Chapter 21

4.6K 105 18
                                    

Sunod-sunod ang araw na naging abala siya sa restaurant lalo na dahil sa pagdating ng inaasahan nilang sikat na influencer kaya kailangan ng paghahanda at ang catering sa susunod na linggo kung kailan ang kaarawan ng panganay na Lazcano. Nawalan na siya ng oras para pagtuonan pa ng pansin ang hindi pagpaparamdam ng lalake sa kaniya. Kung sa mga nakalipas na araw ay nakakatawag pa ito ngunit sa mga sumunod ay hindi na, kahit simpleng text ay wala.

Wala naman siyang inaasahan na kung ano sa lalake dahil wala naman siyang karapatang magreklamo. Una sa lahat ay alam niyang wala namang espesyal sa kung anong namamagitan sa kanila.

Lust.

Iyon ang salitang dapat gamitin para ilarawan ang kung anong mayroon sa pagitan nila.

"Good morning, Miss Azari."

Naputol ang kaniyang malalim na iniisip nang marinig ang boses ni Daisy, mabilis siyang tumingin sa gawi ng babae.

"Good morning, Daisy." she greeted back and continued what she's doing.

"Maaga po ba kayong uuwi ngayong araw?"

Umiling siya. "We still have a lot of things to do kaya baka gabihin na naman ako rito. Ngayon pa naman naka-schedule ang food tasting para kay Mrs. Lazcano." mahaba niyang pahayag.

"Uh, Miss. Someone called a minute ago, he said he's your father daw po. Gusto sana kayong kausapin pero binaba niya ang tawag."

She stopped from signing and gazed at her. "Ano pang sinabi niya?"

"He's inviting you for dinner daw po at exactly eight dahil darating daw po ang kapatid niyo mamayang tanghali."

Nagtaka naman siya agad. Ang akala niya ay dalawang buwan pa sa London ang kaniyang kapatid kaya 'di niya naiwasang hindi ma-intriga kung ano ang dahilan ng pag-uwi ng babae.

"Strange." komento niya at binaba ang hawak na panulat. "Ang sinabi mo?"

"Sinabi ko pong makakarating sa inyo."

Huminga siya ng malalim. "I'll just call him later." tanging saad niya.

"Ano pong gusto niyong lunch mamaya, Miss?"

"Don't bother, I'm not hungry and I have lot of things to do." medyo pagod na boses niyang anas. "I still need to review these reports. " tukoy niya sa papeles na nasa harapan niya na kailangan niyang suriin ng mabuti katulad nalang ng billing reports and sales reports that are really important to be checked everyday.

"Sige po, Miss. Sabihan niyo nalang po ako kung may kailangan kayo."

"I will. Thank you, Daisy." ngiti niya.

Akmang aalis ang babae ngunit may naalala siya bigla na kanina pa niya hinahanap.

"Wait,"

"Bakit po?" she immediately responded.

"Nasaan nga pala 'yong CRM? Kanina ko pa kasi hinahanap sa mga drawer dito pero hindi ko makita."

"Nasa desk ko po, kunin ko lang po saglit." paalam nito at umalis.

Nang makabalik ay maingat na nilapag ang kulay itim na folder kung saan nakapaloob ang hard copy ng CRM ng restaurant, kung saan din nakalagay ang ilang important details about their loyal customers. Inabot naman niya ito at hinila palapit sa kaniya upang tingnan ang mga bagong nailagay ng babae.

"I need to get the soft copy of this one," aniya at binaba ang folder.

Bahagya siyang umatras at hinila ang kaniyang drawer pagkatapos ay kinuha ang flash drive na naroon, inabot niya rito na agad namang kinuha mula sa kaniyang kamay. Bumalik ang atensyon niya sa pagbabasa ng mga detalye at natigilan siya nang makita ang ikatlong pangalan ng customer.

Vengeance Seized Soul (Complete)Where stories live. Discover now