Chapter 14

44 5 0
                                    

        ATTENTION: I don't know what happened to the other pages. It might be corrupted.. Anyway i will add another chapter.... it's already End Actually. Since it was happen already, and I didn't publish yet.. i will add another additional 2 chapters maybe.. Thank you.. Happy Reading

SA MAHIGIT  tatlong linggo nilang pagsasama, buhat ng ikasal sila ng madaling araw na iyon, walang pagsidlan ang kaligayahang natatamo niya para dito. Ganon din si Dave, minsan nga parang nais na niyang magselos sa kanyang anak. Masyadong close ang dalawa, maraming bagay itong na-apply sa kanyang anak. Napaka swerte nilang mag-ina dito.

Hindi niya akalain mararamdaman niya ang ganoon damdamin, kahit kailan hindi niya iyon naramdaman sa ama ni Dave. Sabagay kung hindi naman iyon nangyari sa kanya sa kanilang mag-ina ay hindi niya makikilala si Bernard. Alam niyang ang diyos na mismo ang nagbigay daan  niyon sa kanya, para maging maligaya siya.

Naitawag na niya iyon sa kanyang mga Magulang nagulat man ang mga ito sa kanyang desisyon. Ngunit ng makausap ni Bernard ang mga ito, alam niyang napawi lahat ang mga agam-agam at pag-alinlangan ng kanyang mga magulang lalo na ang kanyang Mama. Nagpapasalamat ang mga ito ng labis sa kanyang asawa dahil buong pusong tinangap nito si Dave.

Sa mga kababayan na pinaglilingkuran naman nito ng buong puso, nagpapasalamat siya at tinagap siya ng buong puso. Kahit hindi siya taal na taga roon mainit siyang tinangap ng mga ito, ganon din kay Dave. Sa mga sandaling iyon wala na siyang mahihiling pa at pag sidlan ng ligaya.

Minsan umuwi ang kanyang Mahal na asawa bitbit ang isang local dyaryo. Inabot nito sa kanya at nagulat siya sa nabasang headlines katabi niyon ang kanilang stolen picture kasama si Bernard sa isang Mall na magkahawak kamay. Kitang-kita sa mga ngiti nila ang saya. Naala-ala na niya iyon, iyon yong nagde-date  silang mag-asawa, bahagi raw iyon ng panliligaw nito, naglalakad sila sa isang mall, para silang mga teenagers na magkahawak kamay at punong-puno ng buhay. 'They looked happy couple, Mayor Bernard Sebastian together her stranger wife Michelle Esteves Sebastian. Kung inyong matatandaan, Si Mrs. Sebastian ang ating naging blind item noon, na hindi pa natin napapangalanan. Ayon sa ating source, one week pa lang nakilala ng ating Mahal na Mayor  ang kanyang napakagandang Misis nito. Nabighani na agad siya rito, Wow! What whirlwind romance, we give them an applause and best wishes to the newly weds. Sana sa darating na church wedding nila, nawa'y  maibahagi nila sa ating ang kanilang pagmamahalan.'

NAKAHIGA na silang mag-asawa, masmaaga itong umuwi ngayon. Usually kasi dumadaan muna ito sa main office ng sariling kompanya. Until now hindi pa rin niya maamin sa sarili na bahagi na siya nito. Kahit ilang ulit ng sinabi nito sa kanya na kung ano mang meron ito ngayon ay kanya na rin.

"Sweetheart I would like to have a our grand church wedding as soon as possible." Nagulat siya sa anunsiyo nito. Mula nang maikasal sila sa huwes ay hindi na siya nag-isip pa ng en grandeng kasal. Sapat na sa kanyang pinakasalan siya nito.

"Come again?" gusto niya muling marinig ang sinabi nito.

"Hmmmm sabi ko, One month from now, I want to have our grand church wedding."

"Oh sweetheart, I am bless that I found you, puwede naman kahit wala na," matapat niyang sabi rito.

"No....I want to have a grand church wedding, gusto kitang makitang naglalakad sa aisle, habang hinihintay naman kita, sa dulong bahagi nito. Minsan lang tayo magpakasal sa simbahan. I know you got one, pero sweetheart iba naman ako sa kanya, nais kong makasama kita sa ganoong moment." She very thankful to god talaga na ipinagkaloob sa kanya ito, napakaswerti niya talaga sa kanyang asawa. Wala siyang mahihiling pa.

"Okay kung iyon ang nais mo sweetheart, I know lahat ng kababayan nating Davaonueno, inaabangan nila itong forthcoming wedding ng Mahal nilang Mayor, sino naman ako para tumangi eh ako ang bride." Nakangiting sabi niya rito, napatawa rin ito sa kanya.

Take A Chance (COMPLETE)Where stories live. Discover now