Tanong

6 0 0
                                    

Tanong

Nang mangyari ito parang nakakatakot gumising.
Palaging may tanong na nakaabang sa'kin tuwing gigising ako pero sarili ko na ang magtatanong sa'kin.

Paano kaya ako makakabangon? Mabubuhay?
Anong sunod kong gagawin?
Anong mangyayari?

Siya kasi ang laging nagtatanong sa umaga.
Kamusta ka?
Nagising ka pa ba?
Ayos ka pa?

Lahat ata ng mga posibleng mangyari ay naisip ko na pero ang tanggapin ay hindi pa.
Akala ko ay ako ang mauuna pero siya pala.

Isang araw gumising ako pero hindi ako nagtanong aa sarili ko.
Alam ko na kasi ang sagot pero ako pa rin ang nagtatanong sa sarili ko.

Walang nagbago o kaya nabago.
Gumigising pa naman ako pero minsan hinihiling ko na sana makita ko nalang siya sa panaginip at doon nalang ako.

Sari-saring SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon