Chapter 1

71 5 0
                                    




"HEY! Son wake up..." Gising niya sa kanyang Six years old boy, sabay tapik sa p'wet nito.

"Hmmm Mommy I'm sleepy..." nag rereklamo nitong sabi, sabay talikod muli nito sa kanya.

"Bumangon kana, diba may pasok ka na now it's a first day of school, I took you are excited. Hmmm..." Sabay kiliti niya dito nagtitili ito at nagrereklamo.

"No! Mom.... no no pls...babangon na ako." Humahagikhik na sabi nito.

Sa ganoong paraan niya na papabangon ito at kung hindi niya gagawin iyon siguradong malalate ito.

"Okay drink your milk baby... ready na ang breakfast mo, maliligo ka pa dadaanan ka dito nang Tito Joel mo." Habang hawak-hawak niya ito patungo sa komedor.

"Mom I won't go to school if you don't go with me," Sabi nito

"Okay-okay I'll go with you na, since this is the first day of your class sasama na ako but not tomorrow. Napag-usapan na natin ito diba, masasanay ka rin naman, you can find new friends and classmates." Tumango na lamang ito sa kanya.

MAG dalawang buwan na silang mag ina dito sa Davao City. Napagdisisyon siyang dito na lang sila manirahan. Nagkataon naman na nandito nakapag-asawa ang kanyang pinsan. Mahirap mag adjusts nong una, lalo na silang mag-ina lang, mabuti nand'yan ang Ate Jo niya. Nong mga unang buwan nila sa pinsan niya sila tumuloy, ang balak talaga niya ay bakasyon lang.

Ngunit naisip niya kung babalik pa sila nang Manila baka makuha sa kanya ang anak niya. Napabuntung hininga siya nang malalim, kahit anong mangyari hindi niya ibibigay si Dave. Almost four years na silang hiwalay nang kanyang dating asawa, nakapag filed kaagad siya nang annulment dito. Ms. Michelle Esteves na uli siya ngayon. Hindi na naka-kabit ang apelyedo nang asawa niya, dati-dati gustong-gusto niyang pakingan ang Mrs. Michelle de Vera. Magmula nang ma-annulled siya muli niyang inasikaso ang kanyang mga identification card, pinapalitan niya agad ang apelyedong dala-dala niya, may mahigit dalawang-taon na din niyang pinagtiisan ang pagiging de Vera.

Kaya sila nag-alsa balutang mag-ina. Pinipilit na naman nang dati niyang asawa na bumalik at makisama siya dito. Kahit pa pinagbabantaan siya nitong huli, pag hindi siya bumalik kukunin nito ang bata at pilit ilalayo sa kanya. Kilala niya ito, pati ang dati niyang mga byenan, mga kunsintidor ito pag dating kay David.

Ngunit sa pagkakataong ito, kahit anong pananakot at pagbabanta ang gawin nito sa kanya ay hindi na siya makakapayag pa na bumalik muli, ayaw na niya, tahimik na ang buhay niya. Hindi siya ganon katanga para kumuha nang batong ipupokpok niyang muli sa kanyang ulo. Over my dead body, sarado na ang isip niya para dito. Kumbaga sa ibon, naka-alpas na rin siya sa pagkakakulong nito at pagkakatali rito.

Siguro na realize nito na wala na itong makatagpo tulad niyang bulag at naging sunod-sunuran dito noon. Hindi rin siguro tumagal ang pagsasama nang kinakasama nito. Closed Book na si David para sa kanya. Ngunit para dito parang walang nangyari, unti-unti naman itong bumabalik sa kanila. At nagpapahiwatig pa ito na ilalayo sa kanya si Dave kung hindi siya muling makikisama dito.

Natatakot siyang baka ilayo nga sa kanya si Dave lalo't malimit nitong hiramin ang bata sa kanya. Noong huli nitong hiniram ang anak niya magdamag halos nasa kanya ang kanyang anak halos hindi siya nakatulog dahil hindi nito inuwi maghapon ang anak niya.

Baka tutuhanin nito ang banta sa kanya kahit pa na nagkaroon sila nang agreement tungkol sa bata, ngunit sarado ata ang isip nito sa mga ganong kasunduan. Kaya ito silang mag-ina nagpakalayo-layo para makaiwas dito. Batid niyang mali ang ginawa niya dahil kahit papano may karapatan pa rin ito dahil ito ang ama nang kanyang anak.

Mabuti na lang likas na matalino ang anak niya at sa murang kaisipan nito naintindihan nito ang nangyayari sa kanila. Bukas na libro sa kanyang anak ang tungkol sa kanila nang Daddy nito kaya hindi siya nahihirapang magpaliwanag dito kahit nasa murang gulang pa lang ito.

Take A Chance (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon