Ikaw Si Stella

6 0 0
                                    

Ikaw Si Stella

Kung si Fidel ay mayro'ng isang daang tula para kay Stella,
ako naman ay may benteng tula para sayo.

Bakit bente? 
Wala na kasi akong makapang salita na babagay sa pangalan mo. 

Nandoon siguro lahat 'yong mga salitang hindi ko masasabi, gusto kong sabihin, gusto mong marinig, at ayaw kong marinig mo.
Kung kuha mo 'yong gusto kong ipunto. 

Sa mga salitang 'yon parang mga tula lang din ni Fidel.
May kilig, sakit, pagdurusa at higit sa lahat, pagsisisi.

Araw-araw may mga salitang bumabagabag sa isipan ko
na parang gustong lumabas at sabihin na sayo ang nararamdaman ko.

Ewan ko ba, kagaya rin ako ni Fidel,
sobrang hulog sayo kaya nandito ako at nagawa ng mga tula na
parang pang-alay sayo.

Parang gusto pa nga kitang gawan ng kanta kaso nakakatakot pala.
Nakakatakot baka mabigo rin 'tong nararamdaman kong dinadala.

Kung sasabihin ko ba ng maaga, matatanggap mo ba?
Baka malay mo sa susunod maging dalawang daan na 'to tula.

Sari-saring SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon