas niya akong asarin tungkol doon kapag nasa bahay namin siya.

"Parang ikaw hindi ah?" Asar ko naman pabalik sa kaniya kaya siya naman itong natawa.

"I don't know what happened to me Christelle. Dati, hindi naman ako nakikipaghalubilo sa ibang tao maliban sa inyo ni Sam. Nasanay lang siguro ako sa ibang bansa na makipag-usap sa kung sino-sino kaya natuto na rin akong makipag-kaibigan dito," aniya. Ngumiti naman ako sa kaniya.

"At least, confident ka na ngayong makipag-interact sa ibang tao," sabi ko sa kaniya. She nodded at me bago tumingin sa kung saan.

"Sana ikaw din," she said, napalingon naman ako sa kaniya.

"Huh?" Tanging naiusal ko, puno ng pagtataka. Humarap naman ito sa akin bago ngumiti.

"I can sense that you're not that comfortable sa tabi nila Allyza kahit na ilang araw na lumipas simula noong naging magkaibigan kayo. Parang takot kang kumilos bilang Christelle talaga sa harap nila," saad ni Hannah which made me heave a sigh.

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon