Chapter 3

41 4 0
                                    






HALOS mag damag siyang wala pang tulog tinapos pa niya ang kanyang nere-reverse, ewan ba't ganadong-ganado siya kagabi.  Kaya halos ayaw pa niyang bumangon nang mga sandaling iyon. Inabot niya ang alarm clock na nasa bedside niya mag alas- onse na pala nang umaga. Naipangako niya pala kay Dave na ihahatid niya ito sa La Carmela Subdivision kina Ate Jo dahil ipinangako niya rito na pwede itong  maglaro maghapon ni Tyron. Mabilis siyang lumabas sa silid at hinanap kaagad si Dave.

"Ah Manang Nelda si Dave po ba nasaan?" Agad niyang tanong nang Makita niya ito sa komedor.

"Gising ka na pala Eneng, dumaan dito kanina sila  Jo mga alas-nueve, isinama nila si Dave pupunta raw sila sa Mall mamasyal hindi ka na pinagising ng Ate Jo mo siya na raw ang bahala sa bata. Sunduin mo na lang mamayang hapon sa kanila." Mahabang paliwanag nito.

"Ah ganon ba? Sige maliligo muna ako."

"Tamang-tama nakapag luto na ako ipag-hahain na rin kita."

"Sige po at akoy maliligo lang muna, mukhang masarap nga po yong luto ninyo, ang bango ng amoy."

Makaligo na nga ng  makapag breakfast in lunch na siya, nagrereklamo na rin ang mga alaga niya sa kanyang bituka. Mabuti na iyon wala si Dave makapag trabaho siya nang maayos nang walang kumukulit sa kanya. Tamang-tama malapit na niyang matapos ang kanyang eni- edit na manuscript. 

Napabuntunghinga siya paano ba nagagawa ng mga writer ang mga kwento nito, wari mo'y buhay na buhay, nagagawa nitong maging maganda ang plot at kahit siya naenganyo basahin. Daig pa siya nang bidang babae, nakaramdam tuloy siya ng ingit rito kahit hindi naman totoo. Parang buhay na buhay kasi ang karakter nito.

Naisip niya ang lalaking iyon kahapon sa Florencia. He like heroin in this novel Tall and dark, broad shoulders, lean and muscular kahit hindi ito naka tayo alam niyang matangkad ito.  Ideal face, suplado ang dating pero nang ngumiti ito kahapon sa kanya Pamatay!

He got a whiter tooth and oh...ooh my god he had a clip chain. And his jaw and chin darkened with his whiskers na lalong nag bigay dito  ng malakas na  attraction sa kanya. Very capable talaga  itong tawaging Hunk! Tandang-tanda pa niya na kahit naka long-sleeve polo shirt  lang ito, bakas rito ang magandang pangangatawan nito.

May palagay siyang hindi ito hinulma ng mga equipment sa gym, bagkos sa natural na proseso, malamang nakuha nito sa pagbabanat ng buto. Kahit Moreno ito, hindi maalis ang pagkakahawig nito sa holy wood actor na si Ben Afflect in his dark version. She sighed ngayon lang siya humanga ng ganito dahil kalkulado niya ang buong physical na anyo nito sa kanyang isipan.

Mga ganong tipo "nga" ang type niya. She don't want with his men na puro muscles pati mukha me abs katulad nang mga sumasali sa Mr. Universe ba iyon, yuck! kadiri...

"Shit! What's happening to me!" Bakit ba niya naisip ang ganon.

Hindi dapat siya makaramdam nang ganon. Erase-erase.... Sinanay na niya ang sarili at hindi dapat siya maapektuhan sa presinsya nang isang lalaki.  Masasaktan lang siya ganon din si Dave...

What! Shit! Shit! Ang layo na nang narating ng isip niya. Kung ano-ano ang iniisip niya. Mabilis siyang naligo at baka kong ano-anong masamang espirito pa ang pumapasok sa kukute niya.

Hindi niya namalayan na halos maghapon siyang nakaharap sa kanyang computer. Kong hindi pa tumunog ang cell-phone niya  hindi pa niya malalaman na going to six na nang gabi. Mabuti na lang nag txt na ang Ate Jo niya.

" Mitch wer k n? go k n d2, w8 kna n dve. D2 n k u mg dinner."

"Ok pki sbi w8 lng go n me jan ligo lng me." Sagot niya dito

"Ok tke ur time." Reply nito sa kanya.

Agad siyang kumilos naligo muli at mabilis na nagbihis. Isang top tank green saka faded skinny jeans lang ang get up niya, nilagyan niya lang nang hair band ang buhok niya na nakalugay dahil basa pa, naglagay  siya konting powder saka lips shine lang ang pinahid niya sa labi niya.

