Chapter 2

32 12 65
                                    

  ITHA : Chapter 2

 

The beautiful scenery in front of me was breathtaking.

Sunrise will always be a sign that I can overcome the darkness every night.

Tumayo ako at isang sulyap ang buong paligid. 

The day had past in everything is pleasantly.

Ganon pala talaga ano?

Wasak o nasaktan ka man ng kahapon meron paring bukas na maaring okay ka at masaya.

Hadex cheer me up after that accident. Nalaman daw niya kase kay Ellaine na inatake na naman ako ng pagkatakot sa kadiliman ng gabi.

Pero OA naman niya.

"Ayos ka lang ba?! Bakit ka kase tumuloy o isama man lang ako? Mahirap ba 'yon... Sana nag text ka na 'Hadex busy ka'ba samahan mo naman ako ohh. Bibisitahin ko lang si Papa ' o 'di kaya ' Hadex samahan mo'ko' pero hindi pumunta ka mag isa? Paano kung may nangyare masama sa'yo! Talagang nag pa gabi kapa!"
Tumayo ako sa kinauupuan ko at tiningnan siya na may bahid natatawa sa kanya.

Ang OA grabe daig pa siya ang tatay ko kung maka sermon.

Wala nga nasabi si Mama tapos siya meron?

Bwesit naman itong nag kamot ng ulo at umupo kung saan ako kanina.

"Tawa pa, Ylave. Mukha ba akong nakikipag biruan sa'yo,"

Okay, tahimik na lang naman ako.

Baka umalis pa ito. Hindi pa naman ako marunong mag suyo.

"Ano ba gusto mong gawin ko ha, Hadex? Pinuntahan ko lang si Papa nagkataon lang na hindi ko namalayan ang oras. Kaya kalma...Hadex...kalma," Sabi ko pa at sinabayan ng kumpas ng kamay.

Lalo ito bumusangot sa ginagawa ko.

Hindi ito umimik at tinitingnan lang ako.

"Seriously Hadex? Hindi pa ba ako okay sayo? Nakatayo, nag sasalita at higit sa lahat maganda...."
Tiningnan ko siya ng nakangiti.
Pero galit parin ang mukha nito.

Aba teka.

Nilagay ko ang kamay sa pisngi at binanat ko iyon kung saan mapapangiti siya.

"Stop that! Ang pangit mo Ylave,"

"Ay wow, gwapo ka ba?" Inis kong tinigil ang ginagawa at bumaling sa harap pero muntik na ako mahulog ng napag sino ang nasa kabilang Teresa na naka tapat saking kwarto.

Masama ito nakatingin saken at parang may sinasabi ang mata nito. Na hindi ko naman maintindihan.

Kanina pa ba n'ya kami pinagmamasdan?

Nakita n'ya ba ginagawa ko?

Maano naman kung makita niya?

Inirapan ko ito at tinalikodan s'ya.

Kahit siya nag ligtas saken ay hindi magbabago ang nararamdaman ko sa kanya.

Poot, at inis para sa kanya.

"Kung sinama mo'ko, walang naging problema."

"Awan ko sa'yo maghanap ka na lang ng iintindi sayo. Paulit-ulit sabing okay na ako."

Aalis na sana ako ng pinigilan niya ako sa braso ko.

"Be safe always Ylave alam mo naman na ayaw kung may mangyare masama sa'yo," Inalis ko ang pag kakahawak niya ng may naramdamang nakatitig saken o sa kasama ko. At alam ko kung sino ito.

Impervious to his actionWhere stories live. Discover now