CHAPTER 03

1.3K 57 5
                                    

GABRIELLE

"Ang tagal mo naman kanina pa si Alex naghihintay sa atin eh!"

The always reklamador also known as Lauren ay nagbubunganga na naman. Hay nako ang babaeng to talaga tsk.

"Ito na nga hays ang ingay mo talaga eh nu?Tara na nga!" Bago paman siya makasagot ay hinila ko na siya papuntang gate.

Nag decide kasi kami na sa labas kakain ayon na rin sa gusto ni Alex. Medyo nakakasawa na kasi sa cafeteria kahit pa sabihin nating masarap ang pagkain nila, which is totoo rin naman.

Ilang sandali pa ay natanaw na namin si Alex na nakasandal sa pulang sports car na mukhang sa kanya habang nakapikit na tela nakatulog na kakahintay sa amin.

"You guys took so long. Let's go."

Nagkatinginan naman kami ni Laur at sabay na pumasok sa loob ng kotse. Umupo naman ako sa backseat habang si Lauren naman ay sa passenger seat. So bale ang driver namin ay si Alex.

"Where do you guys want to eat?" Alexandria asked obviously breaking the silence envelope the three of us. Parang gutom na talaga kami sa sobrang tahimik namin lol.

"Sa fast food chain nalang tayo. Don sa pulang bubuyog." Lauren said. Tumango naman ako hudyat na pumapayag ako sa sinabi niya. Pero seriously pulang bubuyog talaga?Pfft.

"Okay." Ilang saglit pa ay nakarating naman agad kami sa pinakalapit na mall at agad na bumaba sa kotse nang maipark ni Alex ang sasakyan niya.

Pagkababa namin ay sumalubong naman sa amin ang mga tao kung makatingin ay para kaming hinuhubaran na ikinairap ko ng lihim. Nakakailang talaga pag pinagtitinginan kayo ng ganito tsk.

"Grabe pati ba naman dito pinagtitinginan tayo?Tsk kairita ah!" Lauren the always reklamador said. Totoo rin naman kasi na nakakainis pag laging ganito.

Akala ba nila sa amin artista?

"Just don't mind them Lau. You guys need to hurry so we shouldn't be late for our next subject later." Sa sinabi ni Alex ay napatingin naman ako sa relo ko.

Shit 45 minutes nalang next subject na namin at heto kami hindi pa nakakain. 1 hour and 45 minutes lang kasi ang lunch break namin. Nakakahiya sa kanila hindi man lang dinagdagan ng 15 minutes para maging 2 hours amp.

"Oh ayon doon na tayo girls sa may bubuyog na pula. Tara." Hindi na kami nakaangal pa ng hilain kami ni Lauren papasok sa Jollibee o pulang bubuyog ayon sa kanya.

"Ako na pipila girls. Ano ba order niyo?" Woah. Mukhang sanay sa pagkain na ganito ang pandak na to ah.

"Wait. Are you sure na alam mo?O baka naman nasubokan mo na kumain sa ganito?" Tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka lang kasi tsaka sa yaman at arte nito?Hmm.

Napairap naman ito bago ako sinagot. "Nasubokan na namin dito kasama ang pinsan ko galing US okay?Tsaka anong akala mo sa akin Gab maarte?" Taas kilay niyang tanong. Napataas naman ang kilay ko sa turan niya. Aba siya lang ba ang marunong?Hmp!

"Ay hindi ba teh?Kung yang kilay mo nga kulang nalang makalbo sa pag ahit mo kasi bukod sa gusto mong maging pantay ay nilagyan mo pa ng guhit-guhit na lapis. Tignan mo nagmukha tuloy logo sa nike yan tignan. Feeling mo ba hindi ka na maarte nun?" Tumalim naman ang tingin nito sa sinabi ko samantalang ako ay kulang nalang maglupasay dito para pigilan ang tawa.

"F*ck you Gabrielle! My kilay is not fake okay?!At mas lalong hindi siya logo nang nike t*angina mo!!!" Napatawa naman ako ng malakas sa sinabi nito dahilan para pagtitinginan kami ng mga costumer.

Gabrielle (Professor Series #1)Where stories live. Discover now