LTD. 19

1 1 0
                                    

CHAPTER 19
"Interview ft. Yojun"

ALEYA

     Left. Right. Left. Right. Left. Right.

    Tengenu!

    Di ko na alam ang gagawin ko! Nagdadalawang isip ako kung pupuntahan ko ba ang ENLI8EN sa dance practice room ng department nila o hindi eh.

   Bakit ba kasi ako hah! Nakalimutan na ba nila yung article? Pano ba naman kasi. Sabi ni Seya, sabi daw nina Jax ay pumunta na lang daw ako sa practice room sa Thursday para dun sila mainterview.

   Eh THURSDAY na po kaya ngayon!

    Ahhhhhh! Natutuliro na ako! Letse kasi eh!

   Kaya eto ako ngayon. Tulala na nakatingin sa A5 korean notebok ko. Andun kasi lahat ng tanong na pinagisipan ko. Oo pinagisipan ko talaga ang mga itatanong ko sa kanila.

   I even asked Trisha. At ang gaga, wala akong matinong sagot na nakuha.

Flashback~~~~

   Nag video call ako sa cellphone ni papa para mangumusta. Fast forward sa part ni kapatid.

  "Oy, patulong naman oh,"

  ("At bakit naman? Busy ako," ) she answered. Kahit kailan talaga tamad toh. Taray eh.

   "At ano namang ginagawa mo? Mas importante pa ba yan sa akin?", tinarayan ko din. Kala niya hah.

("Of course. I'm currently streaming ENLI8EN recent comeback. Past the Mic embe,") saad niya pa at ngumuso.

    Pinakita niya yung laptop na binili ko dito. Pinadala ko yun na una sa balikabayan box. Kailangan na daw niya eh. Oo nga pala. Kaya nga pala pinaiinterview sa akin ni Seya ang ENLI8EN kasi nag comeback na ulet ang mga yun.

   Sisipag eh. Masyadong dedicated sa trabaho.

   Sa inis ko. Pinakita ko yung album na bigay ni Heero.Natameme siya.

  ("Ate! Saan mo yan nabili! Akala ko ba tigil ka na muna sa pagpapaka fan girl diyan! Ayieee. Di maka moveon kay Jax,") asar niya.

   I rolled my eyes.

   "May sinabi ba akong mag m-moveon ako? Di uso sa akin yun," anas ko at sabay kaming tumawa. Itinigil ko lang naman kasi ang pagka-fan girl. Pero move on? Ngayon pa na kaibigan ko sila? Malabo ata.

  ("Di nga ate, san mo yan nabili, sana all!",)

  "Sa tindahan hahahhaha," inirapan niya ako.

"   Deh, joke lang. Basta wag kang magugulat sa isiswalat ko hah,"

   Bigla siyang umayos ng upo at halatang excited sa sasabihin ko.

   ("Oo na, ano na naman yun. Dali! Spill the tea!")

I sigh.

   "Kaklase ko din ang ENLI8EN  dito sa school namin,"

   Napanganga siya. Nanlaki pa ang mga mata.

   ("Kyaaaaahhhhhhhhh!")-siya.

   ("Eh! Hindi nga!",)
Abat.

   Ayaw talagang maniwala ah. Tumango ako.

   "Hindi ko binili itong album. Bigay yan sa akin ni Heero,"

Living the Dream (an idol's fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon