LTD. 20

1 1 0
                                    

CHAPTER 20
"Friendship"

TRISHA

   "Nasabi mo na ba kay Ate Aleya yung patungkol sa project natin? Exam na natin next week," paalala sa akin ni Kyle habang kumakain kami ng lunch.

  I sigh. Hindi ko pa din kasi nasasabi kay Ate. Napre-occupied ang isip ko nitong nakaraang araw dahil sa nangyari sa amin. Isama pa yung mga marites na taga dito sa amin.

  Umiling na lamang ako at sumubo ng kanin.
  "Ano ng nangyari sa inyo? Alam mo na...yung sinasabi nila," mahina nitong sambit sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Bilis talaga ng radar niya sa ulo eh.

  "Nakulong. Yun. Matibay ang ebidensya na ipinakita namin," simple kong sambit. Ayoko talagang mag-kwento. Sa totoo lang. Mabilis kong inubos ang pagkain ko.

  "Sa tingin mo, mananalo kaya tayo sa botohan?", tanong ko sa kanya. Nagkaroon kasi ng botohan kanina dito sa amin. Parehas kaming lumaban as officers. Siya sa SSG Grade 8 representative, ako naman eh sa BKD. Kontra Droga group. Basta. Yun na yun. Representative din ang sa akin.

   He frowned.

  "Yun na nga eh. Ang sisikat ng mga napatapat sa ating kalaban. Kagagaling pa magsalita nung mangampanya tayo. Para akong poste noon eh sa kakabahan," napatawa ako sa sinambit niya.

  Naalala ko ang sarili ko noon. Hindi ako makatingin sa mga studyante dahil sa nakakahiya. Lalo na nung napatapat na kami sa section ni Kuya. Tingnan ba naman ako at ngisian. Sinong makakapag-focus doon hah!

  "Hayaeh na. Baka magdiwang pa ako kapag natalo ako," nakangiti kong saad. Talagang magdidiwang ako pag natalo ako. Ayoko naman kasing tumakbo as officer. Napilitan lang talaga ako.

  Itinago ko na sa aking bag ang aking binalutan. Tumunog ang cp ni mama na hiniram ko ngayon dahil sa isa naming activity. When I open it, I read a message from LBC? Ano yun?

  You're balikbayan box is already been ship from Seoul, South Korea to the Philippines. We will message you the date we will deliver it. Thank you.

  Nanlaki ang mata ko dahil sa nabasang BALIKBAYAN BOX. Napa-face palm pa ako. OMG! OMG! Nagpadala na si ate! Kyle frowned and snatch the phone from me. Nanlaki din ang kanyang mata.

  "Sana all naman! Pahingeng chocolate hah!", he mumbled and laughed. I rolled my eyes. Basta pagkain, di niya papalampasin.

  "Wala pa nga diba," saad ko na lamang at itinago ang cp sa bag.
For the first time, magpapadala si Ate ng balikbayan box. Ano-ano kaya ang laman noon?

   "By the way, wala daw tayong pasok bukas. Dahil sa bagyo, tara mag-party! Walang pasok!", he exclaimed. Nagulat naman ako sa kanya pero tumawa na lamang. I look outside the clouds. Ang dilim na nito. Mukhang uulan. Wala akong dalang payong. Malas.

   ALEYA

   
 

   "Wow, linis ah. Sipag naman," puna ni Seya ng pumasok sa apartment ko. Kakabalik ko lang galing sa paga-asikaso ng balikbayan box. At eto agad ang bumungad sa akin.

     "Ako na ang magluluto! Tara Aleya!", aya ni Yojun sa akin. Nandito ang buong VXV sa apartment ko. Kasama ko sina Seya, Nayeun, at Yejin. Paano nga ba sila napunta dito?

Living the Dream (an idol's fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon