Chapter 4

39 4 0
                                    






Ang buhok nito ay ginugulo nang hangin mula sa chandelier sa itaas nang receiving room at sa electric fan nasa isang sulok. Nang magtuon ang mga mata niya sa mga labi nito ay bahagyang nanayo ang mga munti niyang balahibo sa katawan nang maisip kong paano gumawa ang mga pilyong labi nito sa kanyang katawan. Shit! bakit ganon ang takbo ng isip niya kaagad-agad.

She acted 'sex starved.' Bakit hindi nga ba totoo? diba nga halos apat na taon na rin mula noong nakipaghiwalay siya sa kanyang Ex. And she never take an intimate relationship with the other guy. Itinuon niya ang kanyang panahon sa kanyang anak at trabaho. At ng mga panahoong iyon never niya naisip ang ganon, but not this time, mula noong nakita niya ito sa isang Restaurant kong ano-ano na ang pumapasok sa isip niya.

"Hmm.." sa parang nanunudyo pa, sa narinig niyang tikim nang Ate Jo niya. Pasimple niyang hinamig ang kanyang sarili sa pagkakawala.

"Pare si Michelle Esteves first cousin ni Mrs.... Mitch si Pareng Bernard." Basag nang Kuya Joel niya sa katahimikan.

"Hello Michelle" may pilyong nakakabit sa pagkakangiti nito sa kanya. Na agad naman niyang ikinamumula.

"And It's my pleasure too meet you." sabay lahad ng kamay nito sa kanya. Nag dalawang isip siya kong aabutin niya ba ang palad nito.

"Mare saan mo ba itinago itong pinsan mong ubod ng ganda at ngayon ko lang na meet." Muling dugtong nito habang nakalahad na ang palad nito. Tumawa lang ang mag-asawa, napilitan na rin siyang abutin ang kamay nito.

"Yea nice meeting you too Mr.....?" Nag s-stammer pang sabi niya. Matangkad nga ito dahil nakatingla siya dito.

"Sebastian." Muling dugtong nito.

"Mr. Sebastian." Muling sabi niya at inabot niya rin ang kanyang kamay dito. Ramdam niyang may kakaibang init ang hatid nang mga palad nito sa buo niyang katawan. Bahagya pa nitong pinisil iyon. Kung hindi nito bibitawan ang kanyang kamay baka agad baka makapag step-neck na siya sa pagkakatingala rito. Mabuti na lang nagyaya na ang Ate niya.

"Ah halika na kayo naka-ready na ang mesa para sa ating hapunan." Muling basag ng Ate Jo niya pero bakas sa mga mata nito at labi ang paunukso sa kanila.

"Mare ngayon ko lang nalaman na may cousin ka pala dito sa Davao." Narinig niyang sabi nito sa Ate niya.

"Nakow mandin magdadalawang buwan na dito si Michelle bihira nga lang lumabas at pumasyal kaya ngayon mo lang na-meet. Actually taga Manila iyan nagbakasyon lang dito at mukhang nagustuhan niya ang Davao." Tumatawang sabi nito.

             "Wow,its my pleasure that you like our place and i hope you will stay here longer as long as you want." Sabi nito na tango lang at isang ngiti ang binigay niya rito.

Habang kumakain sila at magkaharap sila nang upuan. Kahit Business ang pinag uusapan nito at Kuya Joel niya ay nanatili nakamasid ito sa mga kilos niya. Itinuon niya sa pagkain ang kanyang buong pansin ayaw niyang salubungin ang mga tingin nitong nanunuot sa kanyang kalamnan. Sa tuwing magkakasalubong ang mga mata nila, ay agad niyang iniiwas ang kanyang paningin dito.

Pakiramdam niya kahit gaano kasarap ang mga naihandang pagkain nang Ate Jo niya ay hindi niya nalalasahan. Dahil naasiwa siya sa presinsiya nang Bernard Sebastian na to. Parang siyang organism na nasa isang Microscope na pinag Mabuti nito. Minabuti niyang itinuon ang pansin sa kanyang pinsan.

"Mitch tikman mo itong grilled chicken barbeque ko, masarap 'yan mina-renate ko yan nang husto." Sabay abot nito sa kanya ang nakatuhog nang limbs nang grilled chicken barbeque.

Take A Chance (COMPLETE)Where stories live. Discover now