LTD. 14

1 1 0
                                    

CHAPTER 14
"Family Conflict"

TRISHA

   Hindi ko alam kung paano ko ipapasok sa utak ko ang lahat ng narinig ko kay Ate kanina. Ayaw niyang mag-process! But that's not the point! I mean, I already know what, how and why but still, it's unbelievable!

  Wala na sa akin ang cp dahil kinuha na ito ni mama. Kausap niya si Ate. Ako  naman ngayon eh gumagawa na ng assignment. Pero hindi ko naman masimulan dahil sa nalaman ko mula kay Ate!

  Ate naman kasi eh! Self, kalma. Kalma lang ano ba! Eh ano naman ngayon kung kaibigan niya ang VXV, SilverKrest at ENLI8EN? Wala ka namang konek doon eh.

  I sigh and focus in answering my assignment. Math. Sakit sa ulo. Lagi ng hinahanap si x gamit ang y. Tsk.

   "Aleya, kailan ka...magpapadala? Gawa ng wala na talaga kaming budget ni papa mo eh," rinig kong saad ni mama sa loob ng kwarto. Kausap niya pa rin si ate.

  I glance on our tumbler where we put the rice grains. Sa curious ko eh tumayo ako at tiningnan iyon. Wala na pala kaming bigas, kaya pala sabi ni mama kanina ay huling saing na daw yung sa hapunan. Kung ganon, wala kaming binalot bukas.

   ("Unang sahod ko po ma bukas dun sa art academy kung saan ako nag-substitute teacher tuwing gabi. Bukas po, magpapadala po ako,") agad namang sagot ni Ate. Natahimik si mama saka bumuntong hininga.

  "Hindi na namin alam ni papa mo ang gagawin dine eh. Balak na ni papa mo na umuwi sa Laguna para doon tumira," natigilan ako sa sinambit ni mama.

   Bakit kami aalis dito?

  ("Bakit naman po ma? May nangyayari na naman ba diyan sa atin?",) Ate asked, sound serious.

   "Yung mga katrabaho ni papa mo, pakiramdam ni papa mo eh naiinggit," I blink and blink and blink because of what I hear.

  Naiingit? Bakit naman? Wala naman silang dapat na kainggitan dine sa amin eh.

  ("Inggit? Anong ikaiinggit nila sa atin ma? Ni hindi nga tayo mayaman eh. Lakas naman ng topak ng mga yun,") reaksyon ni Ate. Napatawa ako ng bahagya sa reaksyon niyang iyon. Topak talaga?

   "Makinig ka muna kasi sa sinasabi ko," inis ng sambit ni mama. Ate become quiet.

  "Diba pinababantayan kay papa mo itong lupa at taniman na tinitirikan ng ating bahay. Diba nag-ani kami bago ka pa pumunta diyan," umpisa ni mama.

  ("Oh? Tapos po?",) Ate asked.

  "Nung nag-ani kami, hindi sila pinatawag ni Engineer Montecarlos para mag-ani din. Pagod na pagod kami ni papa mo noon kasi kami lang yung nag-asikaso nitong farm,"

  Naalala ko nga iyon. Personal na pinuntahan ni Engineer Montecarlos si papa nung gabi bago ang anihan. Si Engineer ang may-ari nitong lupa at farm na binabantayan ni papa.

  Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila dahil usapan nga ng matanda iyon.

  ("Opo, naaalala ko pa po iyon. Eh bakit nga po pala kayo lang ni papa ang nag-asikaso?",) Ate asked. Ako din. Curious lang naman.

  Humina ang boses ni mama.

  "Nung kasing nakaraang ani, kalahati lamang ang napapuntang ani sa mga pinagbentahan ni Engineer. Sabi nung ibang tauhan niya ay bulok daw o may sira yung iba, pero hindi naman. Kinuha ng mga trabahador at iniluwas sa Maynila at ibinenta. Siyempre, kanila na yung pera,"

  Otomatiko akong natigilan. Pagnanakaw yun ah.

  ("The heck ma! Pagnanakaw yun!",) reaskyon ni ate sa mahinang boses.

Living the Dream (an idol's fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon