Sirang tulay na may hukay

40 2 0
                                    

Sirang tulay na may hukay

Akala ko okay nako,
Akala ko natapos nako.
Hindi pa pala.

Nagising nalang ako isang umaga.
Naiisip ko parin siya.

Nakakapanghina at ngayon ko lang naramdaman na ang hirap pala.

Akala ko mabilis lang ako makalimot pero tulay na sira pala ang nadaanan ko kaya nahulog ulit ako.

Hindi ko makita ang daan sa dulo ng tulay.
Hindi rin ako makaayat sa hukay.

Hindi pala ako nawalan ng balanse.
Hindi pala ako nahulog muli.
Napagtanto ko na.

Ilusyon lang pala.
Nandoon parin ako.

Naghihingalo.
Natapos na pero nandoon parin ako sa simula at naghihintay na may tutulong.

Naisip ko na sarili ko lang pala ang meron ako.
Ako lang pala ang makakahila sa sarili ko.

Pero pano?

Sari-saring SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon