LTD. 16

1 1 0
                                    

CHAPTER 16
"Shopping"

ALEYA

   "Ma, bakit ngayon lang kayo sumagot sa tawag ko? Bakit kayo nasa police station kanina? Anong nangyari ma?",

  "A-ah. Pinasok kasi ng magnanakaw yung bahay natin kagabi,"

  "May nanakaw po ba? Ano? Ayos lang po ba kayo diyan?",

  "Oo, ayos na kami. Saka, nakakulong na yung mga pumasok sa bahay natin kagabi,"

  "Wala po bang nawalang gamit? Dapat nag-chat man lamang kayo sa akin. Pinag-alala niyo ako ng sobra!",

  "Sorry naman. Busy kami dito eh. Ayos lang kami. Sige na. May aasikasuhin lamang kami ni papa mo,"

  "Wait ma—",

   Napasabunot ako sa buhok ko ng maalala yung usapan namin ni mama kagabi. Buong maghapon nila akong iniwasan online tas pagdating ng gabi kung kailang patulog na ako eh saka sila tumawag.

  Tsk. Pinasok pala ang bahay namin kagabi kaya sila nasa police station. Nakahinga naman ako doon ng maluwag. People this days. Kahit kaninong bahay ay hindi pinapalampas.

   I get up on my bed and took a shower. Pagkatapos ay inayos ko ang aking sarili dahil lalabas ako ngayon. Mamimili ako ng ilang mga gamit na aking ilalagay sa balikbayan box.

  For the first time, magpapadala ako ng balikbayan box sa pamilya ko. I'm excited. Excited na punuin ng mga pasalubong yung box. Malaki pa naman iyon.

  Well, it's Sunday. May tutor lesson ako mamaya with VXV. Pero di ko muna yun iisipin. Mamimili muna ako ngayon ng gamit. Foods, shirts. Shoes. Pinag-ipunan ko talaga ito dahil alam ko na mahal ang mga bilihin dito.

  The first place I will go is in the mall. Doon ako bibili ng damit, sapatos at bag para sa kanila. Para original. Kakasawa na din naman na magsuot ng mga damit na bigay ng iba. Na pinagsawaan ng iba. Na inayawan ng iba.

  Buong buhay ko eh panay mga bigay ang mga gamit ko. Para tuloy na walang kakayahan ang pamilya ko na bumili ng sariling gamit. Tsk.

   I arrive at the mall and the first store I entered is the shoe store. Di ko alam kung anong tawag dito sa kanila pero ang tatak ng sapatos eh Nike. I will buy 3 pair of rubber shoes. Para sa dalawa kong kapatid at kay papa.

  "Good afternoon Ma'am, what can I do for you?", tanong sa akin nung sales lady na lumapit. I think she finally notice that I'm just staring at the shoes.

  "Ah, where are the shoes with the size of 43, 40 and 38?", I asked. Nakakalula kasi itong loob. Kaliwa't kanan eh may sapatos. Ngumiti sa akin yung babae.

  "This way ma'am," she answered.

  Sumunod ako at tumigil kami sa tapat ng mga rubber shoes. Napa-ow ang bibig ko dahil sa magaganda ang klase ng mga sapatos. Feeling ko gusto ko na ding bumili para sa sarili ko.

   Kinuha ko yung kulay black. Dalawang black at isang puti.

  "I'll buy this," saad ko at nakangiti naman ang babae nung kinuha sa akin yung mga sapatos para ilagay sa kahon.

Living the Dream (an idol's fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon