CHAPTER 02

2.7K 116 8
                                    

GABRIELLE

"Class dismissed!"

Nagsitayuan naman ang lahat matapos marinig ang mga katagang yun. Inayos ko naman ang gamit ko at agad isinukbit ang bag ko sa likod.

"Hoy Gab ba't ka late kanina huh?" Akala ko pa naman nalimutan na ng pandak nato yung nangyari kanina. Chismosa talaga.

"Chismosa ka talaga eh nu?Na late kasi ako dahil-" Hindi paman ako tapos sa pagsasalita ng pinutol na niya ito.

"Kasi naghahanap ka pa ng fafa! Yun ba huh?Huh?Sinasabi ko na nga b--aray tangina mo!" Binatukan ko nga. Litse ang hilig niya talagang gumawa nang kwento.

"Gaga ka ba?Anong fafa pinagsasabi mo diyan?!Tsaka isa pa kaya ako late kasi si mama at papa naghaharutan pa kanina tss." Napanguso naman ito sa sinabi ko. Nadamay pa tuloy si mama at papa hmp. Pero totoo rin naman slight hehe.

"Sorry naman. Akala ko nagboboy hunting ka eh tsk." Napaikot nalang ako sa aking mata sa sinabi niya.

"Alam mong hindi ako kagaya mo Laur." Medyo seryoso ko kunwaring sabi na may kasamang pang-aasar dahilan para lumukot ang mukha niya.

"Tangin--!" Hindi paman siya natapos sa pagsasalita ay pinutol na ito ni Alex.

"That's enough. Let's go and eat lunch. I'm starving already."Nagsukatan pa muna kami ng tingin ni Lauren bago sinundan si Alex na ngayon ay nakapamulsang naglalakad habang kami naman ni Laur ay nakasunod lang sa kanya habang nag-aasaran parin.

Pagdating namin sa cafeteria ay bahagya namang tumahimik ang kaninang maingay na paligid na ipinagtaka ko. Naramdaman ko naman na siniko ako ni Lauren dahilan para mapalingon ako sa kanya.

"Bakit ka ba naniniko diyan?" Lumapit naman ito ng bahagya sakin na parang may ibubulong.

"Tumingin ka sa gawi ni Alex." Kahit nagtataka ay sinundan ko naman ang tinitignan niya kung saan si Alex na tela nakikipagsukatan ng tingin sa isang babaeng naka teacher uniform.

She's wearing a pencil cut skirt katulad nang suot nung rude professor kanina na sinarhan ako ng pinto. And speaking of her, nakatingin ito sa akin ngayon habang nakataas ang kilay at bago paman siya umiwas ng tingin ay inirapan pa ako nito na ikinalaglag ng panga ko.

Nagsalubong naman ang kilay ko sa nakita. What the?Anong ginawa ko sa kanya at may pairap-irap pa siya diyan?

Hindi ko nalang siya pinansin at inilipat ang tingin kina Alex. Mukhang kasamahan niya pala itong ka staring contest ni Alex na ngayon ay makikitaan mo ng walang emosyon at tela hindi interesado sa taong kaharap niya.

"Tara puntahan natin." Hindi na ako nakasagot pa at biglang nalang hinila ni Lauren ang kamay ko kung nasaan si Alex nakatayo.

"Don't touch me miss and please don't come near me again. Ayaw ko ng gulo." Bago paman makasagot si miss ay iniwan na ito ni Alex at agad na pumunta sa counter para umorder. Napansin ko naman na lumungkot ang mukha nito habang sinusundan ng tingin ang kaibigan ko.

Okay?What was that?Are they friends or what?

"Weird. Ano kayang meron sa kanila?" Lauren confusedly ask. I shrugged my shoulders at hindi nalang siya sinagot sabay punta sa counter para umorder. Sumunod naman siya sa akin.

"Anong order niyo ma'am?" Rinig kong tanong sa amin nang tindera. Nanatili naman akong tumingin-tingin sa paninda nila kung anong masarap bilhin. Meron fried chicken, vegetable, pancit, adobo, paksiw, sabaw at sa dessert naman ay may hamburger, french fries, spaghetti, lasagna, carbonara, cake at marami pang iba.

