LTD. 11

1 1 0
                                    

CHAPTER 11
"Notes"

ALEYA

Ako si Aleya. Isang nerd. Mataba. Cold sa stranger, laging naka-poker face, pero palangiti pagdating sa tamang tao. Sa mga kaibigan ko.

"Bes tara na! Nandyan na ang ENLI8EN!" ,aya sa akin ng isa kong kaibigan na si Seya. Hindi iyan matino. Mukha lang inosente at introvert nung una. Pero hindi talaga. Sinong mag-aakalang kaya pala hiyang-hiya sa noon sa party dahil isa siyang fan?

"Ayoko, gagawin ko pa itong activity natin sa english!" Angal ko naman. Sinimangutan niya ako.

"Kung bakit ba kasi hindi mo iyan ginawa sa apartment niyo," she said, at pinakawalan na ang braso ko.

"Nakalimutan ko eh," I answer. Di ko naman talaga nakalimutan, sinadya kong hindi gawin. Tinamad kasi ako.

"Alam mo dahil diyan, di mo makikita ang ENLI8EN," saad niya. I give her a -are u serious look-.

"Kaklase ko ang pitong iyon sa ibang subject, kaya ayos lang na di ko makita ang magarbo nilang pagpa-" di ko na natapos ang sinasabi ko ng maghiyawan habang tumatakbo pababa ng building ang mga batch mate namin at iba pang mga studyante. Pagtingin ko naman sa kausap ko. Ayun wala na. Nakitakbo na rin.

Kala mo naman artista yung makikita. Self, artista ang ENLI8EN diba. Celebrity. K-pop idol. At andito ka sa Korea. At schoolmate slash classmate mo sila. International student ka diba.

Sigh.....

Mag-isa na naman ako sa classroom. Andun lahat sila eh, nasa baba at sinasalubong ang ENLI8EN. Nanalo kasi sa mga music show yung bago nilang comeback. Palibhasa wala pang mga prof at nakalimutan ata ng mga studyante na college student na sila. Correction, nasa SNU kami. Tsk.

Napailing na lamang ako at pinagpatuloy ang paggawa ng activity. Minutes pass at unti-unti na akong nakakarinig ng ingay. Palakas ng palakas. Palapit ng palapit. Papasok na pala sa room sina Heero. Rinig na rinig ko ang boses ni Suho.

Anyways, i just ignore them. Di naman ako nandito para magpaka-fan girl sa kanila. Andito ako para mag-aral. Oh self? Baka nakalimutan mo na nag-play siya ng gitara in front of you last last last night? Manahimik ka utak!

At pumasok na nga sila. Nangunguna sa Niko na umupo agad, next si Suho, Jaewon, Jaz, Seohun, Jale at si Heero ang huli, kasabay ang proffesor namin na panay ang congrats sa kanila. Then ang mga kaklase ko na pinapangunahan ni Seya. Sabi ko sa inyo eh, di talaga yan mahiyain. Tingnan mo, after masanay dito sa SNU, ayan na siya. Ang extrovert ng sobra.

I notice Jax looking at me and I returned it with a cold face. Nag-iwas na lang siya ng tingin. Lagi ko naman yang nahuhuli na nakatingin eh, since nag-first day ko dito. I wonder why.

BREAK TIME.....

Andito ako ngayon sa rooftop, kasama si Seya, Yejin, at Nayeun. Sila ang tres marias kong kaibigan. Lahat sila malalaki ang hibol. Maling mali pala ang first impression ko sa kanila. I thought, they are all introvert. Saksakan pala ng pagka-extrovert.

"Ang gwapo talaga ni Jax," nagd-day dream na sabi ni Seya. I remember his glance.

Yeah, gwapo nga. Eh ano naman ngayon.

"Ang hot ni Heero, yung buhok niya parang dagat ang kulay, ahhh! Sana ako na lang ang maging future girlfriend niya," at nangarap na nga si Nayeun.

I shake my head in disgust.

"Lalo naman si Jale, he nailed his part on their comeback!" Asik ni Yejin na half american at half korean.

Haist. Bakit ba baliw ang mga ito sa ENLI8EN.

Living the Dream (an idol's fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon