CHAPTER 07

822 33 12
                                    

GABRIELLE

"Huy tangina kanina pa ako nagsasalita dito hindi ka pala nakikinig saking tanga ka!" Sinamaan ko naman ng tingin si Lauren nang batukan ako nito ng malakas sa ulo dahilan para magising ako mula sa malalim na pag-iisip.

"Taena mo rin gago! Kailangan mambatok ganun?!" Pinanlisikan ko naman ito ng mata at aambahan sana sa pagsuntok pero ang gaga ay nagtatakbo na palabas habang tumatawa. Abnoy amp!

"Para ka kasing baliw, kung nakikita mo lang ang sarili mong ngumingisi tapos kukunot rin ang noo. Yung totoo, hindi ka ba nag-umagahan?" Imbes na patulan ito sa sinabi niya ay umupo nalang ako ulit sa upoan ko at lumingon sa labas ng bintana kung saan mo makikita ang mga estudyanteng palakad-lakad habang ang iba naman ay naka opo, nagja-jamming gamit ang gitara at kung ano-anu pa.

"Huy ano?May problema ka ba?Ang lalim ng buntong hininga ah?!"

Napabuntong hininga naman ako sa mga pumapasok sa isip ko bago nilingon si Lauren na may seryoso nang ekspresyon sa kanyang mukha.

"Si miss kasi..." Hindi paman ako tapos sa sinasabi ko ay nakita ko na ang pagngisi nito.

"Subokan mong mang-asar Laur!" Nagpipigil naman ito ng tawa habang nakataas ang dalawang kamay sa ere na parang sumusuko na ikinaikot ng mata ko.

Parang tanga amp.

"Wala naman akong sinabi, sige na ituloy mo na yung sasabihin mo." Mukhang seryoso naman na ito kaya ikwento ko sa kanya ang nangyari sa pagitan namin ni miss na mahigit isang buwan na ang nakalipas.

"So you like her nga?Kailan lang?"

Ito yung tanong niya matapos kong ikwento sa kanya ang lahat. Sa pagbibigay ni miss sakin ng mix signals, sa pahalik-halik nito sa akin sa pisngi lalo na sa tuwing uuwi na kami, sa pagiging malambing at clingy nito sa akin lalo na kung kaming dalawa lang sa office niya. Araw-araw ba naman ako nitong inutosan sa pagche-check sa mga papel ng mga kaklase ko kaya kasama kami laging dalawa sa paglu-lunch. Buti nga hindi nagtampo itong mga kaibigan ko sa akin since hindi na ako nakakasabay sa kanila kumain sa cafeteria.

Hindi ko nga akalain na may ganong side pala si miss. Ang cute lang.

"I don't know Laur, pero sa tingin ko nung panahon palang na nagbabangayan pa kaming dalawa, nito ko lang narealize dahil sa mga ginagawa niya sakin." Tela problemado kong usal sa kanya sabay buntong hininga.

Oo gusto ko si miss gustong-gusto na yung tipong I want her to be mine pero that's impossible kasi may mga chismis dito sa campus na dumating na daw yung long time boyfriend nito galing sa Spain para doon magturo, and yes, he is a teacher too. What a lucky bastard right?Pero kahit gusto ko man siyang agawin sa lalaking yun ay hindi pwede, baka matawag pa akong relationship wrecker or kung ano mang matatawag tsaka isa pa may malalim na reason ako kung bakit ayaw ko siyang i-pursue, ayaw kong sa aming dalawa ay masaktan siya sa huli. I can't endure the pain of her eyes if ever man na mangyari yun.

Di baleng ako ang masaktan, wag lang siya.

"Eh paano yan?May balak ka bang aminin sa kanya yang nararamdaman mo? Do you want to pursue her ba Gab?" I keep my mouth shut sa tanong na yun ni Lauren at muling napaisip.

"Mamaya nalang natin yan pag-usapan, nandiyan na ang tinatangi mo." Bulong nito at ilang sandali pa ay pumasok sa loob si miss na maaliwalas ang mukha at parang good mood pa ito.

I wonder what's with her today at bakit ganyan nalang ang mood niya.

"Good morning class." Masayang bati nito sa amin. Yung intimidating cold aura niya ay biglang naglaho na ikinataka nitong mga kaklase ko. Oo halos silang lahat maliban sa akin. Pati nga tong katabi ko nakanganga sa pinapakitang bagong kaanyuan ng aming yelo na professor.

Gabrielle (Professor Series #1)Where stories live. Discover now