Nang makuntento sa sarili, hinagilap niya ang slip-ons niyang goma, isang pasada uli sa salamin she look fresh, mas lalong bumata pa siyang tingnan sa edad niyang twenty six. Sinong mag-aakala meron na siyang six years old boy. Sabay dampot sa kanyang pouch.

Diba nga't tuwing nagagawi siya sa opisina upang kumuha ng mga manuscript na ie-sinubmit ng mga batikang writer, during nang nasa Manila pa sila. Niluluko siya nang mga taga publication, mukha raw siyang teenagers. Nakakatuwa lang at nakaka-miss ang mga dating nakakasama niya at nakaka-halubilo niya.

Napabuntunghinga muli siya  mabuti na rin iyon, kahit papano nagagawa pa rin niya ng maayos ang kanyang trabaho, thank you sa laptop niya at internet, ngayon hindi siya laging aligaga, dati  lagi siyang nag-aalala para kay Dave, hindi niya alam  kong madatnan pa ba niya ito sa bahay nila tuwing uuwi siya. She sighed! Nang maalaala naman niya ang mga pangyayari sa buhay niya. Tapos na iyon, naka pag move-on na siya.

"Manang Nelda maiwan ko muna kayo dito susunduin ko lang po si Dave Huwag n'yo na po kaming hintayin sa haponan, doon na lang po ako kakain, I'm sure hindi papayag ang Ate na hindi ako kakain doon." Paalam niya dito.

" Ganon ba sige Ineng  mag-iingat ka, sa kanto ang sakayan ng tricycles ha," Bilin nito sa kanya.

"Sige po doon na lang ako sasakay mapapamahal lalo ako pag magtataxi pa ako." Mabilis siyang lumabas at tinungo ang kantong sinasabing pondohan nang mga tricycles.

Ilang saglit pa  nakasakay na siya nagpahatid siya sa subdivision, may fifteen  minutes din siguro silang nag byahe, parang sa Manila rin halos ganon rin kagaling sumingit ang mga driver ng tricycles sa mga malalaking sasakyan lalo na sa high-way   at ilang saglit pa natatanaw na niya ang bahay nang pinsan niya.

May isang bagong-bago Toyota Corolla na nakaparada sa labas nang gate. Mabilis siyang bumaba at nagbayad, thirty pesos lang naman ang pasahe niya.  Ilang saglit pa binabagtas na niya ang drive-way papasok sa bahay, pinili niyang sa likod na lamang dumaan nakakahiya naman, merong bisita ang Ate at Kuya naririnig niya ang usapan ng mga ito, kaya mas pinili niyang sa likod na lang dumaan.

"Hi!"  Bati niya sa katulong, "nasaan ang mga bata?"

"Aay Ati Mechilli nasa taas pu nag co-computer." Cebuana ang mga katulong ng Ate niya, ganon rin si Nanay Nelda kaya lang sa Manila ito naglagi.

"Ah ganon ba sige pupunta na lang ako doon." Nakangiting sabi niya.

"Ay  Sege ka gwapa mo gid  Ate kaputi-puti daw artista kaw." Sabi nitong sa salitang Cebuano . She gives her sweetest smile with her. Bago niya ito iniwan.

            "Oh Mitch... kanina ka pa naming hihintay, ohh.... Bakit  sa likod ka dumaan." Salubong nang Ate Jo niya  nang matanaw siya.

            "Naku meron ata kayong bisita, nakakahiya naman baka makaistorbo ako, kaya  mas pinili kong sa likod na lang dumaan baka ma- distract kayo."

            "Sus ano ka ba! Halika ipapakilala kita kay Bernard best friend nang Kuya Joel mo." Akay siya nito.

            "Ate ang mga bata nasan?" agad na tanong niya.     

"Nasa taas nasa room ni Tricia nag co-computer sila, 'wag mo muna intindihin si Dave nag hapunan na ang mga iyon nag pahatid na lang sila doon sa 'taas ayaw paistorbo busy raw sila." Kwento nito sa kanya

            "Hon... nandito na si Michelle." Tawag nito sa Kuya Joel.

            "Oh Mitch.... halika dito, ipakilala ko sayo ang kumpare kong si Bernard." Salubong nito sa kanya.

            Nang makalapit siya at humarap sa kanya ang bisita. Ooh.... this is the man in Florencia restaurant, how I cant ever forget his handsome face, na kani-kanina lang ay laman nang kanyang imahinasyon ang pagmumukhang iyon. Napahinto siya, In a Lactose blue-collar shirt with his lean and muscular, broad shoulders, faded jeans na bakas ang malalaking hita nito sa pagkakaupo. Naka-moccasin lang ito at naaninag niya ang mga balahibo nito doon.

Take A Chance (COMPLETE)Where stories live. Discover now