Chapter 30

4.9K 155 16
                                    

"I am sorry if I didn't tell you earlier, anak. Hindi lang ako makahanap ng tamang tiyempo na sabihin sa'yo ang plano ko." puno ng sinseridad na paliwanag ng kaniyang tiyuhin habang pinagmamasdan nila ang lupaing puno ng iba't-ibang klaseng magaganda at makukulay na mga bulaklak.

They were sitting and drinking coffee at the front yard of her uncle's mansion, a perfect spot for them to see the breathtaking view of the flower farm.

Chris Silguero owns two hectares of land and a huge mansion in their province, that's what he was known for. He's indeed a good and wise businessman at hindi siya magtataka kung bakit mahusay ang kaniyang ina pagdating sa paghawak ng negosyo no'ng ito'y nabubuhay pa na namana rin niya.

Mabagal niyang binaba hawak na tasa. "You don't need my permission, Uncle. I don't have the rights to stop you from anything you want to do with your properties. I only live here temporarily in the first place, sinabi ko naman po sa inyo dati pa. Time and peace of mind ang kailangan ko noon para kay Calli at sa sarili ko na nakuha ko naman dito dahil sa tulong niyo." nakangiti niyang sagot. "Ayoko rin namang habang buhay kong i-asa sa inyo ang mga naiwan ni Mommy sa akin. It's my responsibility kaya kailangan kong bumalik."

Natupad ang inaasahan niyang pagdating ng lalake dahil sa sumunod na araw ay dumating nga ito at agad siyang kinausap patungkol sa balak nito. Hindi man naging masiyadong malinaw ang rason ay alam niya sa kaniyang sarili na maiintindihan niya kung ano man ang desisyong gagawin nito.

Hindi niya maintindihan kung bakit ang laking bagay para rito na malaman niya ang desisyon nito sa lupa.

"Alam kong hindi ka pa handang umalis, Azari." lingon nito sa kaniya.

Bumagsak ang tingin niya sa kaniyang kamay na nasa lamesa. "I am already fine, hindi ko naman puwedeng kulungin ang sarili ko sa mga nangyari noon." sinipat niya ito. "And I know you're there to guide me and my daughter."

He smiled at her genuinely. "Nandito lang ako palagi kung sakaling kailangan mo ng tulong o kausap man lang."

"I need a father," she kidded.

"You are my daughter." he stated as his eyes narrowed and took a sip on his cup of coffee.

Natawa siya ng mahina ngunit mabilis ding naglaho nang may biglang maalala.

"If you're planning to sell the land then paano naman po si Mang Ino at ang mga kasamahan niyang nagta-trabaho sa farm? Mawawalan po sila ng hanap-buhay kung gano'n?" she asked full of concern.

"Iyan din ang isa sa mga problema ko," buntong hininga ng lalake. "Ayaw ko rin namang bitiwan ang mga ari-arian ko rito pero 'yon ang gusto ng pinsan mo."

"Si Nirvana ang may gustong i-benta ang farm?"

"Oo, anak. Gusto niyang sa Maynila na ako manatili kasama ang Tita Cynthia mo para maalagaan at mabantayan niya raw kami kasama ng mga kapatid niya. Naiintindihan ko rin naman dahil tumatanda na rin ako at mahina na kaya kailangan ko rin ng pahinga."

Para sa kaniya ay naiintindihan niya ang gustong mangyari ng anak nito pero hindi niya maiwasang mag-alala at malungkot para sa mga taong matagal nang nag-trabaho sa lalake.

"That means you will permanently leave? Hindi na kayo babalik dito?" malungkot niyang tanong.

"Hindi natin alam but we'll see. Baka magbago rin ang desisyon ng batang 'yon at maisipan pang ibalik ang lupa."

Bumalik ang tingin niya sa magandang tanawin na kanina pa niya pinagmamasdan. "You need to talk to your workers about it, specially si Mang Ino. I know they will understand your decision, you just need to explain everything."

Vengeance Seized Soul (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon