Lihim Na Liham

6 0 0
                                    

Lihim Na Liham

Nakakakaba, nakakatakot, at nakakabalisa.
Ayan ang nararamdaman ko kapag nakikita ka.

May hawak na mapupulang rosas
Tila ba'y ako lang ang nakikita mo sa buong kwarto.

Hindi naman nagni-ningning ang iyong mga mata ngunit nakikita ko ang kalungkutan nito.

Wala akong masabi dahil pati ang mundo ko ay huminto.
Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito samantalang tapos na tayo?

Gusto ko sanang ibigay ang liham na dala ko ngunit iba ang pinagbigyan mo ng mapupulang rosas.

Sa iba ko na rin ibinigay ang liham na para sayo upang ang nararamdaman ko'y kumupas.

Sari-saring SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon