Chapter 06

61 2 0
                                    

Not Bad


"Naka-seatbelt naba ang lahat?"


Tumingin siya sa passenger seat at tinanaw sina Fia at Marco na kasalukuyang naka-seatlbelt na. Ngumiti siya nang makita silang naka-seatbelt ngunit nang binaling niya ang kaniyang tingin sa akin, nagtagpo ang kaniyang malalabong na kilay.


"Wear your seatbelt turtleneck girl. It won't wrap itself for you," he said sarcastically while giving me a smirk.


I can't still wrap around my brain the fact that he's here..., our driver. Paano nangyari to?


I gave him a smug smile and wrap the seatbelt around me. Later, he shifted the gear and the car slowly moved, making its way out of the school and into our destination.


To: Henryk

Henrykkk ur brother picked us up. Hindi mo man lang nashare sa'min na siya ang susundo. Nakakahiya huehue


After I hit send, nilapag ko patalikod ang phone ko sa aking balakang at lihim siyang tinitignan ng hindi pahalata. Tinignan ko siya mula ulo hanggang ibaba at ang casual lang ng suot niya. Naka white na polo at black na trouser pants, with matching Nike slides. Nang iangat ko ang mata ko pabalik, nahuli niya akong nakatigtig sa kaniya kaya agad kong binawi ang tingin ko at tumingin sa harap.


Narinig ko siyang maliit na tumawa at hiniling ang ulo sa gilid.


"You guys are silent. Okay lang ba kayo? I don't bite," sabi niya ng pabiro.


"Psh...," mahina kong buntong-hininga.


"You were saying something, Serafina?"


Napalingon ako sa kaniya sa pagtawag niya sa akin. This was probably the first time I heard him calling me by my actual name and not some random made-up name.


Binigyan ko siya ng fake smile at umiling. "Bakit ikaw ang sumundo sa amin, po?"


To be honest, that po just came out naturally. Nasanay kasi akong magtawag ng po basta sa mga nakakatanda sa akin. Kahit na one year lang ang agwat or months, nagsasabi talaga ako ng po.


And based on his look at me, he seems shocked and offended by me as I address him as po.


Akala ko ay magsasalita siya ng pasumbat sa akin ngunit ibinalik niya lang ang tingin sa manubela at mahinang napatawa at ngumiti. Maybe he's teasing me, psh!


"Our driver is out today since his son is at the hospital. Henryk can't drive yet so I offered to fetch you guys. Wala rin naman akong ginagawa," he explained.


I didn't face him and just nodded at his response.


"Bakit hindi sumama si Henryk?" Tanong ni Marco sa likuran.


Nakita kong inangat niya ang mata niya sa rear-view mirror nang magtanong si Marco. Napatingin rin ako sa phone ko at in-on ito para makita if nag reply na si Henryk sa message ngunit hindi pa.


"He's busy with something. I don't know what it was. Probably cleaning his messy room," he replied.


"Mmm...," Marco murmured.


The corner of my eye saw Hezekiah looking back again at the rear-view mirror with his brows furrowed a bit.  


"Are you Polo's younger brother?" he suddenly asked.


I lifted my eyes up to the rear-view mirror to see the situation at the back. Marco pointed at himself.


Right Where You Left Me (Celeste Twins: Book 2)Where stories live. Discover now