CHAPTER 01

4.2K 150 3
                                    

GABRIELLE

I was busy drying my hair when a loud knock on my door interrupted me.

"Gabrielle bumaba ka na riyan at kakain na tayo!" Mama said na tela nakalunok ng megaphone. Ang aga nagsisigaw agad si mama.

"Papunta na po ako ma!"

"Bilisan mo diyan."

Hindi nalang ako sumagot at niligpit ang blower na ginamit ko bago ako tumayo muli at tinignan ang sarili sa may kalakihang salamin dito sa loob ng kwarto ko.

"Okay Gab, ang sexy mo. Paniguradong mamaya marami na naman ang maglaway sa'yo sa campus." Saad ko sa sarili ko at sinuklay ang blonde kong buhok na hanggang bewang ang haba bago tinignan ang suot ko.

I am now wearing simple fitted jeans and I also paired with a maroon shirt from our department with Business Administration written on the back. Also has a collar and on the front on the chest to be exact and it's the logo of my school.

Labyrinth University.

Pagkatapos ko makita ang sariling komportable na ay agad naman akong lumabas sa kwarto pagkatapos makuha ang bag ko. Hindi paman ako nakababa ay nakita ko na ang magulang ko na tela seryosong nag-uusap habang kumakain.

"Good morning everybody!" Energetic kong usal na nagpagulat sa mga ito dahilan para mapangiti ako.

"Ano ba Gabrielle! Ikaw na bata ka talaga ke aga-aga nanggugulat ka riyan!" Mama said na tela nagulat talaga dahil may pahawak pa ito sa dibdib niya.

Nag peace sign naman ako dito bago ibinaba ang bag ko at umupo. "Peace mother. Ang seryoso niyo kasi ke aga-aga pa." Sabi ko at agad kumuha ng kanin at ulam naming itlog, hotdog, toccino at kaunting toyo.

Hmm masarap kasi talaga to. Isa to sa di nakakasawang ulam na kinain ko sa tanang buhay ko at hinding-hindi ko ito pagsasawaan.

Simple lang naman kasi ang pamumuhay namin. Si papa ay taxi driver at minsan naman ay kumikita ng 3k sa loob ng tatlong linggo habang si mama naman ay isang guro sa elementary sa kabilang school. Public to be exact. Habang ako naman ay isang 2nd year college student taking up Business Administration. Paminsan-minsan narin akong nagpapartime job sa mga coffee shop, jollibee, restaurants, karinderya at marami pang iba.

Sa hirap ng buhay need ko talaga kumayod ngayon at hindi aasa sa magulang ko. Medyo matanda na kasi sila mama at papa kaya imbes na maging pabigat ay tumutulong nalang ako sa gastusin dito sa bahay, minsan nga ako nalang gumagasto sa pang tuition ko pati allowance. Alam ko naman kasi na walang-wala sila ngayon kahit na hindi nila sabihin sa akin.

Isa narin siguro yung pag-uusap nila kanina about sa gastusin dito sa bahay. Kahit di nila sabihin ay alam ko naman na.

"Siya nga pala nak. May pera ka pa bang pang allowance mo?Medyo sabit ako sa pagpapasahero ngayon eh kay--" Pinutol ko naman ang dapat na sasabihin ni papa at agad nagsalita.

"Pa. Meron pa po akong pera at diba sinabi ko na sa inyo na ako na po ang bahala sa gastusin ko sa school?Alam kong nahihirapan na kayo ni mama kahit hindi niyo sabihin sa akin." Tela seryoso kong usal sa kanila. Tumahimik naman ang mga ito sa narinig.

"Nak pasensya ka na hah?Sadyang mahina kasi talaga ngayon. Di bale, pag nakadelihensya ako lalabas tayong tatlo at mamamasyal kagaya ng nakagawian." Papa said habang hinawakan ang kamay ko sa itaas ng lamesa.

We used to bond simula pa nung maliit palang ako. Pasyal there and pasyal everywhere ang peg naming tatlo. Nagsisimba din kasi kami tuwing linggo and until now ginagawa parin namin yun. Mahirap man kami pero masasabi kong swerte naman ako sa magulang ko. Balang araw makakabawi din ako sa kanila pagkatapos na pagkatapos kong mag-aral.

Gabrielle (Professor Series #1)Where stories live. Discover now