Chapter 6

46 4 0
                                    




KAKATAPOS niya lang maligo, kahit alas-onse na ng gabi naligo pa rin siya, mabilis siyang nagbihis ng kanyang pantulog, isang tank top lang ang isinuot niya saka boxer short. Nakaugaliaan niyang maligo ng ganoong oras bago siya humarap sa kanyang trabaho. Para hindi siya antokin, pinapatuyo niya ang kanyang buhok, hindi niya ugaling magsuklay tinutok niya na lang sa electric fan, kasi nga marupok na ang hibla niyon gawa ng pinapa-rebound niya, ang kanyang mga daliri na lang ang kanyang ginagawang pangsuklay, habang ginagawa niya iyon, maulingan niyang tumutunog ang kanyang cell phone.

Hindi naka register sa phone book niya, dahil new number ang uma-appear sa screen ng cell-phone  niya, nag alinlangan pa siyang sagutin iyon baka si David. Pero.... baka taga publication naman, ngayong linggo na lang kasi ang  ibinigay sa kanyang deadline ng kanyang supervisor. Halos tapos naman na lahat kaya lang dinodoble check niya pa ng husto ang mga iyon, para malinis ang trabaho niya.

            "Hello...."

            "Thanks god! Why you took so long..." baritonong boses ang naulingan niya. Nangangatal na sinagot niya ito, may kakaibang dating sa kanyang pakiramdam ang tinig nito.

            "Who's this?" Batid niyang hindi si David iyon.

            "Huh you can't even recognize me...." Napasinghap siya ng makilala niya ang boses nito.

            "Bernard...Mayor.... its that you?"

            "Why? Ba't naging Mayor na ako sa'yo ngayon...Its better Bernard na lang.."

            "Okay..P-paano mo nalaman ang number ko?" Naitanong niya pa, katangahan niya talaga, natural ang daling sagutin non, sa pinsan niya syempre, iyon ang pinakamalapit na source ng binata..

            "Huh don't matters anymore, why you took so long sweetheart... naka ilang tawag na ako kanina sayo are you busy?"

            "Ahh g-ganon ba...naliligo kasi ako, kaya hindi ko namalayan." Nag sta- stammer na sagot niya. "B-Bakit ka nga pala napatawag?" pwe... ano ba ito nabubulol na siya at masyado siyang explainable rito.

            "I miss you that's why... anong ginagawa mo?" God...mangani-ngani niyang sabihin ritong Ganon rin siya, na Miss niya ito ng sobra.

            "Ahh..." Iyon lang ang naisatinig niya.

            "Sweetheart...can you go outside? Kanina pa ako nandito sa labas baka gusto mo akong dungawin sa bintana." Natataranta siya ng marinig na nasa labas ito.

            "What! Anong ginagawa mo d'yan?" agad niyang hinango ang kanyang curtain at sinilip ito kung nanadoon nga ito. Naka-upo ito sa isang motorsiklo, kung hindi siya nagkakamali Harley Davison ang tawag sa ganoong uri ng motorsiklo nito. God... anong gagawin niya.

            "Sweetheart huwag mong sabihing tatayo ka lang over the window at sisilipin mo 'ko, mula rito." Narinig niyang sabi nito na nakamasid sa  bintana ng kanyang silid. "Can you go down...for a while.."

            "No...yes...T-Teka-teka muna.." Mabilis niyang binaba ang cell phone at hinablot ang kanyang  Roba at mabilis na isinuot iyon. "Okay baba na ako." Narinig niyang napahugot ito ng malalim na hininga.

Siya na mismo ang nag abort ng call nito sayang na sa load kung patuloy niya pa itong kakausapin eh, pupuntahan niya nga naman ito. Ilang saglit pa binabagtas na niya ang hagdan, mabilis ang kanyang mga hakbang at  tinalunton ang pinto. Tanaw sa kanilang trangkahan ang kinalulugaran nito, nasa kabilang kalsada naka park ang motorsiklo nito. Nakatayo na ito at papalapit sa munting gate nila.

Take A Chance (COMPLETE)Where stories live. Discover now