"The usual ate. Pancit adobo at dalawang rice po. Samahan niyo na rin ng isang soda in can at isang hamburger at large fries po." Rinig kong saan ni Laur. Nakita ko naman ang inorder ni Alex na dalawang rice, 2 fried chicken,spaghetti, french fries at soft drinks na isa.

"Yung totoo. Di naman kayo gutom nu?" Di ko napigilang itanong sa kanila. Napalingon naman sila sa gawi ko.

"Hayaan mo na kami Gab. Palibhasa late ka pumasok kaya hindi mo alam ang feeling kanina na halos sasabog na ang utak namin sa quizzes na 50 items ni miss." Sa haba ng sinabi niya ay yung quizzes lang na tunatak sa isip ko.

"Ano?!50 items?!" Gagi?Shit sabi na eh may quiz! Grrr kasalanan to ng rude professor na yun kaya hindi ako nakapag take eh.

"Oo 50! Kaya ikaw na late pumasok ay automatic zero ka na at absent pa. Goodluck nalang sayo." Takte na yan. Nangongonsensya pa ang pandak nato.

Kasalanan talaga to ng professor na yun eh pero bakit wala man lang siyang sinabi kanina diba?

"Umorder ka na hoy!"Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa sinabi nitong si Laur.

"Hintayin ka nalang namin dun. Tara Alex." Hindi ko na sila nilingon pa at agad umorder ng sakin.

"Ate 2 rice po isang fried chicken, paksiw at pancit. Samahan niyo na rin po ng coke at burger and fries. Ito po ang bayad." Alam kong nagtataka kayo sa dami ng order ko samantalang kanina ang lakas ko mang-asar kina Laur at Alex.

"Ito na iha. 350 lahat." Kinuha ko naman ang sukli at inilagay sa bulsa ko bago kinuha ang order ko sa kanya. Pumunta naman ako agad sa pwesto nila Alex na malayo sa maiingay na medyo ikinahinga ko ng maluwag.

Ayaw ko kasi talaga sa maiingay at naiirita ako sa ganyan tsk.

"Oh anyare sayo Gab?Salubong na salubong yang kilay mo." Iniligay ko naman ang pagkain ko sa mesa nago sinagot si Lauren.

"Nothing. Mabuti naman at dito niyo naisipang pumwesto." Saad ko habang kumakain. Tahimik lang naman sila ganun na rin ako.

"The ambiance here is quite peaceful." Alexandria said. Agree din naman. Hindi tulad nung isang araw na pinakagitna kami pumwesto talaga. Nagbulongan tuloy yung ibang estudyante at yung iba kinikilig since kaming tatlo dito ay kilalang campus sweetheart kuno nila.

Alexandria is known to be a snob, cold and aloof which I was not surprised. It's also true because it's only once in a blue moon that she smile. Ewan ko hindi naman siya dating ganyan at isang araw nagulat nalang kami na bigla nalang siyang naging malamig. I really don't know what happen to her. While Lauren is known to be naughty, jolly and alaskador. You probably saw what she did earlier, right? While me. I'm cold, I'm also irritable and sometimes short-tempered. But despite of that, many people admire us, I mean the three of us. I don't know about them and what they saw in us. I know that my two best friend are gorgeous, but me? Hays, I don't know about them hays.

"What's with you and that teacher kanina Alex?" Napaangat naman ako ng tingin mula sa pagkain at tinignan ang reaksyon ni Alex sa naging tanong ni Lauren.

She shrugged her shoulders bago nagsalita. "That was nothing guys." Hmm. May mali eh. Sa paraan palang nang pagtitig kanina nung teacher na yun sa kanya ay para bang matagal na silang magkakilala.

"Are you sure?Para kasing matagal na kayong magkakilala eh." Saad ko pa. Napansin ko naman ang lihim na paglunok niya and she averted her gaze from me nang makita niyang nakatingin ako sa kanya.

"It was nothing okay?And please let's not talk about her." Nagkatinginan naman kami ni Laur sa naging sagot niya at sabay na nagkibit balikat.

Alam kong may mali sa kaibigan naming ito eh base na rin sa reaksyon niya. Di bale malalaman rin namin yan.

Gabrielle (Professor Series #1)Where stories live. Discover now