CHAPTER 08

427 22 7
                                    

GABRIELLE

Mahigit isang buwan narin ang lumipas simula nung ma-confine ako sa hospital na pagmamay-ari mismo nila Miss Natasha ayon sa nalaman ko kina Lauren, at kahit pilitin man ako nila mama at kaibigan ko wag nang pumasok dahil delikado daw sa aking kalusogan ay nagpumilit pa rin ako dahil sa kagustohan ko.

Isang buwan ko naring pilit kinakalimutan ang nararamdaman ko sa aking guro lalo na't may asawa na ito ngayon na halos araw-araw ko na yatang nakikita ang pagmumukha nito habang hinahatid sundo si Miss Natasha.

Sa tuwing masisilayan ko ang pagmumukha nang gagong yun ay gustong-gusto ko siyang suntokin. Mukha kasi siyang hindi makakagawa ng matino.

Edi ako na judgemental!

Sa isang buwan na lumipas ay wala akong ginawa kundi ang tiisin ang sakit sa tuwing nakikita ko si miss na masaya sa piling ng kanyang asawa. Naibalita rin kasi dito sa campus na ikinasal na silang dalawa which is sa Madrid Spain ayon sa bulong-bulongan. Nung araw na sinabi sa akin ni Lauren yun ay grabe ang pag-iyak ko, para akong tinusok ng karayom sa sobrang hapdi ng aking dibdib.

Hindi ko lang kasi inakala na sa first heartbreak ko ay ganito pa ang kahahantungan.

Akala ko lang kasi talaga na may nararamdaman narin sa akin si miss sa mga pinapakita nito sa aking sweet gestures, akala ko lang pala at ako lang ang umasa.

"Ayan na naman yung mukhang unggoy na kung makakapit kay Miss Natasha wagas!"

Napalingon naman ako kung saan ang tinitignan ni Lauren at doon ko nakita si Miss Natasha kasama ang asawa niya na nagtatawanan at dalawang professor na nakatingin kina Alex at Lauren gamit ang malalamig nilang mga tingin.

Nakaramdam naman ako ng hapdi sa dibdib ko kaya bago paman ako mahimatay ulit dito ay iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanila at pinagptuloy ang pagkain ko.

"Ayos ka lang ba Gab?"

Iniangat ko naman ang ulo ko at tinignan si Lauren ngayon na may pag-aalala sa mukha katulad ng kay Alex na mukhang napatigil din sa pagkain sa tanong nito.

"Oo naman. Bakit mo natanong?" Nakangiti kong tanong dito na hindi abot sa aking mata na ikinailing ni Lauren habang si Alex naman ay nakita kong dumilim ang mukha.

"Stop that fake smile of yours Gabrielle!" Pasigaw  ngunit may diin na sabi sa akin ni Alex sabay kalampag sa mesa namin na ikinagulat ko at ikinatahimik ng buong cafeteria, pati ang tatlong professor na katabing table namin ay nagulat din sa inasta nito bago lumingon sa table namin na may pagtataka sa kanilang mga mukha.

"Damn it!" Madiing sambit nito bago kinuha ang bag niya at nagmartsa papalabas ng cafeteria. Nagtataka ko naman itong sinundan ng tingin bago tinignan si Lauren na nakatingin rin sa akin ngayon at nagkibit balikat.

"Don't mind her. Mainit lang ang ulo nun, meron yata." Tumango nalang ako bago tinapos ang pagkain namin at agad na tumungo sa classroom for our next subject.

Pagkapasok namin sa loob ay nakita naman namin si Alex na nakapikit habang may nakasaksak na eaephone sa tenga, hindi nalang namin dinisturbo at agad nagtungo sa upoan namin.

Habang tahimik akong nakamasid sa labas ay may narinig naman akong bulongan sa may bandang likod ko since pwesto namin ang pinakadulo.

"Alam niyo ba girls, may sabi-sabi na fixed marriage lang daw ang kay Miss Reynolds at yung sa husband niya ngayon."

"Really?How do you say so?"

"Uh-huh, yan mismo ang narinig ko kina mom and dad the other day eh habang nag-uusap sila nung nag dinner na kami."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Gabrielle (Professor Series #1)Where stories live. Discover now