Chapter 28

4.5K 113 10
                                    

"That's not true. You're lying to me, Ayara. You're just saying that para layuan ko si Gregor" hindi naniniwala niyang anas.

May kung anong kinuha ito mula sa loob ng dalang handbag at nilahad sa kaniyang harap. "See these ultrasound images of my baby."

Tuluyan siyang nawalan ng lakas. Nanginginginig ang kaniyang kamay na tinanggap ang envelope at binuksan, nilabas niya ang laman no'n at tiningnan ang ebidensyang buntis nga ang kaniyang kapatid.

Nanghihina siyang nag-angat ng tingin kasabay ng pagbuhos ng kaniyang luha.

"I-I am pregnant too, Ayara."

Dumaan ang galit sa mga mata nito at walang awang binawi ang envelope. "Get rid of your baby."

Umawang ang labi niya. "A-Ano?"

"Abort the baby."

"I won't!" galit niyang sagot. "At hindi ko gagawin ang bagay na 'yan dahil lang sa'yo—"

"You will. You know Gregor loves me at kapag nalaman niyang dala-dala ko ang anak niya ay alam mong ako ang pipiliin niya kaya mas mabuting ipalaglag mo ang bata, hayaan mo na kaming dalawa. Kung gusto mong bumawi sa pagsira mo sa relasyon naming dalawa ay aalis ka at hahayaan mong bumalik siya sa akin."

Para siyang sinamsampal sa tuwing naalala niya ang mga sinabi ng babae bago ito umalis. Kung iisipin ay totoo ngang mahal ito ni Gregor kaya walang-wala siya kung papipiliin ang lalake sa kanilang dalawa.

He will choose her.

"Makasarili ka! You just want everything to yourself kahit nakakasakit ka na sa ibang tao! You are selfish, Azari! Isa kang sakim!"

Paulit-ulit na tumatakbo sa utak niya ang mga binitawan ng kaniyang kapatid. Mapakla siyang tumawa at uminom mula sa basong may lamang tubig na hawak niya, kasabay ng paglandas ng luha mula sa kaniyang mga mata.

Tinatanaw ang madilim at walang hanggang karagatan mula sa bintana ng kaniyang kuwarto, nakabukas ito kaya ramdam niya ang paghampas ng malamig na hangin sa kaniyang balat. Bahagyang tinatangay nito ang kaniyang mahabang buhok at ang suot niyang puting seda, tinutuyo ng hangin ang kaniyang luha ngunit laging may panibagong lumalandas sa kaniyang magkabilang pisngi.

"Azari!" malakas na sigaw ng boses sa kaniyang pangalan.

Napatingin siya sa may pintuan ng kaniyang silid nang marahas itong bumukas at humampas sa pader ang seradura na naging dahilan ng malakas na ingay, marahan niyang binitawan ang hawak na wine glass sa center table at hinarap ang taong walang sabing punasok. Her father was looking at her furiously, breathing hard and clenching his hands na para bang handang-handa na siyang saktan dahil sa galit na nakikita niya sa mga mata nito.

She wasn't shocked at all dahil inaasahan na niyang makakarating ang naging usapan nila ni Ayara sa kanilang ama.

"Is it true?" his voice was full of danger, urging her to tell the truth.

Kahit alam niya kung ano ang tinutukoy nito ay pinili niyang 'wag sagutin at mag-maangan.

"A-About what, Dad?" hindi na niya mapigilang hindi mautal dahil sa kaba, bumundol ang takot sa kaniyang dibdib dahil sa mga posibilidad na puwede nitong gawin.

Marahas na naglakad ito palapit sa kinatatayuan niya at walang pag-iingat na hinawakan ang kaniyang magkabilang balikat, napangiwi siya sa higpit ng pagkakahawak nito sa kaniya.

Vengeance Seized Soul (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon